Chapter 65

111 14 0
                                    

Renz's POV

"Bilisan nyo jan Renz, Fria at susunduin pa natin ang parents ng kuya Shawn nyo kasama si Baby Heaven", excited na saad ni mama.

"Pababa na po", sagot ni Fria habang inaayos ang gamit namin.

"Tapos nako. Kailangan mo ng tulong?", alok ko sa kaniya.

"Di na kuya tapos na din naman ako. Teka kasama ba si ate Aira sa atin?", tanong niya.

"Oo daw, gusto din niyang makita si baby Heaven eh", sagot ko.

Bumaba na kami at naabutan namin sila na nasa sala kasama si Aira.

"Mahal", saad ko papalapit sa kaniya.

Lumapit siya sakin tyaka ako hinalikan sa pisngi.

"Excited nako makita si baby Heaven, mahal", saad niya na halata naman.

"Pareho kayo ni mama, ate Aira", natatawang saad ni Aira.

"Sayang at papahuli pa sina ate Mika", saad ni Aira.

"Nako Aira, baka sa isang linggo o makalawa ay nandito na sila.. Hindi na din ako makapaghintay", saad ni mama.

Umalis na kami agad para sunduin sa bayan ang parents ni Kuya Shawn kasama si Baby Heaven, dun kasi napag usapan na magkikita- kita. Habang nasa byahe kami ay hindi namin maiwasan ang sayang aming nararamdaman.

After a minutes of traveling ay nakarating na kami sa mall. Agad kaming pumasok para hanapin sila.

"Ayun sila", turo ni Fria.

Tumingin kami sa lugar na tinuturo niya at nakita namin na kumakaway ang daddy ni Kuya Shawn sa amin. Nang magkalapit ay agad silang nagbeso- beso at nagbatian na din.

"Ang apo namin! ang laki-laki mo na", sabay lapit ni mama kay Baby Heaven.

"Baby this is your lolo and lola, also your tita and tito", pagpapakilala ng mommy ni Shawn sa amin.

"Go, hug them baby", saad niya ulit sabay lakad ni Heaven papalapit kina mama.

"Ahh ang cute cute mo naman apo", bati ni mama.

Naupo na kami at umorder ng makakain habang sila ay nagkukwentuhan.

"Kamukhang-kamukha ni ate Mika", saad ni Aira habang nakatingin kay Heaven.

"Tignan mo yung mata niya"

Napatingin naman ako bigla kay Heaven habang nilalaro siya ni Fria.

May pagka- hawig ni kuya Renrem...

"Kamukha man siya ni Ate Mika pero di maalis sa kaniya ang bakas ni kuya Renrem", mahinang saad ni Aira.

"Ano kaya kung sila parin? Kamusta kaya silang dalawa? Kamusta sila bilang isang pamilya?", tanong ni Aira.

"Magkaka anak na si Kuya Renrem at magpapakasal na din sila. Si ate Mika din uuwi sila dito para planuhin ang kasal. Magkakaron na sila pareho ng sariling pamilya nila. At si Heaven, siya nalang yung tanging alaala ng dalawa na minsan silang nagmahalan", saad ko.

"Hindi makikilala ni Heaven ang totoo niyang ama"

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin kay Heaven.

Nadamay si Heaven sa kasalanan ng isa... Siya ang naging bunga ng pagmamahalan na nauwi sa sakitan at hiwalayan...

"Sa pagbabalik dito ni ate Mika, ang daming pwede ang mangyari.. Sa kaniya, sa kanila", concern na saad niya.

Hinawakan ko ang kamay niya just to comfort her. Masyado niyang iniisip ang mga bagay-bagay.

"Magtiwala tayo kay ate, alam kong may plano siya sa mga posibleng mangyari. And I know na hindi siya papabayaan ni kuya Shawn", paliwanag ko.

Some days you just have to create your own sunshine.. And that what Ate Mika do.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon