Chapter 29

118 21 0
                                    

Someone's POV

Sinadyang gumising ni Renrem ng maaga para paghandaan ang araw na iyon. Pinagluto nya si Mika ng agahan at dinala iyon sa kanya. Mahimbing na natutulog si Mika ng halikan sya ni Renrem sa kanyang labi dahilan para magising ito.

"Happy anniversary hon", bati ng binata sa kanya.

Ngumiti ito bago sumagot.

"Happy anniversary ", sabay upo sa kama.

Tumayo si Renrem at kinuha ang tray ng pagkain.

"Pinagluto kita ng breakfast hon", saad ni Renrem.

Matapos kumain ng dalawa ay si Mika na ang nagpresenta na maghugas ng mga iyon. Naoagdesisyunan naman ni Renrem na maligo na at magbihis para maasikaso na nya ang sasakyan na gagamitin nila.

Sobrang saya at tuwa ang nadara ni Mika ng mga oras na yun at hindi maiwasang mapangiti. Ngayon nalang ulit sya pinaghanda ni Renrem ng ganun ulit.

Matapos mag ayos ng dalawa ay napagpasyahan na nila na umalis na para hindi tanghaliin.

"Mag iingat kayo Mika, Renrem!", saad ng Papa nila.

"Opo Papa", saad ng dalawa.

"Sya kayo ay lumarga na", saad ni Tita Tina.

Inistart na ni Renrem ang sasakyan at pinaandar paalis.

"Hmm mamamasyal muna tayo hon bago kumain. Ayos lang sayo?", tanong ni Renrem.

" Um", tango ni Mika.

"I love you hon", saad ni Renrem.

Saktong pag pula ng ilaw sa traffic light. Lumapit si Mika kay Renrem at hinalikan nito ang binata sa labi.

"I love you too", nakangiti nitong saad.

Habang naglilibot ang dalawa sa amusement park ay biglang nagvibrate ang cellphone ni Renrem. Abala si Mika sa pagtingin sa buong paligid at gandang ganda sa lugar. Binasa ni Renrem ang text...

FROM: Jan
     Pwede ba tayo magkita ngayon. Miss na kita sobra, please.

Shit bat ngayon pa?!

TO: Jan
     Hindi ako pwede ngayon, may ginagawa ako. Maybe next time.

Reply nya tyaka ibinalik sa bulsa ko ang cellphone at pinuntahan si Mika.

"So tara na hon?", saad ni Renrem at tumango si Mika bilang sagot.

Nilibot nilang dalawa ang buong amusement park at sumakay sa iba't ibang rides dun. Naglaro din sila ng kung anu- ano at masayang masaya si Mika.

"Pagod kana hon?", tanong ni Renrem.

"Oo hon", sagot nya.

"Tara muna kumain. May malapit na kainan akong nakita", aya ni Renrem.

Tumango si Mika, hinawakan ni Renrem ang kamay nya at sabay silang naglakad papunta sa kainan na iyon.

After a minutes, ay nakarating na ang dalawa sa kainina. Pumasok sila dun at inalalayan ni Renrem si Mika na maupo.

Ibang klaseng saya ang nadama ni Mika dahil pakiramdam nya ay tila isa syang babasaging bagay na kailangang ingatan ni Renrem upang hindi mabasag.

Dahil isang filipino resto iyon, ay puro lutong bahay ang kanilang inorder. Si Renrem ang naglagay ng pagkain sa plato ni Mika. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Renrem. Text yun mula kay Jan (Jane), hindi iyon pinansin ni Renrem pero nakita nya ang text.

"Please gusto kitang makita..."

Binaling ni Renrem ang atensyon nya kay Mika at hindi pinansin ang text na iyon. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa.

"May gusto ka pang puntahan after this?", tanong ni Renrem.

"Hmm ikaw hon?!", saad ni Mika

"May bagong labas na libro ang National Books Store. I think libro ng isa sa mga favorite author mo. Punta tayo", saad ni Renrem na lalong nagpa excite at saya kay Mika.

"Sige hon", masayang saad ni Mika.

Muling tumunog ang cellphone ni Mika.

"Hon I think importante yan. Give it a look", saad ni Mika.

Tumango si Renrem at kinuha ang cellphone tyaka binuksan ang text. Nagulat sya at nabigla sa text na iyon.

"Renrem nandito ako ngayon sa plaza at ako lang mag isa. Natatakot ako kasi may mga lalaki na kanina pa tumitingin sakin. Ang sama pa ng pakiramdam ko, please puntahan mo nako ngayon, please Renrem"

Nang mabasa ni Renrem ang text ay agad syang kinabahan dahil alam nyang delikado ang lugar na pinuntahan ni Jane. Kaya agad syang napatayo.

"Hon kailangan ko munang umalis may emergency lang. Babalik ako aga--"

"Sige na hon puntahan mo na yan. Ayos lang ako dito", putol ni Mika sa sasabihin ni Renrem.

"Hon hintayin moko wag kang aalis dito hanggat wala ako ah", saad nito at tumango si Mika.

Tumayo si Renrem at nagmamadaling lumabas ng kainan.

Akala ni Mika na ang magiging maganda at masayang araw para sa kanila ni Renrem pero kailangan nitong umalis. Iyon na din sana ang pagkakataon na sasabihin ni Mika ang totoo kay Renrem dahil iyon ang napagdesisyunan nila ng kanyang mga kaibigan at ni Aira.

Alam nyang babalik si Renrem at sa pagbabalik nito ay sasabihin nya na ang totoo.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now