Chapter 22

130 23 0
                                    

Renrem's POV

Nagising akong wala sa tabi ko si Mika. Tumingin ako sa sa cellphone ko para tignan ang oras.

8:47 am

Bumangon ako at dumiretso sa cr para maligo at magbihis. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto namin. Naabutan kong nasa sala sina Jay, Paolo, Ice at Wen. Wala dun si Mika kaya for sure nasa kusina sya. Papunta na sana akong kusina nang makita ko si Tita na palabas ng kusina kasama si Papa at Tito.

"si Mika po ba nanjan?",  tanong ko.

"Kakaalis lang", seryosong saad ni Papa.

"umalis? Wala naman syang sinabi sakin na aalis sya eh", taka kong saad.

Di naman nagpaalam sakin tyaka bakit di nya ako ginising manlang?!

"san daw pupunta?", tanong ko tyaka kinuha ang cellphone ko sa bulsa.

"kasama daw si Chy at Levie", sagot ni Tita.

Sinubukan kong tawagan ang cp nya pero puro ring lang.

"Renrem mag usap tayo", seryosong saad ni Papa dahil para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Teka lang Pa, hahanapin ko lang muna si Mika", saad ko.

"hayaan mo muna si Mika maglibang ngayon", saad ni Papa na tila may kahulugan.

Ano naman kaya pag- uusapan namin ni Papa?! Tungkol ba sa bahay o sa lupa?!

"Pa yung sa bahay may bibi---"

"hindi yun", putol ni Papa sa sasabihin ko at naging mas seryoso ang mukha.

Lahat kami tila naguguluhan sa inaasta ni Papa. Bat parang napaka seryoso nya ngayon? Ano bang meron?

"Hiwalayan mo na si Mika", strikto nyang saad na kinagulat namin lalo na ako.

"ano pa?! Bakit ko hihiwalayan si Mika, mahal na mahal ko yun", napataas ang boses ko sa inis.

Bakit nya gustong hiwalayan ko si Mika? Ano na naman bang pakulo nya toh?

"oo nga naman tito bakit maghihiwalay sina Renrem at Mika?", tanong ni Wen.

"yun ang sabi ko kaya sundin mo nalang, Renrem", galit na saad nito.

Napansin ko ang pagyukom ng kamao ni Papa at ang pagpipigil nya ng galit.

"sa anong rason naman Anton? Bakit gusto mong maghiwalay sila", nag aalalang saad ni Tita.

"dapat lang silang maghiwalay", singit ni Jay.

Ano bang problema ng mga taong toh?! Bakit gusto kaming paghiwalayin?

"diba boto naman kayo kay Mika. Papa diba gusto mong si Mika ang mapangasawa ko?! may problema ba kay Mika? May nagawa ba sya sayo o sa inyo na hindi nyo nagustuhan?!", sabay tingin ko kina Papa at Jay.

Ngumisi si Jay sa hindi ko malamang dahilan. Naguguluhan ako sa kinikilos nila at hindi ko mabasa ang tinatakbo ng utak nila.

"kahit pilitin nyo ko hinding- hindi ko gagawin yun. Mahal ko si Mika ng higit pa sa sarili ko", saad ko sa sobrang inis.

Nakita kong mas yumukom ang kamao ni Papa at Jay. Galit sila pero hindi ko alam kung bakit at sa kung anong dahilan.

"tito Anton, Kuya ano bang dahilan nyo para sabihin yun? Sobrang bait satin ni ate Mika at ni isang beses hinding- hindi nya tayo binigo sa lahat. Bakit gusto nyong mawala si Ate Mika dito? Kung may problema kayo dapat sinasabi nyo habang nandito si ate Mika hindi yung kung kailan wala sya rito. Ang unfair nyo naman sa kanya", mangiyak- ngiyak na saad ni Aira.

Wala akong idea sobrang gulo nila. Hindi ako manghuhula para hulaan ang nasa loob nila.

"ano bang rason nyo bakit gusto nyong maghiwalay kami ha, papa, Jay anong rason nyo?", pasigaw kong saad.



