Chapter 93

126 19 0
                                    

Mika's POV

"Mika ano pang kulang dito sa French Onion Soup?", tanong sakin ni tita Tina.

"All-purpose flour tita", sagot ko.

"Ayy mukhang ubos na yung flour eh teka bibili muna ako baka meron jan sa labas", saad ni tita.

"Sige po tita"

Agad na lumabas si tita pa, kaya tanging si Renrem at Aira lang ang kasama ko dito sa kusina dahil sina kuya Jay at sina mama ay busy pa mamili ng ibang sangkap sa market.

"Tama na kaya tong tamis ng banana crepes na ginawa ko?", mahina kong tanong sa sarili ko.

"Patikim nga if okay na", biglang sulpot ni Renrem sa likuran ko.

Bigla akong nakaramdam ng butterfly sa stomach ko.

WHAAAAAA!

"Hm sige", sagot ko.

Pinaghiwa ko siya ng slice ng banana ng crepes tyaka aktong isusubo ko sa kaniya ng may bigla akong marealize.

Naiwan ang kamay ko sa ere habang nakatapat sa kaniya yung tinidor na may slice. Nakita ko ang pag ngiti niya sabay yuko ng bahagya at  sinubo yung slice ng banana crepes.

May naiwan na dumi sa gilid ng labi niya kaya agad akong kumuha ng tissue.

"May dumi ka sa labi", sabay abot ko ng tissue.

Pinunasan niya pero maling area.

"Hindi jan, sa kabila", saad ko.

"Dito?", saad niya sabay punas sa maling area ulit.

"Haisst dito oh", sabay hawak ko sa kamay niya na hawak ang tissue kaya napayuko siya tyaka pinunasan ko ang mismong dumi sa mukha.

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at nakahawak padin ako sa kamay niya.

Bakit feeling ko mas gumwapo siya sa personal?! Shocksss ang bango niya pa rin!

Nabigla ako ng hawakan niya ang pisngi ko at ilagay sa likod ng tenga ko ang mga takas kong buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Omy sorry", saad niya.

Nabalik ako sa reyalidad kaya agad akong lumayo.

"Nalagyan kita ng chocolote sa pisngi mo", paliwanag nito.

Hindi ka makakaisa sakin alam ko na galawan mo noh...

Agad akong tumingin sa salamin cabinet na may salamin at ako na mismo ang nagpunas ng dumi sa mukha ko.

"Cute...", biglang saad ni Aira.

Napatingin kami bigla sa kaniya na ngayon ay nakangiti. Tinignan niya kami na tila natatawa.

"Ano? HAHAHAHA eto kasing tiktok na pinapanood ko nakakatawa", palusot niya.

Napatingin ako sa pork na niluluto ni Renrem.

"Baka masunog yan, ikaw lulutuin ko tamo", pabiro kong pagbabanta kay Renrem.

"Basta ba kakainin mo din ako eh", pabiro niyang sagot sabay tingin sa niluluto niya.

Should I'd be scared? Kaso bakit na- double meaning ako T^T

"Tikman mo nga ko", saad niya.

"Huh?", gulat kong tanong.

"Sabi ko tikman mo nga TOH diko kasi sure if tama na yung lambot or what", pagdidiin niya sa word na toh.

Bakit pagkakarinig ko "tikman mo nga ko"? WHAAAA self kalma pagkain ang usapan ah...

Agad akong lumapit para tikman yung niluluto niya. Kumuha ako ng kutsara tyaka kumuha ng konting sabaw.

"Mainit ah dahan dahan baka mapaso ka", paalala nito.

Tinikman ko and all I can say is magaling padin siya magluto like before.

"So how is it masarap ba like me", natatawa niyang saad.

"Masarap pero di mo katulad", saad ko sabay lapit sa ginagawa ko.

"Kaya pala nakarami ka"

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Wtf! Anong nakarami?

"Yung sabaw kasi tignan mo, sandok na yang hawak mo HAHAHA", sabag halakhak niya.

"Lumayo ka sakin masasapak talaga kita", sacrcastic kong saad.

Imbes na lumayo ay mas lumapit pa ito sakin.

Makulit amp!

"Isa pang hakbang ipapalo ko sayo tong sandok", banta ko.

Mas lumapit pa siya kaya naihampas ko yung sandok sa kaniya.

"Ouchh!", daing niya sabay hawak sa ulo niya.

Mahina lang naman yun ah..

Nakaramdam ako ng konsensya sa ginawa ko. Agad akong lumapit sa kaniya at tinignan kong okay lang siya.

"Sorry hindi ko naman sinasadya eh ikaw kasi lapit ka ng lapit", saad ko.

"Saan ba masakit?", tanong ko.

"Here", saad niya sabay angat ng ulo niya at turo sa cheeks niya.

"Kiss mo"

Kingina! Nananadya ba siya talaga?!

Hinampas ko siya sa balikat niya dahil sa pang aasar niya.

"Epal...", saad ko sabay walk out.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig, sayang naman kung ito'y mawawala", kanta ni Aira habang may nakasaksak na earphone sa tenga niya.

Isa pa toh eh whaaaa

"Oyy san ka?", tanong ni Renrem.

"Cr lang", sagot ko.

"Sama", saad niya.

Juskooo lulutuin ko toh

"Cheeee", sabay lakad ko ng mabilis papuntang cr.

Nang makarating ako sa cr ay hindi mawala sa isip ko yung pangyayari kanina. I don't know why pero I felt happy shocksss

"Wala lang yun Mika kaya kalma ka muna chil ka muna ah masyado kang naoover whelmed eh", saad ko sa sarili ko.

Masaya ulit tapos ano, biglang susulpot yung lungkot. Life cycle nga naman...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now