Chapter 12

136 29 0
                                    

Mika's POV

Naliligo ngayon si Renrem at eksaktong 6:13 am nang biglang umilaw ang cellphone nya naka- lagay sa table sa tabi ng kama. Lumapit ako para tignan kung bakit yun umilaw, kita ko na naka flash sa screen ang isang text message.

From: Jon
     Hintayin kita sa may kanto malapit sa paradahan ng tricycle. See you (kiss emoji)

Umalis ako at bumalik sa pwesto ko, na sakto namang paglabas nya ng cr. Tinignan ko lang sya habang nagbibihis sya, black polo shirt at maong pants. Pormadong- pormado at ang bango nya.

"baka malusaw ako nyan, hon", saad nito.

Hindi ko sya sinagot bagkos ay binalingan ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng wattpad.

"ang sunget naman", saad nya tyaka lumapit sakin.

"aalis ka?", tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"may delivery kasi ako", sagot nya.

"sama ako", naka- nguso kong saad.

"wag na hon saglit lang naman ako eh", paliwanag nya na lalo kong kinanguso.

Dati naman kapag may delivery sya at nandito ako ay sinasama nya ako ','

"babalik ako bago mag-lunch, hon", sabay halik nya sakin.

"okay", wala sa mood kong sagot.

"at dapat nakabihis kana nun kasi pupunta tayong EK", naka- ngiti nyang sabi.

"talaga?!", masaya at excited kong tanong.

"oo naman. Kaya hon kailangan ko nang umalis. I love you"

"okay. I love you too", paalam ko sabay alis nya.

Ilang minuto na syang naka- alis kaya naligo muna ako tyaka lumabas ng kwarto namin. Nang matapos ako maligo ay nag- ayos muna ako tyaka lumabas na. Naabutan ko sila na nasa sala at nanonood.

"Mika kumain kana jan", utos ni tito.

"sige po tito", saad ko tyaka nagdiretso sa kusina at kumuha ng kape at tinapay.

Pumunta ako sa sala muli para dun kumain.

"kain po", alok ko sa kanila at tinunguan tyaka nginitian nila ako bilang tugon.

"Mika pa-saan si Renrem?", tanong ni kuya Jay.

"magdedeliver daw po sya saglit, kuya Jay"

"deliver? Saan daw?", singit ni kuya Paolo.

"wala pong sinabi", taas balikat kong saad.

"wala kasi kaming delivery ngayon, bukas pa sa Malolos", takang saad ni kuya Jay.

"ahh", tanging nasabi ko nalang tyaka nagfocus sa pagkain.

Ramdam ko ang pagtinginan nilang lahat. Tinginan na tila may kahulugan, wala akong balak alamin yun.

Nagwattpad lang ako maghapon at walang pumapasok na Renrem mula sa pintuan ng kwarto. Alas- tres na ng hapon pero di pa ako nagtatanghalian, nakabihis na din ako dahil nga sa sinabi ni Renrem na aalis kami bago mag- lunch. Pero until now ay wala parin sya. Nang nakaramdam ako ng gutom ay lumabas ako ng kwarto.

"aalis ka Mika?", tanong ni kuya Wen.

"opo, hinihintay ko lang si Renrem", saad ko sabay kuha ng yogurt sa ref.

"duhh nasa Enchanted Kingdom si Renrem ngayon", masungit na singit ni Ice.

"ha?! Pano mo nalaman", gulat kong tanong.

"naka- post kaya", saad nito.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at inopen ang fb tyaka inistalk si Renrem, pero wala naman akong nakita na post.

"Ice wala naman ah", saad ni kuya Jay.

"oo nga love", sang- ayon ni kuya Paolo.

"tsk! Eto oh", sabay pakita nya samin nung picture.

Oo nga nasa EK si Renrem. Tinignan pa nila ang iba pang picture at kitang- kita na masaya at nag- eenjoy sya dun. Pero bakit sya nandun? Sino ang kasama nya? Yung Jon ba?!

7:27 pm, wala paring Renrem na dumadating at ni text o tawag ay wala akong natanggap. Di rin namin makita ang ibang post pa ni Renrem maliban kay Ice.

"san ka ate Mika?", tanong ni Aira.

"sa kwarto, inaantok na kasi ako eh", walang gana kong saad.

"goodnight, Mika", saad ni papa.

"goodnight din po", pilit kong ngiti.

Pumasok ako sa kwarto at pinagbabato lahat ng unan dahil sa inis at galit. Habang binabato ko lahat ay diko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Pilit ko iyong pinupunusan at kinagat ko din ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtuli pero di talaga ito tumitigil. Sobrang gulo na ng kama namin, naka- kalat na kung saan-saan ang mga unan at kumot.

Patuloy parin ako sa pag-iyak habang nakayakap sa mga tuhod ko hanggang sa dalawin ako ng antok at makatulog kaka- iyak.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now