Chapter 34

129 18 0
                                    

Renrem's POV

"Ren nasan ba si Mika?", tanong sakin ni Tita.

Actually hindi ko din talaga alam...

"Isang linggo na syang di pumupunta dito ah! Nag away ba kayo?", seryosong tanong ni Papa.

"Malamang sa malamang tito", saad ni Jay.

"Nag- away kayo?", galit na saad ni Papa.

"Hindi kami magka away, ano ba kayo!?", saad ko.

"Iniwan mo nga si ate Mika mag- isa at hinayaang mabasa sa ulanan eh", singit ni Aira.

Teka pano nya nalaman yun?!

"Ano?! Hinayaan mo yun mangyare kay Mika! Siraulo kaba?", galit na tono ni Papa.

"Nasundo sya ni Chy at dun sya nagstay sa bahay kina Chy", saad ko.

"Kahit pa! Anniversary nyo yun, dapat sya ang kasama mo at dapat sya lang ang mahalaga sayo", galit na tono ni Tita.

Alam kong kasalanan ko yun at mali ako na iniwanan ko sya dun. Mas pinili ko si Jane kaysa sa kanya, pinabayaan ko sya.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Pupuntahan ko sya at hihingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya, babawi ako but this time totoo na. Masyado nakong madaming nagawang kasalanan kay Mika, baka mawala na sya sakin ng tuluyan kapag nagpatuloy pako sa ganito. Tatapusin ko na din ang samin ni Jane agad- agad at magpo- focus nako kay Mika.

"San ka pupunta?", tanong ni Paolo.

"Kay Mika. Magsosorry at makikipag ayos tapos babawi nako sa kanya. Totoong babawi nako, ibibigay ko na sa kanya lahat ng oras at atensyon ko. Itatama ko na lahat ng mali ko", seryoso kong saad.

"Ayaw mo syang mawala pero sinasaktan mo sya", saad ni Jay.

Hindi ko alam kung may alam na din ba sya pero wala nakong pakialam kasi aayusin ko na toh.

Maglalakad na sana ako ng palabas ng pinto nang biglang magsalita si Aira.

"Wala ka ng Mika na makikita simula ngayon", saad nya dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Wala ng Mika na mangungulet sayo, wala ka ng paglalaanan ng oras at atensyon, wala ng magagalit sayo. Wala nang Mika na magmamakaawa sayo Kuya Renrem", nag- gigilid ng luha ni Aira habang sinasabi yun.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa braso.

"Bakit anong nangyare kay Mika? Alam mo kung nasan si Mika?! Nasan sya?", saad ko habang inaalog ang balikat nya.

Lumapit sila sakin para pigilan ako dahil alam kong nasasaktan ko na si Aira. Bakas sa mukha nila ang pagtataka sa mga sinasabi ni Aira. Nailayo nila ako mula kay Aira.

"Anak ano bang sinasabi mo?", tanong ni Tita.

"May nangyare ba kay Mika, Aira?", nag- aalalang tanong ni Papa.

Baka nung iniwan ko sya may iba pang nangyare sa kanya, baka napahamak sya. Nung panahong kailangan nya ako, wala ako sa tabi nya...

"Ayos lang si ate Mika. Actually mas magiging mabuti na nga sya eh. Mas magiging maayos at masaya sya", sabay tulo ng luha ni Aira.

"Bakit Aira? Sabihin mo", mahinanong tanong ni Paolo.

"Umalis na si Ate Mika", tipid nitong sagot.

"Anong umalis?", tanong ni Tito.

Isa lang nasa isip ko, America...

"Nasa America na si ate Mika, umalis na sya", sabay pahid ni Aira sa luha nya.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon