Chapter 31

127 19 0
                                    

Renrem's POV

"Bakit naman kasi kailangan moko ihatid agad pwede namang bukas nalang eh", reklamo ni Jane pagbaba ng kotse ko.

"Naghihintay pa sakin si Mika sa resto, nangako sa kanya na babalik ako agad", paliwanag ko.

Shitt anong oras na ba?! Baka nauna na sakin yun pauwi... Nakalimutan ko yung pangako fuck!

"Haisst 11:07 na oh! Nandun pa ba yun?", irita nitong tanong.

"I really need to go. Bye!", sabay buhay ko sa makina.

Hindi ko na sya hinintay sumagot bagkos ay nagmaneho nako paalis.

Gabi na... Baka mapano si Mika, mali talagang iniwan ko sya eh. Sigurado akong galit na yun, anniversary namin tapos iniwan ko lang sya... Shit ka Renrem, bullshit ka...

After a couple of minutes ay nakarating nako sa resto. Malakas padin ang ulan dito.

Si Mika baka magkasakit na yun...

Bumaba ako ng sasakyan at tinungo ang guard upang tanungin.

"Boss kanina pa ba kayo sarado?", tanong ko.

"Ayy opo boss kanina pang 10:30", sagot nito.

Napahampas nalang ako sa noo ko.

Yare talaga ako neto!

"May napansin ka ho bang babae dito na naka- denim dress?", tanong ko.

"Yung may dala po bang white sling bag tyaka naka- pony tail?", tanong nito.

"Opo boss", sagot ko.

"Ayy umalis na po boss kanina pa, sumugod pa nga po sa malakas na ulan eh kaya for sure basang basa yun bago naka uwi. Mahirap pa namang sumakay dito gawi", paliwanag nung guard.

"Ganun po ba?! Sige boss salamat po", saad ko sabay alis.

Shittt Mika sorry, ang tanga ko...

Pumasok ako ng sasakyan tyaka nagmaneho. Habang nagmamaneho ako ay tinawagan ko ang cellphone ni Mika. Ilang saglit pa ay sumagot ito.

"Hello hon sorr--"

"Tulog na si Mika, si Chy toh", diretso at matigas na tono ni Mika.

"Nasa inyo si Mika?", tanong ko.

"Ako na yung sumundo sa kanya. Pano ba naman kasi yung boyfriend nitong si Mika ay sobrang galing at napaka husay", sarkastiko nitong tono.

"Look, Chy! I'm so sorry diko sinasadyang iwan si Mika dun mag- isa", paliwanag ko.

"Wala kang kwenta", saad nya sabay patay ng call.

Haisst alam kong galit sya dahil concern sya kay Mika. Bat kasi ang tanga ko, mas inuna ko pa si Jane. Okay na eh masaya na si Mika, ayos na kami eh.

Tangina ka talaga self kahit kailan!

Dumiretso nako sa bahay at hinayaan muna na magstay si Mika kina Chy para lumamig din ang galit nun sakin kahit papano aysst.

Basta kong pinarada ang kotse ko sa harap ng bahay namin at pumasok sa loob. Patay na ang ilaw at halatang tulog na sila. Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa kwarto namin ni Mika. Nakatayo ako sa pinto at tinignan ang kabuuan niyon.

Puro gamit namin ni Mika, mga regalo sa isa't isa, mga litrato namin na magkasama at masaya, mga alaala naming dalawa.

Naglakad ako patungo sa wall kung nasan ang mas marami pang picture namin ni Mika na nakasabit at nakadikit pahugis puso. Litrato kung saan una kaming nagsimula, unang monthsarry naming dalawa...

Masaya naman kami ni Mika noon kahit magkahiwalay kami at magkalayo. Kinaya namin noon kahit mahirap, pinaglaban ako ni Mika sa parents nya. Hindi sya sumuko sa relasyon namin kahit na maraming beses ko na syang nasaktan.

Ako tong si tanga, paulit- ulit syang niloloko hanggang sa ngayon. Pinili ko parin yung taong hindi ako pinahalagahan noon at binalewala lang ako. Mahal ko si Mika, sobrang mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya na mawala sya sakin, pero ako tong walang kwenta, ayoko syang mawala pero ako yung gumagawa ng paraan para lumayo sya sakin at iwan ako.

Humiga ako sa kama tyaka kinuha ang cellphone ko at tinext sya.

TO: hon
      Hon sorry patawarin moko, alam kong araw natin toh dapat pero iniwan pa kita. Hon patawarin moko sa lahat ng kasalanan ko sayo. Mahal na mahal kita hon, sobra. Di ko kayang mawala ka sakin hon. Happy anniversary hon, i love you so much. Goodnight!

Pagka- send ko nun ay nilock ko ang cp ko at bumungad sakin ang picture ni Mika na nakangiti.

Mahal na mahal ko toh...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon