Chapter 21

132 25 0
                                    

Mika's POV

Dalhin sa naalimpungatan ako ay di nako muling dinalaw ng antok. Katabi ko parin si Renrem na mahimbing na natutulog dahil siguro sa pagod. Pinagmasdan ko syang natutulog habang sinusuklay ang buhok nya ng dahan- dahan gamit ang aking palad.

"Hawak ko padin ang mga pangakong binitawan mo sakin", halos bulong ko sa sarili ko.

Nakatingin ako sa mukha nya at hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga oras na toh. Sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na unti- unti nang nawawala at bumibitaw sa pagkakahawak mo.

"Mahal kita kahit na sa totoo ang sakit sakit na", muli kong saad na tanging ako lamang ang nakakarinig.

Nangako ako sayo na magtitiwala ako sayo at sayo lang maniniwala. Hihintayin ko na sayo mismo mang galing ang lahat, hihintayin ko na ikaw mismo ang magsabi sakin ng mga dapat kong malaman. Hihintayin ko yung oras na ikaw na mismo ang magsasabi sakin na hindi mo nako mahal at bibitaw kana. Pero hanggat wala ka pang sinasabi, Hon lalaban parin ako para satin.

Hindi ko napansin ang unti- unting pamumuo ng mga luha sa mata ko at ang pagbagsak nito sa braso ni Renrem. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ko pero tila bumibigay na pati ang luha ko dahil sa sakit. Di ko na makontrol ang pagluha ko at paghikbi.

Handa akong magbingi- bingihan at magbulag- bulagan. Handa ako na magkunwari na ayos ang lahat, kaya kong itago ang sakit na nararamdaman ko. Handa akong isakripisyo lahat ng meron ako para sayo, di kita susukuan hanggat alam kong sakin ka parin kahit na alam kong sobrang labo na.

Sakin ka parin hanggat sinasabi mong mahal mo ako. Sakin ka parin hanggat sakin ka umuuwi. Sakin ka parin hanggat ako parin ang hinahanap mo. Pero ako parin ba ang laman ng puso mo? Ako parin ba yung nagpapasaya sayo? Ako parin ba ang kailangan mo?

"Sana sabihin mo na ako parin"

"Sakin kalang diba?!", saad ko habang patuloy sa paghikbi at pag-iyak.

"sabi mo ako lang hanggang dulo, sabi mo ako lang gusto mong makasama habang buhay"

"nangako ka diba?! Tuparin mo"

Napatakip ako sa bibig ko ng mapansing lumalakas ang paghikbi ko.

Hindi ko na kaya, sobrang sakit na kasi.

Tumayo ako at inayos ang kumot na nakabalot kay Renrem tyaka nagbihis at lumabas ng kwarto namin para pakalmahin ang sarili ko.

Nasa terrace ako at patuloy sa pag-iyak ng mahina baka kasi may makarinig sakin.

"Mika?", boses ni papa.

Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mga luha ko tyaka humarap kay papa.

"pa? Bat gising pa po kayo?", tanong ko.

"ayos kalang ba?", sabay lapit nito sakin.

"o-opo naman po"

"umiiyak ka ba, Mika", tanong nito pero tanging iling lang ang nasagot ko.

"Nag-away na naman ba kayo ni Renrem?", tanong nito muli.

"hin-di po papa", iling ko.

"Mika kung may problema ka wag kang mahiyang magsabi sakin. Alam mo namang anak na ang turing ko sayo", saad nito na biglang nagpa yuko sakin dahil ramdam kong muling namuo ang luha sa mata ko.

Lumapit si papa para yakapin ako.

"Mika kung ano man yang problema mo, alam kong kaya mong lagpasan yan. Matapang ka at strong diba", saad ni papa.

Di ko na napigilan ang pag- iyak habang yakap ni papa.

"May masakit ba sayo o nasaktan kaba? Magsabi ka sakin"

"pa-pa s-sobrang sa-kit po di ko a-alam kung ka-ya ko pa", basag ang boses kong saad.

"wala akong alam sa nangyare sayo. Pero ramdam ko na labis kang nasasaktan sa problema mo. Mika, kapag alam mong sobra na ang sakit na nadarama mo pwede mo namang bitawan yun. Isipin mo muna kung worth it ba yung sakit na nararamdaman mo o kung may mapapala ka ba dun", ani papa.

Kung alam mo lang papa kung sino yung sakit na yun...

"si Renrem ba ito?", tanong nito na hindi ko sinagot dahil patuloy lang ako sa pag-iyak.

"kung si Renrem man yan. Kung talagang masakit na at di mo worth yun, Mika pwede mo naman syang palayain. Iha hindi mo deserve ang masaktan ng ganyan dahil kung talagang mahal ka ng anak ko bakit nya hahayaang magka ganyan ka at masaktan ng lubos. At kung talagang mahal nya dapat alam nya kung pano pahalagahan ang nararamdaman mo. Babae ka, at dapat ang babae minamahal at hindi sinasaktan", pangaral ni papa.

Lalong lunakas ang iyak at hikbi ko habang yakap ako ni papa.

Di ko alam kung nalinawagan ba ako o lalong nahirapang mag- isip. Di ko na alam ang dapat kong gawin sa sitwasyon namin. Dapat na ba akong bumitaw? Dapat ko na bang itapon lahat ng pangako ko? Deserve ko ba lahat ng sakit na toh? Worth it ba na lumaban pako kahit na may posibilidad na talo na ako?

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now