Chapter 23

123 25 0
                                    

Renrem's POV

8:36 pm

Hindi parin umuuwi si Mika, nandito ako sa labas ng bahay at inaabangan ang pag- uwi nya. Naiinis ako dahil hindi manlang nya nagawang tumawag manlang o sumagot sa mga text at tawag ko.

"kuya Renrem pumasok kana daw muna tyaka kumain", saad ni Aira na kakalabas lang mula sa bahay.

"mamaya na hinihintay ko pa si Mika", seryoso kong saad.

"sige ikaw baha--"

Hindi natapos ang sasabihin Aira nang may biglang parating na sasakyan. Huminto yun malapit sa bahay namin. At bumaba mula roon ang isang lalaki tyaka pumunta sa kabilang pinto ng SUV at pinagbuksan nya ng pinto...

si Mika!

Naglakad ako papalapit sa kanila pero napahinto ako ng yakapin sya ng lalaki tyaka pumasok sa sasakyan. Nakatayo lang si Mika at tila hinhintay ang pag- alis nun. Mabilis akong naglakad papunta kay Mika tyaka hinawakan sya sa braso.

"Bakit ngayon kalang? Sino yung lalaki na yun?", galit kong saad tyaka sya kinaladkad papasok sa bahay.

"ahh nasasaktan ako", daing nito.

"talagang masasaktan ka sakin"

"kuya Ren tama na yan, nasasaktan si ate Mika", pigil sakin ni Aira.

Nang makapasok kami sa loob ay tinulak ko sya sa sofa.

"Renrem ano ba yan?!", suway ni Papa.

"san ka galing? Uwi ba ng matinong babae yan? At may kasama ka pa talagang lalaki", galit kong saad.

"hindi ko lalaki yun. Kaibigan namin yun", paliwanag nya na di ko pinaniwalaan.

"Kaibigan?! tssk Mika hindi mo ako maloloko. Kaibigan tapos ano niyakap ka", naiinis nako.

"Renrem maniwala ka naman kay Mika", awat ni Tita tyaka lumapit kay Mika.

"Kitang- kita nang dalawang mata ko kung pano sya niyakap ng lalaking yun", sabay hawak ko ulit sa braso nya kaya napatayo sya.

"Tama na yan ano ba?!", sigaw ni Papa.

"kaya ba hindi mo ako sinabihan, kaya ba hindi ka manlang nagpaalam sakin, kaya ba hindi ka manlang sumasagot sa mga tawag at text ko?! Dahil busy ka sa lalaki mo ha", dalawang braso na nya ang hawak ko at napapangiwi na sya sa sakit.

Pero galit ako, hindi ko magawang maawa sa kanya ngayon. Niloloko nya ba ako?!

"sumagot ka Mika, sumagot ka!", sigaw ko sa mukha nya.

"s-sana nga ginising nalang ki-ta. Para na-kita mo", nanginginig ang boses nya.

"sana nandun ka pa--", hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil napahawak sya sa pisngi nya.

Sa galit ko at inis ay nasampal ko sya at napa- upo sa sofa.

"Renrem...", sabay lapit nila sa kanya.

"gago kaba!", sinuntok ako ni Papa sa mukha.

"hindi kita pinalaki para manakit ng babae. Napaka wala mong kwenta", saad ni Papa habang pinipigilan sya nina Paolo at Jay.

Napa-upo din ako at napahawak sa panga ko, wala akong natamong sugat o dugo manlang sa akin.

Inalalayan nila si Mika. Kita ko sya habang hinahawi nila ang buhok nito na nakaharang sa mukha nya. Nakita ko rin ang pagdugo ng gilid ng labi nya na agad naman nyang pinunasan. Agad akong nakaramdam ng guilty, unang beses ko syang napagsalitaan ng ganun at nasaktan ng pisikal.

Agad akong tumayo para makalapit sa kanya pero hinarangan ako ni Jay.

"tama na tigilan mo na si Mika", seryoso nitong saad sa mukha ko.

Tinulak ko sya ng ilang beses hanggang sa makalapit ako kay Mika. Hinawakan ko sya pisngi.

"h-hon patawarin mo ko di ko sinasadyang saktan ka. Nadala lang ako ng galit at selos, hon patawarin mo ko. Mahal na mahal kita hon", saad ko tyaka sya niyakap.

"A-yos lang naiintindi-han kita", mahina nyang saad.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya tyaka tumingin sa mata nya. Ngumiti sya sakin, simpleng ngiti na lalong nagpadurog sa puso ko. Bakit kailangan nyang ngumiti kahit na nasaktan ko sya?! Bakit kailangan nyang maging ganito sakin after lahat ng ginawa ko sa kanya?!

"hon...", saad ko habang hawak ang kamay nya.

"sorry patawarin mo ako", dugtong ko.

"a-ayos lang ako hon", naka ngiti parin nyang saad.

"Mika...", saad ni Papa na nasa likod nya.

"may sugat ka tyaka pasa, pano naging ayos yun", inis na sabi ni Jay.

"ma-liit lang po tong sugat ma-layo sa b-bituka", sabay pahid nya sa labi nya at ngiti.

Hon hindi kailangang magpretend na ayos ka kahit na alam mong nasaktan kita...

"hon magalit ka sakin, sampalin mo ako, saktan mo ako hon", saad ko.

Kita ko ang pamumula nang braso nya at pamamaga noon. Pati narin ang sugat sa labi nya.

"hindi ko naman kailangang gawin yun eh", nakangiti nyang sabi.

Fuck Mika!

"h-hon...", basag na ang boses ko.

Bigla nya akong niyakap at sinandal ang ulo nya sa balikat ko.

"hin-ding hindi kita s-sasaktan kasi pangako ko yun sa-yo", sabay halik nya sa pisngi ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"pagod nako hon. Gus-to ko ng m-magpahinga", bulong nya.

Hindi ko alam pero nag double meaning ako sa sinabi nya na dahilan para lalo akong masaktan. Pero mas pinili kong gawin ang literal na gusti nyang sabihin.

"Okay hon. Magpapahinga kana", sabay buhat ko sa kanya patayo.

Nakatingin sila samin at tila ba nasasaktan para kay Mika. Nakarating na kami sa kwarto, at naramdaman ko ang pagkabasa ng batok ko. Binaba ko si Mika sa kama at hinayaang matulog. Hinawakan ko ang pisnge nya at naramdamang basa yun.

Umiyak ba sya?! Shit Mika...

Can I Hold You Again? [Under Editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora