Chapter 33

127 19 0
                                    

Mika's POV

Nasa byahe na kami ngayon papuntang airport kung saan naghihintay sina Chy at Levie. Hindi ko alam pero tanging lungkot at mabigat na pakiramdam lang ang meron ako ngayon. Ayoko naman umalis, ayokong lisanin ang Pilipinas at iwan ang mga taong mahal ko pero di ko kayang magstay nang dahil sa sobrang sakit.

I and Renrem didn't have any official break up kapag umalis ako ng biglaan. Pero ayos na din yun, kaysa naman kausapin ko pa sya at magmakaawa diba?! Pagod nakong manghingi ng atensyon at pagmamahal sa kanya. Pagod nakong makinig sa mga dahilan at palusot nya, sawa nakong iparamdam kung gano ko sya kamahal habang sya wala man lang naa-appreciate sa lahat ng yun. Mahal ko sya pero tama na.

"Ate nandito na tayo", saad ni Ranz na nagpabalik sa akin sa realidad.

Inayos ko ang sarili ko tyaka bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako nina Chy at Levie.

"Ano kaya mo ba?", seryosong tanong ni Chy.

Ngumiti ako ng mapait sa kanya bilang sagot ko.

"Malayo ang America bess, sobra", saad ni Levie.

"Alam ko naman yun. Atleast kasama ko kayo dun diba?!", pilit ngiti ko.

"Mahirap manganak ng walang kasamang kapareha, anak", singit ni mama.

"Tanging si Renrem lang ang makaka intindi sayo at sa lagay mo", ani papa.

"Tito--"

"Ayos lang ako papa mama. Kaya ko po ito", putol ko sa sasabihin ni Chy.

Alam kong sasabihin nya yun kina papa at mama kaya mas mabuting unahan na. Hindi parin kasi alam nina mama at papa ang totoong nangyare, tyaka ko nalang sasabihib kapag nasa America at kapag nakahanap nako ng tamang oras para dun.

"Mamimiss ka namin anak", sabay yakap sakin ni mama.

"Hindi man lang ba hahabol si Renrem para magpa alam sayo?", tanong ni papa.

Nagkatinginan kami nina Chy at Levie, kita sa mga itsura nila ang pagka- irita at galit sa tuwing maririnig ang pangalan ni Renrem.

"Mama, papa mag- iingat kayo dito ah, Ranz ikaw nang bahala kina sakanila pati na rin kay Rhyne", bilin ko.

"Oo ate noted. Ikaw din mag- iingat ka dun pati sa baby mo", saad ni Ranz at nginitian ko sya.

"Ayoko sana basagin ang madramang usapang ito pero bess malapit na ang flight natin", pabirong bilin ni Levie.

"Sige ma, pa, Ranz at Rhyne. Ingat kayo dito, mahal na mahal ko kayo", niyakap ko silang lahat.

Mas masakit pala toh, ang magpaalam. Sobrang hirap...

Ramdam ko ang pamumuo ng luha saking mga mata kaya kumalas na ako sa yakap at nagpaalam na sa kanila dala ang mga bagahe ko.

"Byee ingat ka dun anak, mahal na mahal ka din namin", saad nila.

Kumaway ako bilang sagot. Naglakad na kami papasok sa loob, bago tuluyang makapasok ay tumingin ako sa pintuan sa likod nina mama. Wala lang, baka magpunta sya dito para pigilan ako.

Haisst Mika, tama na. Masyado ka ng umaasa...

"Hindi alam ni Renrem na ngayon ang alis mo at wala syang alam. Kaya hindi sya magpapakita dito", saad ni Mika ng makapasok na kami.

"Bess pwede ka pang magback out kung di mo talaga kaya. Ayos lang yan", ani Levie.

Hindi, dapat kayanin ko. Dapat maging malakas ako para sa sarili ko at sa anak ko.

"Tutuloy ako, kaya ko toh", lakas loob kong saad.

"Bess nandito kami para sayo, kadamay mo kami sa lahat. Hindi katulad ng wala mong kwentang boyfriend", iritang saad ni Chy sabay yakap sakin.

Nasa loob na kami ng eroplano at hinihintay nalang ang pagtake off nun.

This time ako nalang, this time imposible na nya akong masundan, this time wala ng mangungulit. Malaya na sya pwede na nyang gawin lahat ng gusto nya ng legal. Sana maging masaya sya, sila ni Jane.

"Magready kana lilipad na daw ang eroplano in just 5 minutes", saad ni Chy at tumango ako bilang sagot.

Tumingin ako sa bintana ng eroplano, hindi ko alam pero umaasa ako na pupunta sya dito at pipigilan akong umalis. Diko napansin na pumatak ang luha ko sa pisngi ko, na agad kong pinanasan.

"Mahal na mahal kita, hon. Please wag mokong iwan diko kayang mawala ka sakin"

Napa atras ako sa salamin ng makita ang repleksyon nya dun na agad nawala at marinig ang mga sinabi nya sakin nun.

Kalma Mika nagha- halucinate kalang...

Unti-unting gumalaw ang eroplano senyales na lilipad na ito. Umayos ako ng upo at sumandal sa upuan, nakatingala ako kasabay ng paghinga ko ng malalim.

A few minutes later tuluyan ng lumipad ang eroplano palayo sa airport.

Nagawa mo Mika, nagawa mong tatagan. Wala ka pa sa simula kaya kayanin mo.

Kung sino pa yung labis nating minahal ng buo, sila din pala yung sisira at durog satin ng sobra...

"Mahal sa salita pero binabalewala sa gawa"

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon