Epilogue

227 23 5
                                    

A/N: Try to read this part with the song "The Day She Said Goodnight"

Renrem's POV

The church was filled of people who loves her so much. Mga taong simula una hanggang ngayon ay naging saksi kung gaano naging mabuting anak, kaibigan, kapamilya at tao si Mika.

I just can't look at her that straight, sobrang ganda niya parin simula nung unang beses ko siyang makita. Sobrang naging mabilis ang tibok ng puso ko noon, hindi naman kasi talaga ako naniniwala sa love at first sight eh tyaka sa slow motion daw kapag nakita mo yung taong parang sayo. But it was proven and tested by my own experience.

"Hoy kuya baka matunaw ako sa pagtitig mo jan ah sayang naman kagandahan ko HAHAHA joke", natatawa mong saad dahil napansin mong nakatitig ako sayo tyaka ka nagpeace sign sa akin.

Bagay sa kaniya ang white dress na suot niya even at her simple make up, hind niya kailangang maging magarbo para hangaan.

"Alam mo ganito lang po yan, aanhin mo yung ganda kung yung ugali mo naman po hindi naayon sa itsura mo, I mean panget yung ugali ganun. Okay na po yung simple basta may mabuting kalooban"

Seeing her now makes my eyes filled with tears, mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo.

I felt so guilty sa lahat ng nagawa ko noon sa kaniya. Alam ko na hindi sapat ang salitang patawad para sa mga kasalanang paulit ulit kong nagagawa sa kaniya, also to the pain that coast a lot.

"Hon, humingi ka man ng tawad o hindi, ibibigay ko parin ang kapatawaran na nararapat. Hindi ako Diyos para magtanim ng galit o sama ng loob. Handa akong patawarin ka ng paulit- ulit kasi mahal kaya kita", saad niya sabay halik sa pisngi ko at yakap sa akin.

Hindi niya ako deserve mahalin, hindi ako deserve ni Mika simula nung una palang.

"Hon ano kayang ganap kapag kinasal tayo? I want a simple wedding, yung family, relatives and friends lang yung invited. Simple but worth it", nakangiti niyang saad habang nakahiga sa braso ko.

"Para sa prinsesa ko dapat especial, kasi hon mas worth it at priceless yung mga ngiting makikita ko sayo that time", sabay halik ko sa noo niya.

You love all the simple things, that's why it makes you more special to me.

"Hon gusto ko yung bahay natin hindi masyadong malaki. Kasi aanhin natin yung malaking bahay kung hiwa- hiwalay naman tayo diba? Mas gugustuhin ko yung kahit maliit, yung bang sapat satin atleast nagkakasama- sama tayo"

You deserve more Mika, you deserve everything na ninanais ng lahat.

"Hon, I wish we can stay like this forever. Oo hindi tayo palaging magiging masaya pero sana hon pilitin nating ayusin even nasa worser part na tayo, piliin nating magstay sa relationship na binuo natin"

Sorry Mika, ako yung sumira sa relationship na pilit mong binubuo. Ako yung naging worser part mo at hinayaang kitang mapagod mag isa, hindi kita tinulungang ayusin at ilaban yung tayo. Sorry for letting you to be alone sa relationship na tayong dalawa mismo yung nagbuild.

"Mika do you take Shawn as your loving husband? In sickness and in health?"

"I do, father"

Dapat ako yun eh, dapat ako yung makakasama mo habang buhay, dapat ako yung katabi mo sa pagtulong at makikita mo sa pagdilat ng mga mata mo. Dapat ako siya eh...

Its been 1 year simula nung mangyari ang aksidenteng iyon.

Flashback:

"Doc gawin niyo po lahat i-save niyo po ang anak namin doc, parang awa niyo na", pagsusumamo ng mama ni Mika habang pinapanood namin sila kung paano irevive ang hininga ni Mika.

Unti- unti nang nagiging tuwid ang linya na sumisimbolo sa buhay ni Mika.

Please Lord! Hayaan mo na siyang mabuhay, hayaan mo naman siyang maging masaya ksa piling mga taong tunay na nagmamahal sa kaniya...

End of Flashback:

Akala namin tuluyan ka na niyang kukunin, pero sobrang lakas ng kapit mo sa kaniya Mika. At sa pangalawang buhay mo, hahayaan na kitang sumaya kahit hindi na sa piling ko.

"I now pronounced you husband and wife...", saad ng pari kasabay ng malalakas na palakpakan.

"You may now kiss the bride"

Tinaas niya ang belo na dapat ako ang gagawa. Hinalikan ka niya sa labi na ako ang unang gumawa pero siya na hanggang sa huli. Kinasal ka sa kaniya na dapat sa akin.

Gusto ko sanang sabihin sayo ang mga katagang...

"Let me hug you again, kiss you again, hold your hands and say how much I loved you. And for the last time hon, can I hold you again?"

Pero huli na, I can't even hold you again. Masaya kana sa kaniya and masaya ako para sayo kasi finally you found someone who can give you the loved, attention and care that I can't even give to you at the first place.

Sa susunod kong buhay, hahanapin at hahanapin kita para itama ulit lahat ng pagkakamali ko. Hahanapin kita at hinding- hindi na kita papakawalan pa. I will still loving you until my last breath.

At kapag nakita kita, I will hold you tight. I love you!



Wakas!

Can I Hold You Again? [Under Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora