Chapter 69

99 13 0
                                    

Renrem's POV

2 days past...

"Anong meron bakit ang dami nyong niluluto?", tanong ni Paolo.

Ang dami nga nilang hinahain sa lamesa para sa tanghalian. Iba't ibang uri ng ulam at panghimagas ang nakahain.

"Oyy", tapik ni tita sa kamay Jay.

"Ano ba kasing meron? Ang sakit nun ma", angal ni Jay.

"Pupunta dito sina Renz at Fria kasama si Heaven", saad ni Aira.

Kasama ang anak ni Mika...

"Hi babe...", bati ni Ella sabay yakap sakin.

"Hi", maikli kong saad.

"Let's go shopping, may gusto akong bilhin eh", saad niya in a pacute way.

Tok! Tok!

"Ako na", saad ko sabay punta sa pinto buksan iyon.

Bumungad sakin sina Renz.

"Pasok kayo...", saad ko at pumasok sila.

Ngumiti sakin si Heaven, ang anak ni Mika.

She look like her mom...

"Oyy anjan na pala kayo", saad ni papa sabay bati sa kanila.

Lahat ng atensyon nila ay napunta sa kanila.

Sa hapag kainan...

"Heaven how's your mommy in America?", tanong ni tita.

Bigla namang napunta sa akin ang atensyon ni Ella.

I know what she thinks

"Mami ish payn and gud poe", saad ni Heaven.

Ang kyut niyang bata, sobra...

"How about your daddy?", singit ni Ella.

"Dadi gud tue"

"Kelan uuwi sina Mika, Renz?", tanong ni Paolo.

Nakita ko na humigpit ang hawak ni Ella sa kutsara.

"I think one of this week or next week ang flight nila", sagot ni Renz.

"Marami na bang pinagbago si Mika?", natatawang saad ni Jay.

"Sobrang dami ng pinagbago ni Ate"

"Ano ba trabaho niya at ng fiance niya?", tanong ni tito.

"Si ate head nurse while kuya Shawn is an engineer at the same doctor", sagot ni Renz.

"Mami was a gud nars, she was keyring and loving mami to me and to dadi", sabat ni Heaven.

"Heaven who is your look a like?", tanong ni Ice.

"Mamiiii", masayang sagot ni Heaven.

Sana maging ganito ang magiging anak ko, katulad ni Heaven

Nakita kong pinipilit ni Heaven abutin ang lalagyanan ng vegetable salad.

"Here", saad ko sabay abot sa kaniya ng salad at lagay nun sa plato niya.

Alam kong tumingin silang lahat sakin dahil sa ginawa ko.

"Tenk u", nakangiti nitong saad.

Mika...

"You're welcome", saad ko.

Sa tuwing ngingiti siya bumabalik sa isip ko kung paano ngumiti sakin si Mika, kung paano siya maging masaya sa tuwing ako ang kasama niya.

Ang sarap, sobrang sarap sa pakiramdam...

Makikita ko pa kaya siyang nakangiti nang dahil sa akin?!

Can I Hold You Again? [Under Editing]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें