Chapter 24

125 23 0
                                    

Aira's POV

Naalimpungatan ako at nagising dahil sa isang ingay. May tila kung anong meron sa sala o sa labas ng bahay. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko para magsilbing ilaw ko. Lumabas ako ng kwarto at pinagmasdan ang madilim na paligid. Nagtungo ako sa sala at sa terrace. Nang bigla akong makarinig nang pag- iyak mula sa kusina.

Lumapit ako para makilala kung sino yun. Madilim ang paligid at tanging ilaw mula sa labas ang nagsisilbing liwanag sa buong kusina.

"k-kaya ko p-pa", saad ng isang boses habang umiiyak.

Lumapit ako lalo sa pinto ng kusina para matignan kung sino sya.

"so-rry ha". Boses ni ate Mika yun.

Gusto kong lumapit pero tama na siguro muna na makinig nalang ako dito at hayaan muna sya na mapag- isa.

Nakita ko na nilalagyan nya ng yelo ang braso nya at ginagamot ang labi nya. Nakasuot sya ng strap dress at nakatali ng buns ang buhok nya.

Maganda parin si Ate Mika kahit nasa dilim...

"na-ngako ka..... s-sabi mo ako lang ma-hal mo", basag ma ang boses nya sa pag- iyak.

Mukhang kanina pa sya dito at umiiyak. Inangat nya ang paa nya sa upuan tyaka niyakap ang tuhod nya at dumukdok doon.

"hawak ko parin lahat ng pangako mo... kasi alam kong tutuparin mo yun", mahina nyang saad sapat para marinig ko kahit basag ang boses nya.

Si Kuya Renrem ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Unang beses syang nasaktan nito at napagsalitaan ng di maganda. Alam ko kung gano kamahal ni kuya Ren si Mika pero nitong mga nakaraang buwan tila nagbabago si kuya Ren kay ate Mika. Halos wala na syang oras dito at halos nasa labas palagi. Tapos ito naman si ate Mika kakaiba ang kinikilos nya, palaging matamlay at walang gana tapos minsan moody.

"akin ka parin diba?! Sabi mo ako lang"

Ano bang sinasabi ni ate Mika?! Di ko sya naiintindihan, ang alam ko lang ngayon nasasaktan sya.

"sabihin mo lang sakin na hindi na ako, pangako hahayaan naman kita"

"pero hanggat sakin ka parin umuuwi handa akong ilaban ka parin.... K-ka-hit ang sobrang sakit na", lalong lumakas ang iyak nya.

Umayos si ate Mika ng upo at pinupunasan ang mga luha nyang ayaw parin paawat.

"baby...."

Baby?!

"patawarin mo sya ah... hindi naman nya akong sinasadyang saktan eh tyaka pagsalitaan ng ganun... ga-lit lang sya at nag- aalala.. sorry ha"

Buntis si ate Mika?!

Dumukdok ulit si ate Mika sa lamesa at tinabig ng kamay nya lahat ng gamit sa lamesa kaya nahulog lahat at nagdulot ng ingay. Napapikit ako sa ginawa nya.

"Ate Mika...", mahina kong saad tyaka tinakpan ang bibig ko.

Naramdaman ko na ding namumuo ang luha sa mga mata ko.

"ayo-ko na n-napapagod na-ko pero para sayo a-anak lalaban ako", hagulgol ni ate Mika.

Bunti sya.. Buntis si Ate Mika... Anong gagawin ko? Ipapaalam ko ba sa kanila? Diko dapat pangunahan si Ate Mika.

"sobrang sakit na....", malakas na saad ni ate Mika sabay takip ng bibig nya.

Sa sinabi nya biglang bumagsak ang mga luha mula sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Puro iyak, hikbi at hagulgol nalang ni ate Mika ang naririnig ko. Napasandal ako sa pader sa tabi ng pinto habang nakatakip ang mga kamay ko sa bibig ko at patuloy ako sa pag- iyak.

"a-ate Mika wag kang su-suko pakiusap", bulong ko sa sarili ko.

Unti- unti akong tumayo kahit na nanginginig ang tuhod ko. Kailangan kong damayan si ate Mika, kailangan nya ng kasama at katulong sa problema nya. Lalo na ngayon na buntis sya, masama yun para sa kanya.

"a-ate Mi-ka", nanginginig kong saad habang lumalapit sa kanya dahilan para tumingin sya sakin.

"A-aira", saad nya sabay tayo at punas ng mga luha nya.

"anong gi-nagawa mo dito? Bat gising ka pa?", gulat nyang tanong.

"ate Mika...", sabay yakap ko sa kanya.

Bumuhos ulit ang mga luha ko...

"ate Mika ipangako mo sakin na di ka susuko at lalaban ka. Ipangako mo din sakin na magiging matatag ka para sayo at sa baby nyo ni kuya Renrem", hagulgol kong saad tyaka kalas sa yakap.

"alam mo?"

"narinig ko lahat ate sorry di ko sinasadya. Ate nandito ako para samahan ka, nandito ako para damayan ka. Ate pakiusap lumaban ka"

Ngumiti sya sakin, ngiting nasasaktan.

"oo naman la-laban ako", pilit ngiti nya.

"ate buntis ka?! Di ka dapat naiistress masama sa inyo ni baby yan", umiiyak kong sabi.

"Aira pwede ba akong humingi ng favor sayo?", sabi nya tyaka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay nya.

"oo ate pwede po"

"pwede bang atin muna toh", sabay tulo ng luha nya.

Di ko alam pero lalo akong nasaktan para sa kanya. Mahirap ang sitwasyon nya ngayon, mag- isa sya at buntis tapos nasaktan pa sya ni kuya Renrem.

"Aira lalaban ako, hindi ako susuko. Wag mo akong alalahanin kasi kaya ko pa", sabay ngiti nya.

"ate opo di po ako magsasabi. Ate alam kong napapagod kana, alam kong nahihirapan kana"

"ayos lang ako, Aira"

Hindi nako nagsalita bagkos niyakap ko nalang si Ate Mika. Sana kahit sa ganitong paraan mabawasan ang sakit na dinaramdam nya. Sana kahit na sa ganitong paraan mapasaya ko sya.

Ate Mika kaya mo yan, lumaban ka, kayanin mo, para sa inyo ng baby nyo. Ate wag kang susuko...

"mahal ka ni kuya Renrem, ate", saad ko.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now