Chapter 5

209 41 0
                                    

Mika's Pov

Kakauwi ko lang galing sa school at inis na inis nako. Almost 4 days nang hindi nagpaparamdam sakin si Renrem.

"Pag lang nalaman ko na nambabae ka! Nako kingina mo lang talaga", pang- gigil kong bulong.

Baka mabasag ko yung baso letchee, ako pa kasi pinaghugas dito diko naman toka ngayon.

"Hoyy Sheena ang daya mo, ikaw dapat ang naghuhugas ngayon ah!", irita kong saad sa pinsan ko.

"Look Mika, bagong manicure at pedicure ako oh", maarte nyang sagot.

"Letchee ka", bulong ko.

Habang naghuhugas ako ay aksidente kong nabitawan yung baso.

"Mika, ano ba yan?!", tanong ni Lola.

Bigla akong nakadama ng kaba sa di malamang dahilan. May nangyare ba? Ang sama ng kutob ko ngayon, sana wala naman!

Pagkatapos kong maghugas ay umakyat agad ako sa kwarto para tawagan si Renrem.

"Kingina sagutin mo!", gigil kong saad.

Puro ring lang ang naririnig ko.

"Hoyyy sagu--"

"Hello", boses ng babae.

"Hello, ate Mika", ulit nito.

Aba ang kapal ng mukha, kilala pako at ate  pa talaga ang tawag sakin. Nambababae ka na naman letchee ka.

"Ate Mika si Aira toh. Hello"

Halaaa kala ko babae nya, pinsan lang pala nya.

"Aira bakit ikaw ang sumagot? Asan si Renrem?",  tanong ko sa pinsan ni Renrem.

"Ate di mo pa po ba alam?!"

"Alam ang alin?", tanong ko.

"Si kuya Renrem nasa *tot *tot"

"Hello Aira, hello--- shitttt", biglang namatay ang tawag.

"Shit ka Renrem ano na naman bang ginawa mo", nabato ko yung cellphone ko sa kama dahil sa inis.

Buong magdamag akong naghintay ng text, tawag o chat pero ni isa ay walang dumating. Tinadtad ko na din si Renrem ng tawag at messages pero ni isa ay walang sagot. Magkahalong kaba, inis ta mangiyak- ngiyak narin ako, bwesit.

KINABUKASAN...

12:43 pm, nasa kwarto lang ako dahil sabado at walang pasok, kaboring! Buti nalang kasama ko si wattpad, nagbasa lang ako simula kaninang umaga. Facebook, Instagram, Wattpad, Youtube, kain. Haisst!

"Shockss can I have my own Karma", kinikilig kong saad habang binabasa ko ang Kiss of Death.

Ring! Ring!

"Hello, ma", sagot ko sa tawag.

"Hello, anak", saad naman ni mama.

"Bakit ma? Kamusta naman kayo jan?"

"Muntik nang maaksidente ang papa mo at si Fria nung nakaraang araw", saad ni mama.

"Ano?! Kamusta naman sila? Ayos lang ba sila? Nasa ospital ba sila?", sunod-sunod kong tanong dahil sa takot at kaba.

"Hindi anak. Nakaligtas sila". Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mama.

"Buti naman kung ganun"

"Kasi anak may nagligtas sa kanila at yun yung nasa ospital ngayon", may pag aalala sa boses ni mama.

Nakaramdam ako muli ng kaba sa di malamang dahilan.

"Sino ma? Kakilala nyo ba?", tanong ko.

"Si Renrem, anak"

Juskoo! Tila nawindang ang mundo ko at nadurog ang puso ko. Nagsimula naring bumuhos ang mga luha ko. Diko magawang umimik at magsalita manlang.

"Kung di nya niligtas ang papa mo at si Fria ay baka nasa critical na lagay sila", paliwanag ni mama at nagsimula na ding umiyak.

"K-kamusta naman daw po sya, ma", sabay kagat ko sa ibabang labi ko para pigilan ang luha ko.

"Sinangga nya yung kotse nya sa SUV na dapat bubunggo sa papa mo at bumanda iyon sa may puno na malaki. Nagtamo sya ng sugat sa ulo. Nadalaw na namin sya dun. Unti- unti narin syang nakaka- recover sabi ng doctor", paliwanag ni mama.

Puro ako hinala sa kanya, yun pala masama ang lagay nya.

"Tumawag ako para sabihin sayo yun, dahil wala kapa raw alam tungkol dun"

Yun ba dapat ang sasabihin ni Aira sakin?!

"S-sige po ma. S-salamat po", utal kong saad.

"Magiging okay rin sya, babalitaan ka nalang namin tungkol sa kanya",

"Sa-lamat, ma", saad ko sabay end call ni mama.

Napa upo ako sa kama at patuloy sa pag iyak. Nag- aalala ako kay Renrem.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now