Anton POV

Habang kausap ko si Mika kagabi alam kong sobra na syang nasasaktan base sa inaasta at sa pag- iyak nya kagabi. Tinuturing ko na sya na totoo kong anak kaya masakit din para sakin ang makita syang nahihirapan. Kaya nang malaman kong si Renrem ang dahilan ng sakit na yun at pag- iyak nya. Wala nakong nagawa kundi gawin yun, kahit na masakit sakin na mawala sya sa pamilya ko, pero yun lang ang naisip kong paraan para mawala ang sakit na meron sya. Ang maghiwalay sila ng anak ko...

"ako ang padre de pamilya dito. Kaya ang gusto ko ang masusunod. Hiwalayan mo si Mika", galit kong saad.

Galit hindi dahil kay Mika, galit dahil sa ayokong mawala sya samin.

"mas maganda nang mawala si Mika sa atin", singit ni Jay.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ng pamangkin kong si Jay. May alam kaya sya?

"ano ba?! tumigil na nga kayong dalawa! Hindi nakakatuwa ang mga sinasabi nyo", galit na saad ni Tina.

"papa sabi mo sakin si Mika ang gusto mong maging asawa ko at gusto mo syang maging parte ng pamilya na toh tapos ngayon gusto mong maghiwalay kami", galit na saad ni Renrem.

Gusto ko, gustong- gusto ko. Pero bakit ko sinasaktan si Mika? Bakit hinahayaan mo syang masaktan at umiyak? Ano na naman bang ginawa mo Renrem??!

"mama...", naiiyak na saad ni Aira.

Nabaling ang atensyon namin lahat kay Tina na ngayon ay natumba na. Tinulungan namin siya at agad na dinala sa kwarto. Nahilo sya dahil sa tensyon na dala namin.





Levie's POV

Pauwi na kami ngayon at kasama ko sina Mika at Chy.

"daan muna tayong mall para makabili ng vitamins", saad ko.

"magandang idea yan sis", sang ayon ni Chy.

"Mika kailangan mo nang mag-ingat ah. Alalahanin mo yung sarili mo, wag masyadong pa-stress at paka pagod masama yan", dugtong ni Chy pero walang sagot si Mika.

Kanina pa sya ganyan simula nung pumasok kami ng kotse. Tulala at tila wala sa mood. Dapat nga matuwa sya at maiyak sa saya pero wala eh parang sinakluban ng langit at lupa ang pagmumukha.

"heyy Earth to Mika connect please", saad ko na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

"h-ha ano?!", saad nito.

"saang planeta kaba nang galing ha?! Kanina pa kami connecting sayo", pagbibiro ni Chy.

"ang lalim ng iniisip mo sis", saad ko.

"hmm wala toh", ngiti nya.

Pilit na naman yung ngiti nya. Sya yung nag aya samin dito tapos sya yung wala sa mood.

"pwede ba ako maki- usap sa inyong dalawa", saad nito sabay tingin samin ni Chy.

"oo naman", saad namin ni Chy.

"pwede bang atin- atin muna toh at wala munang makaka alam", saad ni Mika.

Nagkatinginan kami ni Chy dahil naguguluhan kami.

"a-ano kasi... gusto ko hmm isurprise sila", saad nya ulit.

"amm okay no problem", masayang saad ni Mika.

"okay lang pero dapat kasama kami sa announcement mo ah", nakangiti kong saad.

"okay", pilit nyang ngiti.

Yeah Mika getting so weird and weird through action and her words. And ofcourse di na naman namin mahulaan ang mga iyon.

Mika was pretender and at the same time is a selfish person when it comes to her problems... Gusto man naming tumulong pero wala kaming alam, si Mika kasi yung tipo ng tao na tyaka lang magsasabi kapag magaan yung problema nya at madaling solusyonan pero kapag mabigat na hindi sya nagsasabi bagkos mag- isa nya tong sino-solve. Buti nga nakakaya nya eh, believe din ako sa babaeng toh, matapang and strong...

Sana sa time na toh kayanin nya ulit if ever na may problema sya na malala...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now