Bloody Special Chapter

143 10 0
                                    

Triggered Warning: This chapter contains brutal scene and unpleasant action. Read at your own risk!






"Nasaan ako?" agad na tanong ko pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko.

Puting mga ilaw, puting pader, puting kumot at higaan. Agad akong napatingin at napahawak sa tyan ko.

"Ang baby ko? Nasaan ang baby ko? Nasaan si Renrem?!", malakas kong sigaw habang umiiyak at nagwawala.

Mabilis na nakapasok ang mga tao na nakasuot ng puting uniporme, mga nurse sila. Agad nila akong hinawakan at pilit na pinapakalma.

"Nasaan ang baby ko?"

"Saan niyo dinala ang anak ko? Mga hayop kayo!", malalakas na sigaw ko mula sa kanila pero tila hindi sila natitinag.

"Renremmmmmmmmmm!"

May pumasok na isang babae at nakasuot ito ng coat na pangdoctor.

"Sino ka?", takot kong tanong habang patuloy pa rin sa pagpalag.

"Kumalma ka, ligtas ka dito", mahinahon nitong sagot sa akin.

"Nasaan ang anak ko?", hagulgol ko dito.

"I'm sorry to say but wala na ang anak mo, nakunan ka. I'm sorry", mabilis na sagot nito na kinasira ng mundo ko.

"H-hindi, hindi totoo yan! Sinungaling ka!" sigaw ko at mas nilakasan ang pagwawala para makawala sa mga nakahawak sa akin.

"Si Renrem? Kailangan ko si Renrem!!!!!"

Alam kong nahihirapan na sila na hawakan ako kaya hindi ako tumitigil sa pagpalag.

"Doc..", senyas nung isang nurse na nakahawak sa mga paa ko.

Lumapit ang doctor sa isang lamesa at may kinuha na isang bote ng maliit na gamot at isang pangturok, nilagyan niya iyon ng gamot. Pagkatapos ay dahan- dahang naglakad patungo sa akin.

"Anong gagawin mo? Tigilan mo yan!"

"Mga walang hiya kayo, pakawalan niyo ako! Ilabas niyo ang anak ko", pagwawala ko.

Hinawakan ako nung doctor sa braso at mabilis na sinaksak sa braso ko ang pangturok. Ramdam ko ang pagsirit ng likido sa loob ng braso ko.

"Si Renrem... ang asawa ko. Ilabas niyo rin siya kasama ang anak ko", saad ko habang paunti- unting pumipikit ang mga mata ko.




Muli akong nagising sa parehong kwarto. Pinilit kong gumalaw pero tila may pumipigil sa mga kamay ko at nang tignan ko iyon ay nakita kong nakaposas ang dalawa kong kamay. Pinipilit kong kumawala sa posas.

"Tama na.." mahinahon na sambit ng kung sino.

Agad naman akong humarap sa gawi niya at namukhaan kung sino iyon.

"Anong ginagawa mo dito?", matalim na tanong ko sa kaniya.

"Masaya kana ba ha? Wala na ang anak ko, wala na si Renrem sa akin. MASAYA KABA BRENT?!" sigaw ko sa kaniya.

"Anak ko din yun Ella, dugo't laman ko din ang batang iyon. Sa tingin mo ba magiging masaya ako na alam kong wala na ang anak ko dahil sa kapabayaan mo", sigaw nito sa akin pabalik.

"Hindi ako ang may kasalanan, sila ang may kasalanan kung bakit nawala ang baby ko", umiiyak kong sambit habang nakatingin sa bandang paanan ko at nilalaro ang daliri ko.

"Dapat mawala din sila, dapat hindi rin sila maging masaya, dapat magdusa sila", hagulgol ko sabay tawa ng malakas.

"Dapat mamatay sila", tawa ko sabay tingin kay Brent at mas tumawa ng malakas.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now