Chapter 32

135 18 0
                                    

Mika's POV

3 days past...

"Anak tuloy kana ba talaga sa America?", tanong ni mama habang tinutulungan akong mag- impake ng mga gamit ko.

Wala naman talaga akong balak umalis at tumuloy pero yun lang ang naisip kong paraan para maalis yung sakit at makalimutan si Renrem.

Pano ang anak namin?!

"Opo ma, para nadin sa future ko", saad ko.

"Alam ba ni Renrem na aalis ka?", tanong ni mama.

Napahinto ako sa pagliligpit na ginagawa ko.

Anong isasagot ko? Haisst!

"Opo ma", pagsisinungaling ko.

Okay na din yun para di na magtanong si mama.

"Ihahatid ka ba nya bukas?", ani mama.

"Busy sya ma, kaya baka hindi", sagot ko.

Busy sa bago nya...

"Alam na ba ni Renrem na buntis ka?"

Sh*t ayun pa nga eh!

Lumapit ako kay mama tyaka hinawakan ang kamay nya.

Hindi na anak ni Renrem toh, simula ngayon wala na syang karapatan sakin at sa anak ko. Hindi ako nagloko, halos ibigay ko lahat para sa kanya pero anong ginawa nya niloko nya lang ako. Mas pinili nya yung taong paulit- ulit lang syang ginamit at winasak. Pwess magsama sila, baka nga sila talaga ang para sa isa- isa.

"Ma pwedeng favor?! Wag nyo nalang sabihin kay Renrem yung tungkol dun. Ako nalang po ang magsasabi sa kanya", paliwanag ko.

"Anak may problema ba kayo?", tanong ni mama.

Ramdam ko ang biglang pamumuo ng mga luha ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Nakita ko kasi sya nung isang araw may kasamang babae.. Jusmeee ga-balyena anak, ano ba nya yun?", tanong ni mama na bahagya kong kinangiti.

Alam kong si Jane ang tinutukoy ni mama sa sinabi nya.

"Hmm baka customer lang nya ma", palusot ko.

"Di ba nambabae yang boyfriend mo ha?!", iritang saad ni mama.

Haisst si mama talaga...

"Ma yung sinaing mo, nangangamoy sunog na", pabiro kong saad.

"Ayy oo nga pala, jan ka muna. Tapusin mo na yan", saad ni mama sabay tayo at lakad palabas ng kwarto ko.

Pingpatuloy ko ang pag-iimpake.

Ilang days nadin akong pinuntahan ni Renrem dito sa bahay pero palagi akong umaalis para iwasan sya.. Kapag naman sa text, chat or call palagi kong sinasabi na busy ako o kaya gumagawa ako ng dahilan. Nagiging cause ng away namin tyaka tampuhan. Mas maganda nadin yun, mas marami syang time kay Jane.

Already quit but I still love him. Okay ako pero diko sinabing di ako nasaktan, kasi sa totoo lang sobrang sakit eh, sa totoo lang gusto ko nalang mawala na parang bula. Pero hindi ko gagawin kasi may isang buhay sa sinapupunan ko na sakin umaasa ngayon.

Hindi man nya maranasang magkaron ng buong pamilya, ipaparanas ko sa kanya na hindi sya nag iisa at walang kulang sa kanya.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now