Chapter 76

99 13 0
                                    

Renrem's POV

Umalis si Mika kasama si Chy, ang parents naman ni Mika ay nagpaalam na aalis na dahil may pupuntahan pa sila. Naiwan dito sa church sina Renz at Fria kasama si Heaven.

Busy ako sa pagkalikot ng cellphone ko kasi nga iniistalk ko si Mika sa Fb ng biglang maramdaman kong may lumapit sakin kaya napatingin ako sa harap ko.

Si Heaven...

"Umm?", saad ko sa kaniya dahil inaabot niya sa akin ang isang lollipop.

Ngumiti siya sakin ng sobrang tamis hindi ko alam pero ngumiti ako pabalik dahil dun.

"Por u", nakangiti niyang saad habang inaabot sakin ang lollipop.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko silang lahat na may hawak na lollipop and for sure na galing yun kay Heaven.

"Tanggapin mo na", pabulong na saad ni Paolo sapat para mabasa ko sa bibig niya.

Tumingin ulit ako kay Heaven na nakangiti parin sakin.

"Thank you", nakangiti kong saad sabay abot ng lollipop.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, hindi ko alam pero sobrang gaan sa pakiramdam at bumilis din ang tibok ng puso ko. And I find myself hugging her too.

Bumitaw si Heaven sa pagkakayakap sakin at ngumiti kasabay ng pag alis niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang papunta siya kay Renz, then I notice na parang basa ang aking pisngi. I touch it and I'm right.

Umiyak ako? Pero bakit?

"Oyy tignan mo para kayong mag ama dito ni Heaven, ang cute", saad ni Ice ng makalapit sila sa akin sabay pakita niya sakin ng picture kung saan magkayakap kami ni Heaven.

"Kung ako sayo kuya Renrem, lalayuan ko si Heaven para hindi magalit si ate Mika", saad ni Aira.

"Wala namang masama kung maglalapit silang dalawa ah. Oo may past sila pero di naman dun kasali si Heaven", pagtatanggol ni Paolo.

"May chance na magselos si kuya Shawn at mag away sila ni ate Mika dahil sa paglapit lapit mo kay Heaven", paliwanag ni Aira.

She has a point...

"Si Heaven yung lumapit, wag oa Aira", ani Ice.

Nagwalk out palayo si Aira sa amin.

"Bat ang kontra ni Aira?", tanong ni Jay.

"Simula naman nung umalis si Mika naging ganyan na siya", dagdag ni Paolo.

"Namimiss ko na yung dati kong kapatid", umaktong naiiyak si Jay.

Naguguluhan na din ako kay Aira. Sa tingin ko may tinatago siya sa akin, sa amin. Pero ano yun?

Ahhhh ang dami ko na namang iniisip, ang sakit sa utak

"Nasaan si Ella?", tanong ko ng maalalang kanina pa wala si Ella.

"May pupuntahan lang daw siya saglit", sagot ni Ice.

"Saan daw? Hindi naman siya nagsabi sakin", saad ko.

"Ewan", kibit balikat ni Ice.

Ella's POV

"Asan na ba ang bwesit na yun arghhh", inis kong saad.

Nakakainia siya bakit ba kasi ayaw niya parin akong tigilan. Nakakairita na

"Sorry nahuli ako"

"Finally dumating kana, kanina pa ako dito oh", galit kong saad.

"Here's the money para tigilan mo na ako", sabay abot ko sa kaniyang 30 thousand cash na nasa envelope.

"Hindi ko kailangan ng pera, Ella. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ikaw ang kailangan ko", saad ni Brent.

"Tsk! Ikakasal na kami ni Renrem, so better please go away from me", galit kong saad.

"Please naman Ella alam mo kung gaano kita kamahal, lahat gagawin ko para sayo mahalin mo lang ako", pagmamaka awa niya.

This stupid shit arghhh

"Receive this money then find a lot of girl out there. Ikakasal na ako at magkaka anak na kami ni Renrem"

"Anak ko ang ipinagbubuntis mo Ella", sigaw niya sakin.

"No hindi. Anak namin toh ni Renrem", galit na sigaw ko pabalik.

Ipapahamak pa ako ng isang toh

"Pagka panganak mo magpapa- DNA test kami ng sanggol para malamang anak ko nga ang batang yan", saad niya.

"Hindi ako papayag, umalis kana nga", sigaw ko.

"Hindi ako papayag na mapunta ka at ang anak natin sa Renrem na yun", pagbabanta niya.

"Wala ka nang magagawa Brent", saad ko sabay lakad paalis.

Hinawakan niya ako sa braso para pigilan pero nasampal ko siya ng malakas at tumakbo para di niya maabutan, saktong may tricycle na dumaan kaya pinara ko at sumaya dun.

Damn kailangan ko siyang mailayo kay Renrem. Kailangan kong gumawa ng paraan tungkol dito sa lalong madaling panahon...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now