Chapter 64

114 13 0
                                    

Mika's POV

After 2 years and 5 months...

"Nanjan na po kayo mommy?"

"Yes, actually kakasakay lang naming sasakyan", sagot ni mommy ni Shawn.

"Baby how's them especially Baby Heaven?", singit ni Shawn.

"Hindi po ba kayo nahirapan kay Baby Heaven?", ani ko.

"Nako tulog buong byahe itong si Heaven", sagot ni mommy.

"Buti naman po at hindi kayo nahirapan mommy. Pasensya na po talaga ah at pinasabay pa namin sa inyo si Baby Heaven", hingi ko ng paumanhin.

"Nako Mika don't mind it. Okay lang yun"

"Susunod naman po kami next week pauwi", ani ko.

"Bukas din naman namin dadalhin si baby Heaven kina mama at papa mo", saad ni mommy.

"Ayy opo mommy, sinabi ko na naman po kina mama eh", sagot ko.

Medyo humaba pa ng ilang minuto ang usapan namin ni mommy bago ito magpaalam. Huminga ako ng malalim pagkatapos ng tawag.

"Are you okay?", tanong ni Shawn habang nagdadrive.

"Tama ba na pinauna natin si Heaven sa Pilipinas?", tanong ko.

"Namimiss mo agad si baby Heaven?", saad ni Shawn.

"Isa na din yun, pero mas inaalala ko ang mangyayari kay Heaven lalo na ngayon na nasa Pilipinas na siya", saad ko.

"Mika trust me okay. Akong bahala sayo at sa inyo ni Heaven. Diba uuwi tayo ng Pinas para ayusin ng kasal natin. At kung ano man yang iniisip mo hindi ko hahayaang mangyari yun okay?!", saad niya.

Nawala kahit papano ang pangamba na namuo sa akin. Huminto ang sasakyan dahil sa nagpula ang ilaw ng stop light.

"Baby..", sabay hawak niya sa kamay ko.

"Hindi ko hahayaan na maulit lahat ng nangyari sayo noon. Hindi ko hahayaan na maramdaman mo lahat yun ulit. Hindi ako mangangako pero gagawin ko lahat- lahat para sayo", saad niya sabay halik sa noo ko.

"Mahal kita, Mika... Mahal na mahal", dagdag pa niya.

Tanging ngiti nalang ang nasagot ko sa kaniya.

Ito na ba lahat ng kapalit nang mga paghihirap at sakit na dinanas ko noon?? Sobra- sobra pa ito...

Malapit ko nang harapin ang iniiwasan ko, mauuna nga lang si baby Heaven na harapin siya.

"Mama kayo ng bahala kay Heaven jan ah. Alam nyo na naman po ang gagawin ma", saad ko.

"Oo anak, wag mo ng isipin yun", sagot ni mama.

"Salamat po ma, maraming salamat", saad ko.

Kaya ko toh! Kakayanin ko toh...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt