Chapter 67

109 13 0
                                    

Renrem's POV

"Babe faster nasa labas sina tita", aya ni Ella na kanina pa nasa sala.

"Padating na", saad ko habang palabas ng kwarto.

Bumungad siya sakin at hinalikan ako sa pisngi sabay kapit sa braso ko. Naglakad na kami palabas ay naabutan nga namin sina tita na naghihintay.

"Maaga pa naman ah", saad ko ng makapasok ng kotse.

"Oo nga pero mas maganda na yung maaga para sa unahan tayo", sagot ni Jay.

Nagdrive na ako papunta sa church habang sila ay nagkukwentuhan ng kung anu- ano.

A few minutes of driving ay nandito na kami sa church.

"Babe cr lang ako ah", paalam ni Ella ng makalabas kami ng kotse.

Naglakad ako kasama ang kapatid ko at mga pinsan ko habang sina tita ay sa iba nagpunta.

"Nanjan na sina Renz, Aira?", tanong ni Paolo kay Aira.

"Oo, medyo kanina pa daw sila", seryoso nitong sagot.

Habang nagkukwentuhan kami ay biglang may batang bumunggo sakin at natumba ito.

"Ouctss", daing ng bata na nasa edad 1 o 2.

"Sorry, okay kalang ba?", tanong ko habng inaalalayan siyang tumayo at pinapagpagan.

"Its hurt", mangiyak-ngiyak niyang saad.

"Heavenn", tawag ng kung sino.

"Halaaa Heaven", puna ni Aira sabay lapit sa bata.

"Anong nangyari?", tanong ni Renz sabay kuha sa bata.

"Aksidente siyang napatumba kasi nabunggo niya ako", paliwanag ko.

"Are you okay? Does it hurt?", nag aalalang taning ni Renz.

Lumapit din si Aira sa kaniya para alalayan yung bata.

"Kaninong anak yan Renz?", tanong ni Jay nang makatayo si Renz karga ang bata.

Napatigil si Renz at tila naghahanap ng isasagot kay Jay.

"Kuya kanina pa hinahanap ni mama si Heaven gusto daw makita ni ate", biglang sulpot ni Fria sa likod.

"Anak ni Mika?", tanong ni Paolo.

A-anak ni Mika?!

"Hmm una na po kami", paalam ni Renz sabay lakad palayo kasama si Aira at Fria.

Naiwan kami dun nina Jay at Paolo na tila naguguluhan.

"Anak ba ni Mika yun? Kahawig eh", saad ni Paolo.


Natapos ang service at nagtipon kami para kumain ng pananghalian. Naabutan namin silang lahat dun at nagkukumpulan dahil sa bata kanina.

Sa anak daw ni Mika...

"Grabe ang gandang bata naman nito, manang- mana sa kaniyang ina", narinig naming saad ni Pastora.

Pumasok kami sa loob para maka kain.

"Kamusta na pala si Mika ang tagal na niyang nawala", tanong ni tita.

"Ayos lang naman siya. At malapit na din siyang umuwi dito", sagot ng mama ni Mika.

Uuwi na si Mika?!

"Para sa kasal nila ng fiance niya, dito nila pagpaplanuhan at gaganapin ang kasal", dagdag nito.

Magpapakasal na din pala siya...

Napatingin ako sa batang karga ng mama ni Mika.

Ang cute niya at ang ganda manang-mana kay Mika...

"Siguro may pagka singkit din tatay ng bata", singit ni Jay.

"Napansin ko nga din yun", dagdag ni Paolo.

"Kung pagtatabihin si Renrem at yung bata hahahha pwede nang mag ama eh", biro ni Jay.

"Lols hahahha di mangyayari yun", ani Paolo.

Kung nagka anak kaya kami ano kayang itsura ng anak namin?

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now