Chapter 18

146 26 0
                                    

Mika's POV

"Mika nasan na ang uniform na gagamitin mo bukas pati na rin ang toga mo", aligagang tanong ni mama.

"naplantsa ko na ma, ayos na lahat", saad ko.

Mas excited at ready pa si mama kaysa sakin hahahha. Bukas na kasi ang graduation namin, finally after all makakatapos na din ako ng nursing. Sa wakas!

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sina mama at papa.

"hmm ma pa. Bakit po? May problema po ba?", tanong ko.

Lumapit sila sa akin at naupo sa dulo ng kama si papa at si mama naman ay sa tabi ko.

"gagraduate kana bukas. Nakapag patapos na din sa wakas", masayang saad ni papa.

"proud kami sayo anak, sobra", saad ni mama sabay haplos sa buhok ko.

"akalain mo yun, yung dating elementary kalang na matalino tapos nung naghighschool tyaka nagloko", natatawang sabi ni papa, na alam ko naman kung ano ang tinutukoy nya.

"atleast bumawi", natatawa at proud kong saad.

"Past na yun. Ang mahalaga yung ngayon", ani mama.

"may anak nakong nurse aba", saad ni papa sabay yakap sakin.

"mana ka sakin anak", saad ni mama sabay yakap din sakin.

"sakin kaya sya mana", biro ni papa.

"mana po kayo sakin hahaha", saad ko sabay yakap sa kanila.

Shockss ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

"nga pala Mika. Tatanggapin mo ba yung alok sayo ng tita na sa abroad magtrabaho?", tanong ni papa.

Actually wala sa plano ko ang mag- abroad kasi yun yung usapan namin ni Renrem. Tyaka ayaw nya magtrabaho ako.

"eh papa kasi alam nyo naman si Renrem, ayaw nya ako magtrabaho", saad ko.

"sabagay. Malaki naman ang kita nya sa shop. Tyaka kaya kana buhayin nun", tawa ni mama.

Yun ay kung ako parin...

"sya sige maiwan kana namin. Matulog kana at maaga ka pa bukas. Goodnight", saad nila tyaka lumabas ng kwarto ko.

Hinanap ko ang cellphone ko tyaka chineck kung may messages. Wala paring message si Renrem at parin kami nagkikita simula kahapon hanggang ngayon.

May message ako mula kay Lara.

FROM: Lara
    Oy Mika yung bf mo nandito sa shop maraming kasama mga tropa nya yata. (Photo send)

Picture nina Renrem at Jane na may kasamang ilang tao na medyo pamilyar sakin lalo na yung kambal ni Jane.

Hindi nako nagreply kay Lara. Inayos ko ang unan sa tabi ko tyaka natulog. Yung speech ko dapat bukas ang asikasuhin ko.

KINABUKASAN SA SCHOOL...
"Finallyyyyyy ackkkk", sigaw ni Chy.

"ang gaganda natin at gagwapo ng mga boys ah", sabat ng isa ko pang kaklase.

"uyy Mika mukhang di ko pa nakikita boylet mo ah", ani Janna.

Pupunta sina Tita, silang lahat. Diko lang sigurado kung kasama si Renrem.

"hey tara magpicture aba sayang ang ganda. Kasama natin ang suma ng klase noh", paglihis ni Chy sa topic.

Nagsimula na ang program at nakita ko ang pagdating nina Tita kasama ang lahat. Pilit ko hinahanap ang isang tao na gusto kong makita pero wala sya. Kumaway sila sakin habang papalapit sa pwesto nina mama, ngumiti ako bilang tugon tyaka binaling sa harap ang atensyon ko.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now