Chapter 98

122 21 0
                                    

Mika's POV

Napuno ng lungkot at galit ang naging pag uusap namin kanina kasama sina Renrem dahil hindi talaga nila inaasahan na kaya iyong gawin ni Ella. Pati rin naman ako ay nabigla sa natuklasan ko, ipapa-aku niya ang isang bata sa lalaking hindi naman nito tunay na ama kahit na handang akuin ng totoong ama ang bata. Pareho kami ng sitwasyon, ang kaibahan ko lang sa kaniya ay willing si Shawn na akuin ang anak ko.

Teka bakit napunta sa akin?!

"Are you okay baby?", tanong ni Shawn na biglang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"May bigla lang sumagi sa isip ko", nakangiti kong sabi.

"Hm like what?", muli nitong tanong.

"Baby, pareho pala kami ng sitwasyon ni Ella. Pina-aku ko din sa iyo ang anak ko kahit na willing naman si Renrem na magpaka- ama sa kaniya", nakayuko kong saad.

Naramdaman ko ang biglang paghinto ng sinasakyan namin.

"No, hindi kayo pareho!", may diin nitong sabi habang nakatingin sa akin.

"Tinanggap ko ng buo si Heaven kahit na nasa tyan mo palang siya, willing akong tumayong ama para sa kanila. At lahat ng iyon ay taos sa puso ko at walang pag aalinlangan, Mika. Mahal na mahal kita at mahal ko din si Heaven dahil anak ko na siya", paliwanag nito sabay hawak sa kamay ko.

Sobrang swerte ko sayo Shawn kung alam mo lang. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo lahat ng mga nagawa kong kasalanan pati na rin ang totoo kong nararamdaman para kay Renrem.

"Handa akong masaktan makita ka lang na masaya, kahit na...", hindi nito natuloy ang sasabihin niya dahil sa biglang pagtulo ng mga luha niya.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.

"Kahit na hindi na ako ang dahilan ng mga pag- ngiti at tawa mo", nakangiti nitong saad habang tumutulo ang luha sa kaliwanang mata at nakatingin sa akin.

Binitawan ko ang isang kamay niya at agad nahinawakan ang pisngi niya para punasan ang luha niya. Nabigla ako ng yakapan niya ako ng sobrang higpit, yakap na alam kong safe ako, yakap na alam kong mahal na mahal ako, at yakap na alam kong hindi ako sasaktan.

Patawarin mo sana ako Shawn...

Matapos ang ilang minutong ganun ang posisyon namin ay naisipan na naming umuwi agad baka kasi hinahanap na kami ni Heaven. Habang pauwi ay napansin ko sa side mirror ang kanina pang taxi na sunod ng sunod sa amin. Nung una ay hindi ko ito sinabi kay Shawn pero kinukutuban na ako.

"Shawn may sumusunod yata sa atin na taxi", saad ko kay Shawn.

"Kanina ko pa nga napapansin iyan eh", sang ayon ni Shawn.

"Ililigaw ko lang", dugtong nito.

Lumihis ng daan si Shawn kaya napadpad kami sa isang daanan na may bangin at may kasikipan, pero nakasunod padin sa amin ang taxi at pabilis ng pabilis ang andar nito dahilan para mabungo nito ng bahagya ang likurang bahagi ng kotse namin.

"Shit! Sinasadya nya tayong banggain", reklamo ni Shawn.

Habang bumibilis ang takbo namin ay bumibilis din ang taxi at sinasagi ang likurang bahagi ng sasakyan namin.

"Kumapit ka at ikabit ng ayos ang seatbelt mo", utos nito sa akin.

Sinunod ko naman ang sinabi niya habang nanginginig sa kaba. Iba ang nararamdaman ko, takot.

Jusko wag naman sana ganun!

"Ahhh...", napasigaw ako dahil sa malakas na pagkakabunggo sa likuran ng sasakyan namin.

"Shit!", mura ni Shawn.

"Tatawagan ko sina mama para matulungan tayo", suhestyon ko sabay kuha sa phone ko.

Bago ko pa man matype ang number nina mama ay nakita ko ang reflection ng isang babae sa loob ng taxi.

Si Ella iyon, nakangisi siya na parang demonyo at may galit sa mukha...

"Shawn, si Ella ang nasa likod natin", takot kong saad.

"Mukhang alam ko na ang plano ko niya", inis na sabi ni Shawn.

Palakas ng palakas ang pagbunggo niya sa amin at unti- unting tumitilapon ang kotse namin. Bahagyang lumayo ang taxi sa amin kaya napanatag ang loob namin. Hinawakan ni Shawn ang kamay ko para pakalmahin ako nang biglang...

Malakas na tunog ang bumalot sa buong lugar, tumilapon ang kotse namin at unti- unting nahulog sa gilid ng bangin kasabay ng pagtama ng mga malilit na bubog ng salamin sa amin.

Nagpaikot- ikot ang kotse namin habang gumugulong pababa sa bangin, saglit itong tumigil nang mabunggo ang isang bato, na akala namin ay ayos na. Ngunit nakasunod pala sa amin ang taxi at muli kaming binunggo at bumulusok kami pababa.

"B-baby kuma-pit ka lang"

Narinig kong sabi ni Shawn habang mahigpit na naka- kapit sa kamay ko.

Tulungan niyo po kami Diyos ko.. Hindi pa po kami handang mawala, iligtas niyo po kami Shawn, pakiusap po...

Tuluyan nang huminto ang sinasakyan namin nang bumunggo ito sa mas malaking bato at nayupi ang unahang bahagi ng aming kotse, tumalsik sa amin ang ilang bahagi ng sasakyan. Nakasubsob si Shawn sa manubela ng kotse habang ako ay nakasandal sa upuan.

"S-Shawn..", nahihirapan kong saad habang tinatawag siya.

Nababalutan na ng dugo ang puti niyang longsleev. Gagalaw na sana ako ng makaramdam ako nang matinding sakit sa gawing balikat ko, nakita ko ang malaking piraso ng bubog na nakatusok doon. May nakatusok din na bubog sa braso ko at sa tuhod na naging dahilan ng pagkahilo ko at panlalabo ng paningin.

Patuloy ako sa pagtawag sa kaniyang pangalan at pinapakiramdaman ang kaniyang paghinga.

"Sha-wn.."

"B-baby, p-please gumi-sing ka.."

Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kamay ni Shawn  at sandaling nakita ko ang phone ko kaya kinuha ko ito. Sa sobrang panlalabo ng paningin ko ay kung sino- sino na ang natawagan ko hanggang sa may sumagot.

"Hello"

Naramdaman ko na ang pag sikip ng dibdib ko.

"Hello, Mika"

Naipikit ko na ang mga mata ko at unti- unti na akong nauubusan ng hininga.

"Mika sumagot ka, anong nangyayari?"

Bago pa ako tuluyang mawalan ng hininga ay narinig ko ang pag- aalala sa boses ni Renrem.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon