Chapter 48

113 15 0
                                    

Mika's POV

3 days past...

Nakalabas nako ng ospital at kasama ko si Shawn ngayon dahil sina Chy at Levie ay naging masyadong busy sa kanilang trabaho. At dahil walang magbabantay at mag aalaga sakin, si Shawn na ang nagpresinta kahit na maaabala ang kaniyang trabaho.

"Yes po tita, ako napong bahala kay Mika", dinig kong saad niya.

Tumawag kasi sina mama at papa kanina para kamustahin ako at ang baby ko. At dahil nga si Shawn ang kasama ko ngayon siya ang nabilinan nina mama at papa.

Mahimbing naman na natutulog si Heaven sa tabi ko. Hinihimas ko ang palad niyang ka'y liit.

Ang ganda at cute ng anak ko...

"Mika", mahinang tawag sakin ni Shawn at inabot ang cellphone ko.

Kinuha ko ang cellphone at tinapat sa tenga ko.

"Hello mha", saad ko.

"Anak after a month umuwi naman kayo dito", ani mama.

"Mha hindi ako mangangako pero susubukan ko po", malumanay kong saad.

Hindi pa ako handang umuwi sa ngayon, hindi pa ako handang humarap.

"Hindi ka pa ba handa?", tanong ni papa.

Nakita ni Shawn na babangon ako kaya inalalayan niya ako. Nang makatayo ako ay sinenyasan ko si Shawn na siya muna ang bahala kay Baby Heaven at nagnod naman ito.

Pumunta ako sa kusina upang doon kausapin sina mama at papa.

"Mama isa pa din yun", mahina kong saad.

"Alam namin, pero anak mag iisang taon ka nang wala dito. Miss na miss kana namin", naiiyak na boses ni mama.

Gusto ko din naman umuwi at makasama sila pero basta ang hirap kasi...

"Magpalakas ka jan at mag iingat kayo jan ng baby mo", saad ni mama.

"Mama sana atin-atin lang toh po ito. Kung may makakaalam man sana hindi sila ang mauna", pakiusap ko.

"Matagal ng hindi nagpupunta dito si Renrem, pero nakakasalubong namin ang mga tita at kapatid niya", paliwanag ni mama.

Gusto kong itanong kung may bago na ba siya pero ang hirap magsalita.

"Bumalik daw sa dati si Renrem, sa pagiging babaero", saad ni Papa.

Expected ko na yun...

"Basta mama at papa please!", saad ko.

"Oo anak, makaka asa ka", tugon nila.

"Mag iingat po kayo jan. Magsesend nalang ako ng picture ni baby Heaven kay Renz", saad ko.

"Sige ipapaalam ko sa kapatid mo", ani mama.

"Babyeee, mahal ko kayo", saad ko.

"Ingat kayo jan. Mahal na mahal ka namin" saad nila sabay patay ng tawag.

Naglakad ako pabalik sa kwarto namin ni Heaven. Nakita ko na buhat ni Shawn si Heaven na ngayon ay gising na gising.

"Baby Heaven, Baby Heaven, why you're so cute", kanta nya habang nilalaro si Heaven.

"Kamukhang- kamukha mo ang mommy Mika mo, diba baby?", saad pa nito.

Hindi ko alam pero awtomatikong napapangiti ang mga labi ko.

"Baby Heaven, Daddy Shawn would didn't leave you and your mommy, okay?", saad niya tyaka hinalikan sa pisngi si Heaven.

"Hindi ko kayo iiwan katulad ng ginawa ng totoo mong ama", saad niya kasabay ng pag- igting ng panga niya.

Lalaki kabang walang ama, anak?

"I love you and your mommy. I will stay no matter what happen", nakangiti niyang saad.

Do I deserve this kind of love, again? What if sa una lang ulit? Pano kung magbago o may mabago?

Habang hinehele niya si Heaven ay kita ko ang pagtamlay ng mata niya at paghikab. Pagkatapos niya kasi sa duty niya sa ospital ay dumiretso na ito dito sa bahay. Actually dito na nga sya nag iistay dahil sa binabantayan niya ako.

He deserves more, but I don't think so if I can be more for him...

Inihiga niya si Heaven sa crib nito at pinaikot ang laruan na nasa taas nito. Lumapit ako sa kaniya.

"You look so tired. Pwede kana magpahinga o gusto mo muna kumain?", tanong ko dito.

"No, I'm fine. Ikaw? May gusto ka ba o kailangan?", nakangiti niyang tanong.

Naupo ako sa kama habang siya ay nanatiling nakatayo sa harap ko.

"Shawn thank you for all of this. Hindi ko alam kung paano babawi sayo", saad ko.

"Ano kaba?!", hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi mo kailangang bumawi kasi ginagawa ko ito na walang hinihiling nakapalit. Gusto kong alagaan kayo at tulungan kayo lalo pa ngayon", saad nito.

"Thank you, hindi ko alan kung anong gagawin ko kung wala ka", saad ko.

"Hindi ako mawawala pwera nalang kung ikaw na mismo ang magtatamboy at magsasabi na ayaw mo akong makasama at ayaw mo kong nandito", kamot batok niyang saad.

Ayoko! Hindi ko kaya ng mag isa lahat ng ito. Kailangan kita/namin...

"Hindi, Shawn", naiiyak kong saad.

Agad nyang pinunasan ang luha ko at niyakap ako.

"Then I'll stay", nakangiti nyang saad.







A/N: this chapter was dedicated to ms. AngelKimGallardo thank you for supporting me, keep safe and iloveyou

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon