Chapter 80

112 16 0
                                    

Mika's POV

"I'm so excited na talaga whaaaa", bulahaw ni Chy sa tabi ko.

"Ako din. Balita ko maganda dun sa Resort na pupuntahan natin", excited na sa saad ni Levi.

"Di naman halata ang excitement sa inyo nyo?!", pang aasar ni Paolo.

Ngayon ang outing namin papuntang Laguna at nakasakay kami sa van ng mga kaibigan ko kasama ang angkan nina Renrem. Its ackward but I have no choice na dito mapasabay.

"Kanina ka pa yata tahimik Mika", pansin sakin ni tita.

"Hmm ano kasi iniisip ko lang po si Heaven baka kung napano na ang anak ko", palusot ko.

"Sus bes, kasama ni Heaven ang kaniyang mga lolo at lola so don't be bothered, okay?", saad ni Chy.

"Ready ba ang outfit nyo para sa beach OOTD?", singit ni Ice.

"Well, ako ready na ready. Nagshopping pa ako kahapon para bongga at mas maganda ako", pagmamalaki ni Ella.

"Excited nakong ipakita ang sexy body ko", sagot naman ni Ice.

"We all know na mas sexy naman ako, right babe?", dagdag ni Ella sabay kapit sa braso ni Renrem.

"Pakihinaan nung aircon ang lakas kasi ng hangin dito eh", mataray na saad ni Levi.

Inirapan nina Ella at Ice si Levi dahil sa sinabi nito.

"Ikaw ba Mika? Ready kaba?", tanong sakin ni Ella.

Ready ako but I don't have time na makipag patalbugan sa kanila

"Yes ready siya. Si Mika pa ba papahuli, NO WAY!", may diing singit ni Chy.

Ito talagang mga kaibigan ko wala sa bukabolaryo nila ang salitang papatalo eh.

"Akala namin ganyan ang susuotin mo sa buong vacation eh HAHAHAHA", pang aasar ni Ella.

Nakakahalata na ako ah.. Bakit ako punterya ng isang toh?

I'm wearing white v-neck tshirt terno with black fit pants and white shoes.

"Mas komportable kasi kapag ganito, kesa naman magsuot ako ng fitted na damit na sa sobrang fitted magmumukha na akong suman", sarcastic kong saad.

Diko din alam kung saan nang galing yun but I've already said it.

Napatingin si Ella sa suot niya, she's wearing fitted spagetti strap and high waist short.

Di naman party pupuntahan namin eh haisst

"Heyy uso toh tyaka I'm look prettier than you", saad niya sabay irap.

Nakatingin silang lahat sa akin, siguro inaabangan nila if may sasabihin ako but then I'm not kid anymore para patulan ang katulad niya. It is better to shut up kesa tumahol pa like her.

Masaya ang naging buong byahe namin. May sari-sariling kwentuhan, may soundtrip, sama samang kumakain habang nasa byahe. Byahe na katulad noon kasama ang dating sila. Natetyempuhan ko din si Renrem na madalas nakatingin sakin.

Dapit hapon na nang makarating kami sa mismong resort.

"Finally nandito na din tayo", saad ni Chy habang nag iinat.

Lumabas ako ng sasakyan at agad na pinagmasdan ang kabuuan ng resort kasabay ng pag iinat na din dahil sa matagal na pagkaka upo sa sasakyan.

"Ang magkakasama sa van ang siya ring magkakasama sa loob ng cabin ah", anunsyo ni Rachelle, ang nagplano ng outing na toh.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon