Chapter 9

155 36 0
                                    

Mika's POV

Maagang nagpaalam sakin si Renrem dahil may delivery sya sa Quezon City. Wednesday ngayon at tanghali ang pasok ko dahil may ginagawa ang mga teacher namin na preperation sa isang contest ngayon. 11:30 am pa ang pasok ko at 3:00 pm ang uwi ko.

"Mika may binili palang mga prutas si Renrem kahapon para sayo", saad ni Tita pagkalabas ko ng kwarto.

"Salamat po, tita", saad ko tyaka kumuha ng mansanas at hinugasan.

Nagdiretso ako sa sala habang nagseselpon. Nandun ang mga pinsan, kapatid ni Renrem pati narin si Ice. Bago ako maupo ay napatingin ako kay Ice, na sya namang kina- irap nito.

Di talaga kami magkasundo ni ate Ice, ang tingin nya kasi sakin ay isang spoiled at lahat nalang daw ng gusto ko ay nakukuha ko. Tyaka paborito ako nina Tito, Tita at Papa. Ang isa pa sa kinaiinisan nya ay dati akong niligawan ni kuya Paolo. Diko alam kung naiingit ba sya or what!

Nagrecruite pa nga sya eh, yung gf ni kuya Wen ay mainit din ang dugo sakin. Close kasi dati si Kyla- gf ni kuya Wen at si Renrem, pero di na ngayon dahil umiiwas na si Ren sa kanya dahil umamin si Kyla dati na may gusto sya sa kanya pero kami na nun at nililigawan na sya nun ni kuya Wen.

"Mika pili kana dito", basag ni kuya Paolo sa pag- iisip ko.

"hmm ano po yan kuya Paolo?", tanong ko na kinatingin ni Ice.

"Sabi kasi ni Renrem na ibili kita daw kita ng cellphone", saad nito na kinagulat ko.

"ano/what?!", sabay naming reaction ni Ice.

"wag kana magtaka Mika, eto kasing si Ren ay masyadong oa hahahah", tumatawang saad ni kuya Jay.

"ang lag daw kasi ng cellphone mo at basag na", paliwanag ni kuya Paolo dahilan para tignan ko ang cellphone ko.

Halos 2 o 3 linngo palang simula ng bilhin toh ni Renrem. Medyo ma-lag lang naman pero ayos pa gamitin tyaka yung basag ay gasgas lang kasi aksidente nyang nahulog sa kotse pero sa temperd lang naman.

"2 linggo palang yang selpon ni Mika", iritang saad ni Ice.

"napag- utusan lang, love", kamot ulong saad ni kuya Paolo.

"yung cellphone ko 6 months na tapos sobrang lag pa at may malaking basag sa baba pero until now di parin napapalitan. Tapos yung kanya bago pa at gasgas lang papalitan na agad", inis na saad ni Ice.

May problema ka teh?! Di naman ako nanghingi ah tssk!

"Hayaan mo na Ice dun masaya si Renrem, tyaka may pera naman yun dahil sa business nya", pagtatanggol sakin ni Papa.

"Paolo bilhan mo na kasi si Ice", saad ni Tita pero nagkibit balikat lang si Kuya Paolo.

"Ate Ice ireregalo ko nalang sayo yun advance birthday gift ko sayo or maybe belated", suhestyon ko.

"Tssk!", maktol nito at irap sakin sabay walk out.

"uutang na nga ako kay Renrem", biro ni kuya Paolo na tinawanan nila.

"hmm kuya Paolo wag na po kayo maghanap jan. Kakausapin ko nalang po si Renrem mamaya, nang mabugbog na din. Yare sakin yun", biro ko na kinatawa nila.

"naku Mika hahaha mahal kalang talaga ni Renrem", sabat ni kuya Wen.


Renrem's POV

Ilang araw nakong nakaka- receive ng chat at videocall muka kay Jane. Diko alam kung ano na namang trip nun. Gusto nyang makipag kita kaya pumayag ako nang matigil na sya. Maaga akong nagpaalam kay Mika at sabi ko ay may delivery ako sa Quezon City. Alam kong mayayare ako nito kapag nalaman nyang nagsinungaling ako, pero gagawin ko naman toh para tumigil na si Jane eh.

Nandito nako sa kanila at nakita ko na sya na papalapit sakin. Inunlock ko ang pinto ng kotse at binuksan nya ang pinto ng kotse sa tabi ko.

Yare talaga ako nito. Ayaw ni Mika na may ibang umuupo sa tabi ko lalo na kapag di pasahero, kahit nga pasahero ay may interview parin ako eh. Naamoy nya agad yun, di bale papa-car wash nalang ako pagkatapos.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant