Chapter 83

108 16 0
                                    

Mika's POV

Nakasubsob ako sa dalawang tuhod ko habang nag iisip ng aking dapat gawin. Nang biglang may humawak sa balikat ko dahilan para mapatingala ako.

"C-chy..", saad ko.

Naupo siya sa tabi ko at tahimik lamang. Ilang minuto pa ang tinagal ng pagiging tahimik namin.

"Bakit ba ako nagkaron ng kaibigan na tanga", sabay buntong hininga niya.

Hindi ako nagsalita para alamin ang pinagmumulan niya. Tumingin siya sa akin habang ako ay nakatingin sa mga paa ko.

"Ano masarap ba ha?", tanong niya na mahina pero may diin.

Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Nagpakatanga ka ulit sa kaniya, hinayaan mo na naman yung sarili mo na masaktan", saad niya kasabay ng paghawak niya sa dalawang balikat ko para humarap sa kaniya.

Alam niya na may nangyari samin?

"Oo alam ko, narinig ko", saad niya na tila sinagot ang katanungan sa utak ko.

Nahihiya ako, sobra

Binitawan niya ako kasabay ng pag agos muli ng mga luha ko. Agad naman niya akong niyakap.

"Chy hindi ko nakontrol yung sarili ko, naging manhid ako. Pinilit kong umiwas, tinulak ko siya, pinigilan ko siya pero kas--".

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan niya ako.

"Kasi mahal mo pa siya", saad niya.

Hindi, hindi ko na siya mahal

"Hindi na Chy, hinding- hindi na ulit", may diin kong saad.

"May utang kang thank you sa akin", saad niya sabay bitaw sa yakap.

"Huh?", lito kong tanong.

"Ako ang nagsilbing look out mo sa labas, kung di dahil sakin nahuli na kayo ni Renrem", paliwanag niya sabay bato ng maliliit na bato sa dagat.

"Thank you so much Chy...", umiiyak kong saad.

"Anong plano mo? Nagrinig ko sila na nag uusap kanina at naghihinala na si Renrem na siya ang ama ni Heaven", paliwanag niya.

Wala akong maisip, gulong- gulo padin ako hanggang ngayon

"Lumalamig na, tara na pumasok", inalalayan niya ako tumayo.

Hindi agad ako nakatayo dahil sa sobrang sakit sa ibabang bahagi ko. Inalalayan niya ako maglakad papunta sa cabin. Nang makarating kami sa cabin at makapasok ay saktong nandun na silang lahat. Napatingin ako sa gawi ni Renrem na hanggang ngayon ay tulog padin.

Sana wala siyang maalala pag gising niya bukas...

"Oh anyare sayo Mika, bakit iika-ika?", puna sakin ni Ice.

"Ae natalisod kasi siya sa bato hindi niya napansin kaya ayan", palusot ni Chy para sakin.

"Gamutin mo yan o kaya hilutin", saad ni Jay.

"Nope hindi na ayos lang toh ipahinga", saad ko sabay upo sa kama ko.


Kinabukasan...

Nagising ako sa isang boses sa loob ng cabin, dahan- dahan kong minulat ang mga mata ko. Ako nalang nasa loob ng cabin tyaka ang isang babae.

Si Ella...

Tila may kausap siya sa cellphone at gigil.

"Pwede ba tigilan mo na ako, binigyan na kita ng pera just to shut your mouth", mahina pero gigil niyang saad.

"The hell! Si Renrem ang ama ng baby ko at hindi ikaw. Don't you dare na makalapit- lapit sakin especially to Renrem", saad ni Ella.

Si Renrem naman talaga ang tatay ng anak niya ah, or...

"Siya ang aako ng anak ko at papakasalan niya ako"

Aako? So hindi si Renrem ang ama ng bata!

"Stay away from me and from us!", sigaw niya sabay patay nung cellphone.

Nagkunwarian akong natutulog ng naglakad siya paalis at padaan sa pwesto ko. Tumingin muna siya at tumitig sinisigurado na mahimbing akong natutulog. Nang makasigurado ay agad itong lumabas ng cabin.

Sinungaling siya!

Kailangan ko yung sabihin kay Renrem para makaiwas siya at mabalaan na din siya.

Pero paano? Kung nakapaligid palagi sa kaniya si Ella?!

Agad akong bumangon at naligo. I'm just wearing a white sando and a maong shorts. Tinali ko din ang buhok ko in a bun and side some of my short hair and last but not the least, the powder and red tint lipgloss.

Nan finally matapos ako ay agad akong lumabas ng cabin at hinanap sina Chy and Levi. Unang nahagip ng mata ko si Renrem na naliligo sa dagat, he's wearing a beach short and topless.

He's totally hot!

"Sh*t Mika erase, erase that fvcking thought of yours", saad ko sa sarili ko sabay lakad na ulit patungo kina Chy at Levi.

"Tanghali kana nagising ah", puna ni Levi.

"Pagod kasi yan", walang emosyong saad ni Chy.

"Huh? Napagod saan?", takang tanong ni Levi.

"Napagod sa pag iisip kay Shawn at Levi, diba Mika?", saad ni Chy sabay tingin sakin.

Nagdodouble meaning ako grrrr...

"Oum", pagsang ayon ko abay sabay kuha ng pagkain.

Muling natanaw ng mgamata ko sina Renrem at Ella. They're look so happy both.

Sasabihin ko ba kay Renrem yung totoo? Pero
masaya naman siya eh guguluhin ko pa ba?

"Haist", buntong hininga ko.

"Hey are you okay?", puna ni Levi.

"Gusto ko na makauwi agad", saad ko sabay hawak sa noo ko.

"Nako miss mo lang si Shawn eh", biro ni Levi.

Si Shaw nga pala, I forgot him...

Dali- dali kong chineck ang phone ko at I have a lot of missed call and text from Shawn, mama and mommy.

"Oyy", tawag sakin ni Chy.

"Puro missed call at text sina mama, Shawn at mommy", alala kong saad sabay pakita ng screen ng cp ko.

What happened to them?

Bigla akong nakadama ng kaba something in my chest.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now