Chapter 38

135 15 0
                                    

Mika's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at nag aayos ng mga gamit para kay baby.

"Shockss pano ba toh ikabit? Asan na ba yung bag?", ani ko habang pinapasok isa- isa ang mga damit.

Nakita ko sa taas ng cabinet ang bag kaya umakyat ako sa upuan para abutin yun. Nang biglang gumalaw ang upuan at...

"Ayos kalang?", tanong ni Shawn na ngayon ay buhat- buhat ako.

Mabilis syang nakapasok sa kwarto ko dahil nakabukas yun at saktong nasalo nya ako bago ako mahulog tuluyan.

Kinabahan ako...

"T- thank you", ani ko.

Binaba nya akong dahan- dahan sa kama.

"You need to be careful Mika. If may kukuhanin ka or bubuhatin na mabibigat just call someone to help you. Baka napano kana kung hindi ako dumatint agad", saad nito.

"Salamat, Shawn", saad ko habang hinihimas ang tyan ko.

Hinawakan nya ang kamay ko na nasa tyan ko.

"Ayokong may mangyare sayo lalo na sa baby mo. Pwede mo akong tawagin anytime", malambing nitong saad.

Inilapit nya ang ulo nya sa tyan ko na tila pinapakinggan ang bawat galaw ng baby ko at hinimas iyon ang tyan ko.

"Baby chill ka lang jan ah, okay na si mommy mo. Don't worry I'm here for you and ofcourse for you mommy", saad nya, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Biglang sumipa ang baby ko at pareho naming naramdaman ni Shawn yun. At napangiti kami.

"Yeahh she probably agree with me", nakangiting saad nya.

"Mukha nga hahaha, by the way kumain kana ba?", tanong ko.

"I'm fine, Mika. Ikaw ba kumain kana? Ipagluluto kita, anong gusto mo?", concern nyang tanong.

Hindi ko maiwasang hindi isipin si Renrem, ganyan din kaya ang gagawin nya sakin. Ituturing parin kaya nya akong prinsesa katulad nun? Ang dami kong concern about sa kanya pero samantalang sya hindi ko alam if iniisip nya ako.

"Heyy are you okay?", tanong ni Shawn.

"Hmm oo kumain nako kasabay nina Chy at Levie bayo kami umuwi galing mall", saad ko.

"May check up ka bukas diba?", tanong nya.

Oo nga pala?! Kabisado nya sched ko haisst!

"Yhup meron", sagot ko.

"Pwede kitang samahan if okay lang sayo"

"Nako Shawn wag na alam kong busy ka din sa hospital, tyaka madali lang naman yun. I can handle myself", sagot ko.

Hinawakan nya ako sa balikat ko.

"Please Mika hayaan mo akong samahan kita at paglingkuran. Gusto ko alam ko na ayos ka at ang baby mo. You know how much I love you and I care for you", sincere nyang saad.

Sorry, pero hindi ko kayang suklian sa ngayon ang pagmamahal na binibigay mo...

"I know you can't love me back now, but Mika I can wait until you heal. Handa akong magpaka- ama at tanggapin ng buo ang anak mo", dagdag nito.

"Thank you kasi palagi kang nanjan para sakin at sa anak ko. I appreciate it all and di ko alam kung paano ako babawi sayo sa lahat", saad ko.

"You don't need, ginawa ko yun ng tao sa loob at walang hinihintay na kapalit"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Palaging nanjan para sakin si Shawn, isang tawag ko lang sa kanya dumadating agad sya kahit na may trabaho sya as a doctor. Sinasamahan nya ako sa lahat, inaalagaan at higit sa lahat mahal na mahal nya ako.

Yung bagay na una kong naramdaman kay Renrem, nararamdaman ko kay Shawn. Kaya nakakatakot sumugal ulit na baka at the end mawala din yun at magbago kagaya ng nangyare samin ni Renrem.

Gusto kong bigyan ng chance si Shawn at gusto ko ding maranasan ulit ang mahalin pero pano kapag naulit? Pano kapag umasa ulit ako? Pano kung masaktan lang ako?

Yun ba talaga ang dahilan ko o baka nakakulong padin ako sa pagmamahal ko kay Renrem?! Kung sya parin ba after all? Pano kapag nagkita ulit kami after a years, masasabi ko bang nakamove on nako?

Whaaaaaa Mika too much of thinking tama na baka mastress ka damay baby mo...

"It's late na, you better sleep. Kukuha muna akong gatas mo para makainom kana at makatulog. I'll be back", sabay halik nya sa noo ko, sanay nako dun at alis.

Sana matutunan ko din na mahalin ka, Shawn at kalimutan ng tuluyan si Renrem. Sana...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon