Chapter 97

123 19 0
                                    

Shawn's POV

Its a win or lose risk, but I will accept what Mika's decision. Kung gusto niyang balikan si Renrem ipaglalaban ko muna siya and if siya na mismo ang magsasabi sa mismong mukha ko that she love Renrem again, then sige I will give the happiness that she wants. Pero once na saktan, paluhain at madurog siya ulit ni Renrem, ako na ang babasag sa pagmumukha nang lalaking iyon.

"Baby kumain muna kayo!", aya ni Mika sa amin sabay lapag ng mga pagkain sa lamesa.

"Thank you baby", pasalamat ko kasabay ng pag alok ko ng kamay ko sa kaniya para patabihin siya sa akin. Agad naman niyang inabot kamay niya at pumwesto sa tabi ko.

"So ikaw yung ama ng pinagdadalang sanggol ni Ella?", tanong ni Ella kay Brent.

"Oo ako nga, pero pinapa- aku niya sa ibang lakaki ang anak ko", gigil na saad ni Brent.

Pinahanap ko si Brent sa private investigator ni dad and they find him sa isang barangay sa Batangas. At doon mismong nagka usap kami sa mga bagay kasama na din ang paglilinaw niya sa katotohanan.

"Willing ka namang panagutan si Ella?", muling tanong ni Mika.

"Ofcourse! Mahal ko si Ella lalo na ang anak namin", sagot nito.

Kahapon pa kami nakarating ni Brent sa Bulacan at ngayon lang din nagka usap sila ni Mika.

"Dapat malaman na ito agad ni Renrem para matigil ang kasinungalingan ni Ella", suhestyon ko.

Ngayon kami pupunta kina Renrem para aminin ang totoo sa kaniya.

Matapos ang ilang minutong pag uusap ay wala na kaming inaksayang oras pa. Agad kaming nagbihis at naghanda para sa katotohanang sasabog ngayong araw.

"Baby..", tawag ko kay Mika sabay hawak sa kamay niya.

"Whatever happen nothings gonna change, Shawn. I love you... for real", pagpapa- gaan niya sa loob ko sabay halik sa labi ko.

Sapat na ang mga salita niya para lang madama ko ang pagmamahal niya.

Pero sana nga Mika, sana ako padin pagkatapos ng lahat...

Mabilis naming tinungo ang tirahan nina Renrem at saktong nandun ang mga sasakyan nila senyales na nandun din silang lahat. Bumaba kami ng kotse sabay pakawala ng malalim na hininga. Naglakad kami papuntang pintuang ng bahay nina Renrem nang biglang hawakan ni Mika ang kamay ko.

"I love you, Shawn", nakangiti nitong saad.

"Oh kayo pala Mika", bungad sa amin nung Jay.

Kumatok na pala si Brent ng hindi namin napapansin.

"Hm Jay nandyan ba sina Renrem at Ella?", tanong ni Mika.

"Oo nasa loob, pasok kayo!", paanyaya samin nung Jay kaya pumasok kami.

Nandun silang lahat sa sala habang abala sa kani-kanilang gawain. Naagaw ng atensyon ko si Ella na nakaupo at si Renrem ay nakahiga sa mga hita niya. Kita ko rin ang pagkabigla sa mukha niya nang makita niya si Brent. Agad napatayo si Renrem nang makita si Mika.

"Oh ija, napadalaw kayo", basag sa katahimikan nung papa ni Renrem.

"Hello po tito. Umm napasadya lang po kami dahil may sasabihin lang po kami"

Pagkasabi nun ni Mika ay kita ko ang takot at panginginig ni Ella.

"Ano yun Mika?", tanong ni Renrem.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