Chapter 30

130 21 0
                                    

Someone's POV

10:27 pm at unti- unti nang nauubos ang tao sa resto kung nasaan si Mika pero wala paring Renrem na dumadating. Pabalik- balik syang tumitingin sa cellphone nya at umaasang may matatanggap na text mula rito, nang may biglang lumapit sa kanya.

"Hmm miss magsasara na kasi kami eh, may hinihintay ka pa ba?", tanong ng isang tauhan ng resto.

Agad na tumayo si Mika at kinuha ang mga gamit nya.

"Pasensya na kuya, aalis na po. Salamat", saad nya.

"Sige po miss", saad nung lalaki sabay lagpit ng lamesa.

Lumabas si Mika ng resto at naghintay pa dun, nang biglang bumuhos ang ulan. Tumawid sya para pumunta sa waiting shed sa kabilang daan. Para syang basang sisiw ng makarating sa waiting sa shed. Kahit na nandun na sya ay nababasa parin sya.

Lumipas ang ilang minuto, 10:49 pm. Nanginginig na sa lameg ang buo nyang katawan pero nanatili syang naghihintay kay Renrem. Medyo humina na din ang ulan at naging ambon nalang, napagpasyahan nyang maglakad para makahanap ng masasakyan. Nahihilo na sya at sobrang nilalamig, sinisinat na sya. Delikado para sa kanya lalo na sa baby. Hindi nya namalayan na sa paglalakad nya ay bumubuhos nadin ng mga luha nya.

Nangako si Renrem sa kanya na babalik ito. Akala nya ito na ang simula ng pagbabago ng takbo ng kanilang relasyon. Akala nya magsisimula ulit sila, akala lang pala nya lahat ng iyon.

Ilang kanto na ang nadaanan nya pero wala paring sasakyan na pwedeng sakyan. Naisip nyang tawagan si Chy at Levie, puro ring ang naririnig nya. Marahil nasa kasarapan ng tulog ang dalawa. Patuloy sya sa paglalakad, nang may matanaw na pamilyar na sasakyan. Tumawid sya para kumpirmahin kung kay Renrem bang sasakyan yun. Naka parada ito sa isang parking lot ng hotel. Nilapitan nya iyon, kasabay ng pagbuhos ng luha nya ang muling malakas na pagbuhos ng ulan.

"Ughh shitt Renrem ang sa-rap nyaaaan ahhhh", ungol na narinig nya mula sa loob ng sasakyan.

"Shit Jane", ungol ni Renrem.

Napatakip ng bibig si Mika kasabay ng mabilis n paglayo roon at pagbuhos ng luha. Nang makalayo ay kusang nanlambot ang mga tuhod nya at napasandal sa isang pader.

Oras na para sumuko, oras na para bumitaw. Hindi sapat ang salitang mahal kita para magstay sa taong hindi kayang patunayan yun. Tama na, tapos na.

Biglang tumunog ang cellphone ni Mika, kinuha nya iyon ng nanginginig tyaka sinagot ang tawag kahit umiiyak.

"H-hello", sagot nya.

"Sorry diko nasagot agad. Bakit?", tanong ni Chy.

"Pwe-de mo ba akong sunduin?", saad nya.

"Ha?! Gabing- gabi na nasa lansangan ka pa! Baka mapano ka nyan at ang baby mo. Nako naman Mika di ka nag iingat eh. Anong or--"

"Please Chy!", nagsusumamong putol ni Mika sa sinabi ni Chy.

Napahinto ng ilang saglit si Chy bago sumagot.

"Okay. Text mo sakin yung address kung nasan ka", saad ni Chy.

"Salamat"

"Pababa nako. Mag iingat ka jan"

"Oo. Bye", sabay patay ni Mika ng tawag.

Makalipas ng isang oras ay nakadating na si Chy.

"Jusmeee Mika basang- basa ka", sabay payong dito at bigay ng jacket tyaka alalay papuntang kotse.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon