Chapter 90

131 19 0
                                    

Mika's POV

"Pabukas naman ng pinto, nak", saad ni papa.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin sina tita Tina at ang iba pa.

"Mamiiiiiii", salubong sakin ni Heaven habang tumatakbo papalapit.

"Hello baby", saad ko sabay yakap sa anak ko.

"Oh may mga bisita pala tayo eh", saad ni mama sabay lapit kina tita Tina.

"Dumalaw lang kami at sinamahan itong si Renrem", saad ng papa ni Renrem.

Ahh nandito sila para kay Heaven...

"Kumain na ba kayo? Dito na kayo maglunch at magluluto ako", suhestyon ni mama.

"Tulungan na kita", saad ni tita Tina.

"Ayy bet ko iyan", sagot ni mama sabay nagtungo sila ni tita Tina sa kusina dala ang ilang napamili namin.

Habang sina papa at papa nina Renrem at Jay ay nagtungo sa likod bahay upang mag usap ng mga bagay bagay.

Lumapit sakin si Shawn sabay hapit sa bewang ko at halik sa labi ko. Napansin ko din ang pag iwas ng tingin ni Renrem sa pwesto namin.

"Kamusta ang naging lakad niyo?", tanong nito sabay alalay sakin maupo.

"Nakakapagod but okay naman", medyo ilang kong sagot.

Feeling ko nasa hot tense sila nung dumating kami eh...

"Baby have you already eaten?", tanong ko kay Heaven.

"Yesh mami dadii cook for me", nakangiting saad ni Heaven.

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Renrem.

I know na siya dapat ang gumagawa nun para kay Heaven and alam ko din na kaya sila nandito para alamin ang usapan tungkol sa anak niya...

"Baby go with lola watch them to cook our lunch, is that okay with you?", saad ko.

Agad na nagnod si Heaven tyaka humalik sa pisngi namin ni Shawn sabay alis.

"Mika/Baby", sabay na tugon nina Renrem at Shawn.

Kesa sagutan pa silang dalawa dapat nakong mag umpisa sa tunay na pakay nina Renrem dito.

"Hmm about Heaven..", pagsisimula ko.

"Renrem sorry to say but hindi ko muna maamin  sa kaniya yung totoo, napaka bata pa niya too understand things at ayokong maguluhan ng lubos ang anak ko", dagdag ko.

Malalim ang naging buntong hininga niya bago nakasagot.

"Its fine I'll understand it", sagot niya kasabay ng pekeng ngiti.

I'm so sorry!

"Pero sana hayaan niyo akong makasama si Heaven para makabawi paunti- unti lalo na sa darating na kaarawan nito", pagmamakaawa nito.

"We've already settle everythingabout that, diba baby?", singit ni Shawn.

"Pero gusto naming tumulong ate Mika", singit ni Aira.

"Please Mika hayaan mo akong kahit dito manlang umpisahan ang pagiging ama sa kaniya", ani Renrem.

I have no choice kailangan nga niya yun...

"Okay sige...", sagad ko na agad tinutulan ni Shawn.

"Baby we've already plan it", saad ni Shawn.

"Kahit sa food nalang Shawn. Ipacancel na natin yung sa french chef. Madali lang naman oag aralan yung mga pagkaing iyon eh kaya na namin yun nina mama at tita", saad ko.

"But Mika...", pigil ni Shawn.

"Please Shawn, let me handle this. Pag aaralan namin yun, may ilang days pa kami for that. Please!", sabay hawak ko sa dalawang kamay ni Shawn.

"Okay fine", saad nito sabay hawak sa kamay ko.

I don't know if effective ba itong mga plano at hakbang na gagawin ko just to let Heaven adjust slowly.

Sana kung dadating yung panahon na malaman niya lahat, sana mantindihan ako ng anak ko, sana maunawaan niya kung bakit ko nagawa yung ganung bagay. Alam ko hindi agad ganung makakapag adjust si Heaven but still I'm hoping na humupa agad yung galit niya sakin kahit na ang bata pa niya.

Anak, mahal kalang ni mommy kaya niya nagawa yun. Ayaw ko lang na maranasan mo yung mga sakit na naramdaman ko noon. I love you Heaven, you are my world and life now...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now