Chapter 44

110 15 0
                                    

Mika's POV

"Aalis ka?", tanong ni Chy na palabas mula sa banyo.

"Oo niyaya kasi ako ni Shawn na sa kanila magdinner kasama family nya", sagot ko habang naghahanap ng damit na isusuot.

"Yieee kilig naman. Kilala kana ng family nya then sya din kilala na nina Tito at Tita", singit ni Levie na galing sa kusina.

"Label nalang talaga kulang", natatawang sabat ni Chy.

"Kayo noh?! Napaka issue nyo", natatawa ko ding saad.

"Hoyy aba naman minsan kalang makahanap ng lalaki na tanggap ka ng pamilya kahit may anak kana", ani Levie.

"Di mo parin ba mahal si Shawn kahit na sya yung nanjan para sayo, baka naman umaasa ka parin sa Pinas na may babalikan ka pang sya", seryosong saad ni Chy.

Di naman ako umaasa na may babalikan pa ko, naka move on nako matagal na. Di nako manggugulo at di na rin ako magiging bitter...

"Nag isip kasi hindi sigurado?", curious na tanong ni Chy.

"Hindi porket sobra kang nasaktan ng past mo, hindi mo na rin bibigyan ng chance yung ibang tao na paulit-ulit kang pinipili kahit na maraming iba jan", saad ni Levie.

Napaupo ako sa kama at nag isip.

"Pano kung maulit lang?"

"Wha if masaktan ulit ako?"

"What if hindi ko na kayanin kapag nangyari yun?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

"Natural lang na masaktan kasi pinili mong magmahal", saad ni Levi habang nakahawak sa balikat ko.

"Kapag nasaktan ka ulit o kaya maulit lang lahat ng nangyari noon, nandito kami may pamilya ka at kaibigan. Hindi ka namin papabayaan kahit anong mangyari", sabay yakap sakin ni Chy.

"May tamang tao sa bawat isa dito sa mundo. May taong nakalaan para sayo kaya wag mong ikulong yung sarili mo sa mga "what ifs" mo", dagdag pa ni Chy.

"Diba nakamove on kana, then let go and let other in", saad ni Levie.

Diko alam pero unti- unting bumuhos ng luha na kanina ko pang pinipigilan. Masakit but at the same ang sarap sa pakiramdam.

Masyado ng mahaba ag panahong ibinigay ko sa sarili ko para ikulong ako sa nakaraan. Oras na para mabuhay naman ako sa kasiyahan at bigyan ng chances ang taong pinili ako kahit ilang beses ko ng pinagtabuyan...


Lumabas sila sa kwarto ko para hayaan akong magbihis at mag ayos.

Ang laki na pala ng tyan ko at anytime lalabas na ang baby ko...

"Baby excited na si mommy na makita kaya chill ka lang jan ah, malapit na!", sabay hawak sa tyan ko habang nakatingin sa salamin.

"Patawarin mo sana si mommy kung hahayaan kong hindi mo makilala ang totoo mong ama. Patawad anak kasi nadamay ka pa sa gulo na meron kami", pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisnge.

Mahal na mahal ka ni mommy, anak kaya sana balang araw maintindihan mo ko...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum