Chapter 75

98 13 0
                                    

Someone's POV

Habang nagsisimula ang service sa church ay hindi maiwasan ni Renrem ang mapatingin sa mismong lugar kung saan nakapwesto sina Mika. Until now hindi padin siya makapaniwala sa pagbabagong naganap kay Mika, at aminin man niya o hindi sabik siyang makita at mayakap ito simula palang magkita sila at magtama ang kanilang mga mata.

"Baka malusaw yan sa titig mo", mahinang ani ni Jay sa tabi niya dahilan para bumalik siya sa reyalidad.

"Ano yun?", tanong ni Ella bigla.

"Wala babe, nevermind it", dali daling sagot ni Renrem.

Bumalik sila sa focus sa nagpe-preach sa harap pero bago yun ay tumingin ulit si Renrem sa gawi nina Mika at saktong pagtingin naman ni Mika sa likod dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Mabilis na nag iwas ng tingin si Mika.

Magkahalong kaba, takot at awa ang nararamdaman ni Mika sa tuwing alam niyang nakapaligid o malapit lang si Renrem sa kaniya. Kaba dahil sa may nakaraan sila, takot dahil ayaw niyang malaman ni Renrem na ang parte ng nakaraan nila ni Mika ay nagbunga, at awa dahil alam niyang may karapatan si Renrem na malaman ang totoo tungkol sa kanilang anak.

"Sana patawarin mo din ako sa ginawa kong ito", saad ni Mika sa isipan niya.


Nang natapos ang service ay dumiretso na silang lahat sa baba dahil may nakahanda doong mga pagkain para sa lunch. Naunang pumaroon sina Renrem kasama ang pamilya ni Mika, habang si Mika ay medyo nahuli kasama si Heaven at si Chy.

"Oy umattend kang 3rd service ah namiss ka nila dun", pilit ni Chy kay Mika.

"I'll try bess", saad ni Mika.

"Si Levi ay mamayang 3rd service aattend", ani Chy.

"Mami yoya whas der", turo ni Heaven sa lugar kung nasaan ang parents ni Mika.

Nagtungo sila sa pwestong iyon at saktong madadaanan nila ang lamesa kung nasaan sina Renrem at ang pamilya nito.

"Eshyusme po", kyut na saad ni Heaven habang dumadaan sa lugar kong nasan ang totoo niyang papa.

At muli ang mga mata ni Renrem ay lumapag na naman kay Mika, saktong nag- cr si Ella ng mga oras na yun.

"Ako lang ba o sadyang may hawig ny kaunti si Heaven kay Renrem?!", mahinang saad ni Ice pero sapat para sila lang ang makarinig.

"Pansin ko nga din eh", saad ni Paolo.

"Malay nyo sa sama ng loob nun ni Mika kay Renrem ay napaglihian niya", biro ni Jay.

Dahil dun ay napatitig si Renrem kay Heaven ng ilang minuto bago marecognize na, oo tama sila may pagkakahawig sila ni Heaven pagdating sa mata at tangos ng ilong.

"Ayy kare- kare ulam, bawal ka dito babe", saad ng Ella ng makabalik.

"Anak umorder ka nalang, bawal jan si Heaven dahil sa mani", narinig nilang saad ng mama ni Mika.

May allergy si Heaven sa mani na namana niya kay Renrem.

"Allergy si Heaven sa mani", singit ni Ice dahilan para mapatingin sina Mika.

Biglang dinaluyan ng kaba si Mika dahil alam niyang allergy din dun si Renrem.

"Umm oo", alinlangang sagot ni Mika.

Nang biglang nag-ring ang cellphone ni Mika dahil sa tumatawag si Shawn, sinagot niya iyon at lumayo sa kanila.

Habang mas lalong lumaki ang kuryusidad ni Renrem at tila binubuo ang puzzle na gawa ni Mika.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt