Chapter 59

123 13 0
                                    

Someone's POV

1 year past...

"Babe in call sina mama at papa", saad ni Shawn habang hawak ang phone.

Sinagot nila ang videocall mula sa pamilya ni Mika.

"HAPPY 1st BIRTHDAY BABY HEAVEN!", sabay-sabay na bungad ng pamilya ni Mika.

"Baby say thank you to them...salamat po", saad ni Mika habang buhat si baby Heaven.

"Thank you daw po", nakatutuwang sagot naman ni Shawn.

"Wala kami jan sayang, pero may regalo naman kami sayo baby Heaven", saad ni Carol- mama ni Mika sabay pakita ng mga regalo.

"Ang dami naman niyan mama", masayang saad ni Mika.

"Naman 1st bday ng apo namin eh tapos wala pa kami jan", malungkot na saad ni Nestor-papa ni Mika.

Biglang naiwas ang atensyon nila dahil dumating ang pamilya ni Shawn.

"Happy birthday baby Heaven", saad ng mama ni Shawn sabay halik kay baby Heaven.

"Ate Mika...baby Heaven Hello", bati ni Sara.

"Balae oh kamusta kayo?", bati naman ng papa ni Shawn nng mapansin na ka-vc ito ni Mika.

"Ayos lang naman kami dito balae, kayo ba kamusta jan?", ani Nestor.

"Ayos lang din naman. Dumaan lang kami dito bago bumalik ng Pilipinas", mama ni Shawn.

"Uuwi na kayong Pilipinas, Tita?", tanong n Mika.

"Yes dear, hindi ba nasabi sayo ni Shawn na ngayon ang alis namin?", saad ng mama ni Shawn.

"Nasabi po, baka nawala lang sa isip ko", saad ni Mika.

"Gusto nyo ba sumabay?", nabiglang saad ng mama ni Shawn.

Nagkatinginan sina Shawn at Mika dahil sa sinabi ng mama ni Shawn.

"Ano yun nak?", tanong ni Carol.

"Ayy balae tinatanong lang naman namin sila baka gusto na rin nilang umuwi jan para naman makita nyo na sila at pati na rin itong cute na cute na si Baby Heaven", lusot na saad ng papa ni Shawn.

"Oo nga naman ate, kala ko ba uuwi kayo dito?!", sabay ni Renz.

Tinignan ni Mika si Shawn para sa isasagot.

"Ae hayaan mo bayaw, kapag may oras na kami uuwi agad kami jan para na din maasikaso ang kasal namin ni Mika", saad ni Shawn.

"Oo nga pala, ang kasal. Anong plano nyo dun, anak?", tanong ng mama ni Shawn.

"Hmm magpaplano nalang po kami ni Mika kapag nasa Pilipinas na kami. Right babe?!", ani Shawn.

"Tyaka kapag nasa Pilipinas na kayo, just visit the family of both side", suhestyon ng papa ni Shawn.

"Oo nga dapat makilala nyo pa lalo ang pamilya ng bawat isa bago kayo ikasal", saad ni Nestor.

"Noted po", saad nina Mika at Shawn.

Hindi na engrande ang ginawang celebration para sa kaarawan ni Baby Heaven dahil ibabawi nila ito sa kanilang nalalapit na pagbabalik sa Pilipinas kasabwat sina Renz at Aira pati na rin sina Chy at Levie na naunang nakauwi ng Pilipinas para roon.

Sa nalalapit na pagbabalik maraming maaaring mangyari sa pananatili ng dalawa. Mga alaala at karanasan na pwedeng bumalik ano mang oras, at ang tanging magagawa lang nila is iwasan iyong mangyari o magpaubaya sa takbo ng tadhana.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now