Chapter 36

120 17 0
                                    

Renrem's POV

I don't have any choice but to tell them the truth behind the relationship of I and Mika. Alam ko na kasalanan ko naman talaga toh and I'm felt very sorry to Mama and Papa lalong- lalo na kay Mika para sa lahat ng nagawa ko.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula sa Mama ni Mika.

"Anong klase kang lalaki! Pinagkatiwala namin sya sayo sa pangalawang pagkakataon pero anong ginawa mo ha?!", galit na sigaw nya sakin habang sinasampal ako.

Hinayaan ko si Mama na sampalin ako at saktan ako, I know I deserve it all at alam kong kulang pa yun.

"Kung alam lang namin na sasaktan mo sya ulit, sana, sana hindi nalang namin sya hinayaang balikan ka at magsama kayo ulit", pigil na galit ni Papa.

"Patawarin nyo po ako, hindi ko sinasadyang saktan si Mika ng ganito... Patawarin nyo po ako", paghingi ko ng tawad.

Patuloy parin si mama sa pagsampal sakin, masakit pero kulang yun kumpara sa sakit na ibinigay ko sa kanila lalo na kay Mika.

"Umalis kana", madiin na sabi ni Mama.

"Please gusto ko pong malaman kung nasan sa America si Mika. Please po", pagmamaka- awa ko.

"Tigilan mo na si Mika, hayaan mo na sya, wala kang kwenta", sigaw ni Papa.

Patuloy parin ako sa pamimilit sa kanila para lang sabihin nila sakin. Hanggang umabot sa point na si Papa na mismo ang kumaladkad sakin palabas ng bahay nila kahit na nagmamatigas ako.

"Parang awa nyo na Pa, Ma. Kailangan ko si Mika.. Patawarin nyo nako", pagmamaka- awa at iyak ko sa labas ng bahay nila.

"Umalis kana, wala na kayo ni Mika at hinding- hindi na sya babalik sayo", sigaw ni Mama sabay sara ng pinto.

Napa- upo ako sa kalsada kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ang unti- unting pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito.

"Mika patawarin mo ako", sigaw ko sa gitna ng ulanan.

"Mahal na mahal kita", saad ko.

Lumakas na ang buhos ng ulan at ni kahit isang sasakyan ay walang dumadaan. Pumasok ako sa kotse ko kahit na basa ako at patuloy sa pag- iyak. Nagmaneho at hindi alam kung saan tutungo, binilisan ko ang pag- andar ko at wala akong pakialam sa lahat.

Si Mika ang kailangan ko, sya lang wala ng iba...

After a long ride ay tumigil ako sa isang lugar kung saan matatanaw ang isang malaking ilog. Bumaba ako  sa kotse ko at napatingala sa langit. Malakas parin ang buhos ng ulan at ang dilim ng langit. Pumulot ako ng isang bato.

"Mikaaaaaaaaaaa", sigaw ko sabay bato ng batong napulot ko sa ilog.

"Mahal kita, patawarin mo kong naging makasarili ako, patawarin mo ako kung niloko na naman kita, patawarin mo ako kung hinayaan kitang mawala", saad ko sabay hampas sa pinto ng kotse ko.

"Aalis kana pero wala parin yung kiss ko", sabay pout niya.

"Umuwi ka ng maaga ah ipagluluto kita", nakangiti nyang saad.

"Ang gulo ng damit mo tssk ang laki- laki mo na tapos ganyan ka padin", sabay ayos nya sa polo ko at halik sa labi ko.

"Honnn bumalik kana please, patawarin mo ako", saad ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng kotse tyaka dinial ang number nya.

"Please sagutin mo, please!"

Puro ring lang ang naririnig ko mula sa number nya.

"Mika mahal na mahal kita, so please"

"The number you have dial is not attended or out of coverage area..."

"Ahhhh....", sigaw ko sa sobrang galit sa sarili ko sabay balibag ng cellphone ko sa kung saan.

Bumalik kana, hindi ko kaya Mika nang wala ka. Babawi ako, iiwas nako at itatama ko na lahat ng pagkakamali ko. Just please comeback, please be with me again. I love you, mahal na mahal kita...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now