Prologue

848 60 3
                                    

"Hon ilalayo nila ako sayo", umiiyak na saad ni Mika.

"No hon, hindi ako papayag na mawala ka sakin", saad ni Renrem sabay yakap kay Mika.

"Pero hon pano?! Lalo lang nila ako ilalayo kapag nalaman nilang may nangyare satin"

"Mahal kita, Mika. Mahal na mahal kita", sabay halik sa noo ni Mika si Renrem

"Mahal din kita, Renrem"

Nalaman ng parents ni Mika ang nangyare sa kanila kaya mas lalong nagalit ang mga ito at tuluyan nang inilayo si Mika kay Renrem. Pinadala si Mika sa probinsya para doon ipagpatuloy ang pag- aaral nya sa ayaw at sa gusto nya ay wala syang magagawa.

Kahit malayo sina Mika at Renrem sa isa't isa ay hindi nawala ang palihim nilang komunikasyon. Pinagpatuloy nila ang kanilang relasyon, madalas din ang pagbisita ni Renrem Kay Mika at palihim silang nagkikita.

~ 2 Years Past ~

"Maghiwalay na tayo, diko na kaya. Sobrang sakit na kung alam mo lang", umiiyak na saad ni Mika kasabay ng pag- upo sa kama

"Hon sorry na patawarin moko, please. Alam mo kung gano kita kamahal, hon. Please sorry", nagmamaka- awang saad ni Renrem

"Mahal moko?! Ang sakit mo naman pala magmahal para paulit- ulit mo akong lokohin ng ganito, Renrem", patuloy parin sa pag iyak si Mika

"Alam ko na nagkamali ako, aminado ako roon hon. Kaya sana patawarin moko"

"Sige, tutal di mo kayang mabuhay na may isang babae lang na meron ka. Tapusin na natin toh, maghiwalay na tayo", matapang na saad ni Mika kasabay na pagbuhos ng mas maraming mga luha

"Mika magta- tatlong taon na tayo, please ayusin natin toh", sabay yakap kay Mika

"Sa loob ng mahigit 2 taon na yun, patuloy mo akong niloloko nang paulit- ulit", tatayo na sana si Mika nang hawakan ni Renrem ang kamay nya

"Please isa pang pagkakataon, pakiusap hon. Hindi ko kaya na wala ka"

"Chance?! Renrem sobra- sobra na yung chances na binigay ko sayo, hindi lang dalawa- tatlo- apat- isang daan na pagkakataon ang binigay ko na sayo. Pagod nako pagod na pagod nako", tuluyan nang kumawala si Mika sa pagkakahawak ni Renrem tyaka tumayo

"Mika, Mahal kita Mahal na Mahal kita", sigaw ni Renrem nang tuluyan nang umalis si Mika roon.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now