Chapter 19

120 25 0
                                    

Jay's POV

Ilang araw na simula nang gumraduate si Mika, and me as her friend at kuya na din sobrang proud ako sa kanya. Yes, Mika was an ideal girl. Sobrang swerte na sa kanya ni Renrem kung tutuusin lang, pero si Mika hahaha diko alam kung swerte sya kay Renrem.

I feel something on Renrem, and hindi maganda yun. Pakiramdam ko bumabalik na naman sya dati nyang ginagawa nung wala si Mika dito at malayo sa kanya.

Pauwi nako ngayon galing sa delivery sa Makati, dapat si Renrem ang naka-toka ngayon kaso sabi nya aalis daw sya at pupuntahan si Mika. So pumayag nako dahil kulang na sya ng oras kami this past few months.

Ring! Ring!

"hello, ma", saad ko mg sagutin ang tawag ni mama.

"nasan kana?", tanong nito.

"pauwi na. Bakit po?", tanong ko.

"May papabili sana ako sayo sa sm", sagot nito.

"sige ma. Malapit na din ako sa sm, ano ba yun?"

"itetext ko nalang sayo. Salamat nak"

"okay ma sige po", saad ko.

Nagpark nako sa sm at pumasok sa loob, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Text iyon galing kay mama yung sa mga ipapabili nya.

"nasa bahay pala si Mika", saad ko ng may mabasang sundae at fries dun.

Si Mika lang naman kasi ang kumakain ng ganun samin. Kami kasi kung di fries at burger nagiging sundae at spagetti. Ang weird kasi ng food combination nun hahaha.

AFTER A MINUTES...

Kakalabas ko lang dito sa Jollibee at pauwi nako. Muling nagvibrate ang cellphone ko.

FROM: Mika
    Kuya Jay salamat po. Pasensya na rin po sa abala.

Ito talagang si Mika kahit na sa maliit na bagay masyadong concern. Nakakatuwa.

TO: Mika
     No problem ikaw pa ba lakas mo kaya sakin. Always welcome.

Reply ko nang saktong malowbat ang cp ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadaan ako sa Starbucks, at mapukaw ng isang pamilyar na imahe ang aking paningin.

I saw Renrem together with a chubby girl.

"shittt si Jane ba yun?!", wala sa sarili kong saad.

Sabi na eh, nagchecheat si Renrem kay Mika matagal na.

Nakahawak si Jane sa braso ni Renrem habang nakasandal dito at kumukuha ng picture nila.

"t*ngina Ren ngayon kapa nagloko ulit", gigil na saad ko.

Gusto ko nang pumasok sa loob ng Starbucks at pagsusuntukin ang walang hiya kong pinsan.

Ayoko manira ng relasyon at the same time ayokong magmukhang tanga si Mika na walang alam sa panloloko ni Renrem sa kanya. Magsasabi lang ako ng totoo pero si Mika ang gagawa ng aksyon.

Naiyukom ko ang kamao ko habang nakatingin sa dalawa. Umalis nako at baka kung ano pa ang magawa sa pinsan ko. Pumunta ako sa sasakyan ko at nagmaneho ng mabilis pauwi.

Nang maka uwi ay lumabas agad ako ng kotse at pumasok sa bahay.

"oh nanjan kana pala", bungad ni mama.

Tumango ako tyaka inabot kay Paolo ang mga pinamili ko na agad naman nyang kinuha.

"okay kalang ba kuya? bat ganyan ka?", tanong ni Aira.

"nasan si Mika?", tanong ko.

"nasa kwarto nila", sagot ni Wen.

Naglakad ako papunta sa kwarto nina Mika dala ang sundae at fries nya. Kumatok ako ng ilang beses bago nya ako pinagbuksan ng pinto.

"kuya?!", bungad nya.

Bakit parang kakagaling lang nya sa iyak?!

"ito oh", sabay abot ko nung sundae at fries.

"salamat kuya", nakangiti nyang saad habang kinukuha yun.

"Hmm Mika. Pwede ba kitang kausapin?", tanong ko.

"Sige po kuya"

Lalabas na sana sya nang bigla kong sabihin.

"yung tayo lang sana na dalawa". Kita ko sa mukha nya ang pagtataka.

"hm sige po. Pasok ka kuya", aya nya sakin.

Pagkapasok ay pinatong nya ang sundae at fries sa table tyaka umupo sa kama.

"Upo ka kuya", sabay turo nya sa upuan.

"hmm ano po ba pag- uusapan natin", tanong nya.

Shit Mika ayaw kitang saktan pero kailangan mong malaman ang totoo!

"M-mika ano kasi". Fuck bakit diko masabi ng buo.

"ano kuya?!", saad nya.

Mika patawarin mo ko sa sakit...

Napapikit ako tyaka sinabi ang totoo.

"si Renrem kasi Mika... ano.... may.... may babae....niloloko ka nya Mika", sabay dilat ko.

Walang nagbago sa reaksyon nya. Ni hindi manlang sya nagreact o nagalit manlang.

"Mika...."

"Nakita ko sya kanina sa may mall may kasamang babae... si Jane ang kasama nya", napa titig ako sa mukha nya at bahagya syang ngumiti.

Bakit ka ngumit? Diba dapat masasaktan ka?!

"nako kuya baka ibang hindi sya yun o kung sya man baka pasahero lang nya", nakangiti nyang saad.

"bakit hindi ako nagsisinungaling. Nakita ko sila sa starbucks, magkasama silang dalawa. Mika maniwala ka", paliwanag ko.

Tumingin sya ng diretso sakin at nag iwas ng tingin ng mapansin kong namuo ang mga luha sa mata nya.

"Hmm kuya yun lang po ba sasabihin mo?! May gagawin pa po kasi ako eh", pag iwas nya sa topic namin.

Wtf don't tell me may alam ka Mika?! Alam mong niloloko ka ni Renrem...

"alam mo ba? Alam mo ba na niloloko kalang nya? Alam mo ba na may namamagitan sa kanila ni Jane?", tanong ko sa inis.

Nakita kong yumukom ang kamao nya. Ibig sabihin may alam sya, pero bakit di nya sinasabi? Bakit hindi nya kinokompronta si Renrem?

Naglakad sya papuntang pintuan tyaka binuksan yun.

"kuya may gagawin pa po ako, salamat po ulit sa pagkain", nakangiti nitong saad.

Shit kita kong nasasaktan sya...

Wala nakong nagawa kundi maglakad palabas pero bago nya isarang tuluyan ang pinto ay narinig ko ang pagsinghap nya.

"Mika..."

Ano bang plano mo? Anong gagawin mo? Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo?! Bakit mo hinahayaang masaktan ka lang?

Tama sila, magaling kang magpanggap... You're a great pretender....

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now