Chapter 50

124 14 0
                                    

Shawn's POV

Nagising ako dahil sa iyak ni Baby Heaven kaya nagtungo ako sa kwarto nina Mika. Its been one week past simula ng isilang si Heaven and my routine change a lot. From the sched of my work, kasi every minutes kailangan kong icheck si Baby Heaven even Mika. Kailangan kong umuwi ng maaga para matulungan si Mika sa pag aalaga, minsan maaga din nakakauwi sina Chy at Levie kaya mas mapapadali kami. Pero isa lang masasabi ko, ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko si Mika at si Baby Heaven. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko sila nasisilayan eh.

"Heyy", bati ko kay Mika ng nasa pinto nako ng kwarto nila.

"Halaaa pasensya na nagising ka sa iyak ni Heaven", paumanhin niya.

"Nope, its okay", nakangiti kong saad kahit na inaantok pa talaga ako.

Lumapit ako sa kanila at patuloy parin sa pag iyak si Heaven pero mahina nalang iyon.

"Can I carry her?", tanong ko.

"Kung pwede sana, kukuha lang ako tubig sa baba", saad nito.

"Let me handle her", sabay kuha ko kay Baby Heaven.

"Napadede ko na siya. Bababa muna ako", saad nito sabay lakad paalis.

Kita ko na inaantok pa siya at pagod dahil sa maghapon siyang nag aalaga kay Baby Heaven.

Hinele ko si Baby Heaven habang hawak nito ang hintuturo ko ng mahigpit.

"Walang alam na kanta si Daddy Shawn eh", natatawa kong saad.

Isip Shawn...

"Rock a bye baby on the tree top
When the wind blows the cradle will rock...", mahina kong kanta.

Pasensya kana sa boses ko baby Heaven

"When the bough breaks the cradle will fall
And down will come baby, cradle and all", dugtong kong kanta.

Luckily naghikab na si Baby Heaven at unti- unting nakatulog.

"Effective ang kanta ni Daddy Shawn", nakangiting saad ni Mika ng makapasok sa kwarto.

Is she call me Daddy Shawn? Omyghad!

"I-I think so"

Damn! Bakit ako nauutal...

Nagulat kami ng biglang namatay ang ilaw at dumilim ang paligid.

"Shit brownout", saad ko.

"Wait I'll get the flashlight sa cabinet", saad ni Mika tyaka kinuha ang flashlight.

Nang makuha niya ay binuksan niya ang flashlight.

"Sa kama mo na ibaba si Heaven", saad nito.

Nilapag ko si Baby Heaven sa kama gaya ng inutos ni Mika.

"Hmm Shawn?!"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtawag niya.

"Yes?", sagot ko.

"P-pwede bang dito ka nalang matulog. Kailangan ko kasi ng kasama magbantay kay baby Heaven eh. If okay lang sayo?", nahihiya niyang saad.

Ewan ko pero parang may biglang nagrambulan sa tyan ko.

Kinikilig ba ko???? Tongono!

"A-hhh oo naman", sagot.

"Wala kang tutulugan kaya, pwede mo naman tabihan si baby Heaven", nakangiti nitong saad.

Nasa gitna namin si Baby Heaven! Salamat brownout!

"Sure", formal kong saad para hindi niya mahalata n kinikilig ako.

Tumango siya tyaka pumwesto sa kabilang gilid ng kama at inayos ang higa ni Baby Heaven. Habang ako ay nanginginig na pumunta sa pwesto ko.

Shawn umayos ka nga...

Nakahiga na siya, inayos ko ng higa ko. Diko alam kung saan ako pupwesto, nawala yata yung antok ko kanina.

"Shawn, thank you", mahina niyang saad.

"Hindi mo kailangang magthank you, gusto kong gawin lahat ng ito", saad ko habang nakatingin sa kisame.

"Rock a bye baby on the tree top
When the wind blows the cradle will rock", pagkanta niya sa kinanta ko kanina.

Ang lamig ng boses niya, ang sarap pakinggan...

"When the bough breaks the cradle will fall
And down will come baby, cradle and all..... Goodnight Baby Heaven", sabay halik niya sa noo ni Heaven.

"Goodnight din Shawn", saad niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Nakatingin ako sa kaniya at siya naman ay nakapikit na ang mga mata at tila natutulog na.

"Goodnight, Mika", saad ko.

I love you...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin