Chapter 73

98 11 0
                                    

Renrem's POV

"Bumalik na yung taong pinaka mamahal mo", sarkastikong saad ni Ella.

Kanina pa siya ganyan habang nasa byahe kami pauwi. At oo aaminin ko affected ako nung makita ko si Mika, she changed a lot. Mas lalo siyang gumanda at pati na rin ang hubog ng katawan niya. Tila aakalain mo na isa parin siyang 18 years old kahit na may anak na siya.

"You're spacing out. Iniisip mo siya?", saad ni Ella na nagpabalik sakin sa reyalidad.

"Tama na Ella you're getting too oa about thinking those things", seryoso kong saad habang nagtatanggal ng polo.

"Oa? Wtf! Si Mika na yung usapan natin, iba si Mika. Sobra mo siyang minahal, Renrem", naiiyak na saad ni Ella.

Nang makita ko na namumuo ang luha sa kaniyang mga mata ay agad ko siyang niyakap para pakalmahin.

Ayokong may isang babae na naman ang luluha dahil sakin

"Shh calm down, remember that you are pregnant with our baby", pagpapatahan ko sa kaniya.

"Ako lang ang mahal mo diba? Wala na si Mika sa puso mo, ako na diba?", mga tanong niya.

Kahit na hindi ko alam ay isasagot ay sumagot ako para na din sa ikatatahimik niya.

"Oo ikaw lang at ang magiging anak", saad ko sabay halik sa noo niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog dahil si Ella dahil na rin sa pagod, natapos na din akong magshower kaya't naisipan ko munang lumabas para magpahangin. Nang palabas na ako ay nadaanan ko ang kwarto namin ni Mika, buti at dala ko ang susi kaya muli akong pumasok doon.

Naupo ako sa kama tyaka kinuha ang litrato namin sa mula sa lamesang katabi ng kama.

"Nakauwi kana", nakangiti kong saad habang pinupunasan ang picture frame.

"Ang laki ng pinagbago mo, sobra"

"Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo"

Gusto kong lumuhod sa harap mo at manghingi ng kapatawaran sayo sa lahat lahat ng kasalanan ko

"Hon, sinabi ko naman sayo diba na kahit hindi ka humingi ng tawad sakin eh paatawarin padin kita kasi mahal kita". Alaala ni Mika.

"Alam ko naman yun pero kasi ako mismo sa sarili ko ay hindi ko mapatawad", saad ko.

Hindi ko alam kung paano babawi sayo simula sa pagiging mabuti at mapagmahal na girlfriend tinuring mo na ako na para mong asawa

"Pero anong ginawa ko, niloko kita at sinaktan ng paulit- ulit, Mika patawarin moko", saad ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Patuloy ako sa aking pag iyak at pagsusumamo sa litrato niya.

Pagkatapo ng ilang oras ay lumabas ako ng kwarto namin.

"May mga bagay na tyaka lang natin marerealize ang halaga kapag nakita natin na hawak na ito ng iba"

"Papa..", saad ko ng mabosesan ang tinig ni papa at nang makita siya na naka upo sa sofa.

"Bakit gising pa po kayo?", pag iwas ko sa unang sinabi niya.

"Masaya lang ako at nakauwi na si Mika", saad niya.

Pumunta ako sa sofa at naupo, magkaharap na kami ngayon ni papa.

"Alam mo ba bago makaalis ng bansa si Mika ay nakapag usap pa ng gabing yun", saad ni papa na nagpaharap sakin sa kaniya.

"Papa gabi na matulog kana"

May part ko na ayaw marinig ang sasabihin ni papa dahil alam kong masasaktan ako dun at may part ko na gusto yung marinig dahil tungkol yun kay Mika.

"Nung makita ko siya nung gabing iyon sa may pintuan, nilapitan ko siya. Agad niyang pinunasan noon ang luha niya, tinanong ko siya kung may problema siya pero ang sagot lang niya ay wala at ayos lang siya", simula ni papa.

Mika was great pretender, eversince.

"Pinagtatakpan ka ni Mika sakin, saamin. Habang siya harap- harapan mong niloloko. Pinagmamalaki ka ni Mika sa lahat, habang siya paulit- ulit mong sinasaktan. Nung panahong kailangan mo siya, diba siya ang nasa tabi mo at hindi ang lintik na mga babae mo"

Sobrang sakit ng mga salitang naririnig ko galing kay papa, pero tama siya

"Pero nung kailangan ka niya, nasan ka? Iniwan mo siya nung araw na anniversary nyo, mas pinili mo ang babae mo kaysa sa kaniya. Hinayaan mo siyang mabasa ng ulan at magkasakit habang ikaw nagpapakasarap ka sa kama ng babae mo", galit at may diin ang bawat salita ni papa.

"Boss may nakita ba kayong babae dito, yung kasama kong pumasok?", saad ko sa mga guard.

"Kanina pa kami nagsarado sir, pero yung kasama mo naghintay pa siya dito ng mga kalahating oras hanggang sa umalis na siya. Bigla ngang umulan nun ng malakas kaya siguradong basa siya dahil mahihirapan siyang sumilong at madalang ang mga sasakyan na dumadaan dito", paliwanag ng guard.

Huli nako ng balikan ko siya noon, palagi akong nahuhuli pagdating kay Mika...

"Hon, sorry! Bumalik ako dun pero wala kana, sorry", saad ko habang yakap- yakap siya.

"Ang init mo", saad ko ng maramdamang nag aapoy siya lagnat.

"Kagabi pa yan nilalagnat ng makita ko sa daan na basang- basa at nilalamig, kaso ayaw naman niyang padala sa ospital", paliwanag ni Chy.

"Papahinga na muna ako", malumanay na sabi ni Mika sabay tungo sa kwarto namin.

"Anong ginawa mo Renrem? Diba may lakad kayo kagabi ni Mika bakit siya nalang mag isa ang umuwi at nagpasundo sakin kagabi?!", saad ni Chy ng makitang nasa loob na ng kwarto si Mika.

"May kliyente lang na gustong makipag kita", palusot ko.

"At talagang inuna mo pa ang kliyente mo kaysa sa girlfriend mo. Nang makita ko si Mika kagabi ay nakaupo na siya sa gilid ng kalsada at basang- basa, sa palagay ko ay bumagsak siya dahil sa taas ng lagnat niya. Wala kang kwenta hinayaan mo lang siya, paano kung may nangyari sa kaniya na masama", galit na saad ni Chy.

Ang dami kong mali at kasalanan sayo Mika

"Walang kasalanan sayo Mika, anak. Minahal ka lang niya ng lubos", saad ni papa sabay tayo at lakad paalis.

Huli na naman ako para sa lahat, Mika. Wala akong kwenta

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now