Chapter 99

159 19 0
                                    

Renrem's POV

"What happen to Shawn and Mika?", nagpa- panic at gulantang na tanong ng mommy ni Shawn nang makita sa labas ng emergency room.

"Naka usap na namin ang mga pulis na rumesponde sa lugar kanina", mahinanong saad ng papa ni Mika habang nakayakap sa mama ni Mika na umiiyak.

"Then what?", kalmado ring tanong ng daddy ni Shawn.

"Sinadya ang pagbunggo sa sinasakyan nila hanggang sa mahulog ito sa bangin. May nakitang taxi doon na may nakasaya na babae at duguan din ito, hinihinala nilang ito ang may pakana sa pagbunggo sa dalawa", paliwanag ng papa ni Mika.

Matapos kasi nung pagtawag sa akin ni Mika ay agad kong tinawagan ang parents nito at pagkalipas ng ilang oras ay nakatanggap sila ng tawag sa mga nagpakilalang pulis. Agad kaming nagtungo sa lugar na iyon at nakita ang dalawang sasakyan na inaangat ng mga pulisya habang sina Mika ay sinasakay sa ambulasya.

Marami ang naging sugat at pasa ni Mika, nagpalala pa rito ang nakatusok na bubog sa may bandang balikat nito malapit sa puso. Habang si Shawn ay nagkaroon ng tama sa may noo nito. Si Ella naman ay dinugo at nagtamo ng mga mabababaw na sugat at pasa sa katawan.

"Walang hiya talaga yang Ella na iyan", gigil na saad ni papa.

"D-doc kamusta po sila?", tanong ng mama ni Mika nang makitang palabas ang doktor na tumingin kina Mika at Shawn.

"Minor injury lang ang tinamo ng lalaking pasyente at hindi na kailangang operahan pa, pero magka-conduct padin kami ng ibang test just to sure na ayos na talaga siya", paliwanag ng doktor na nagpa kalma sa parents ni Shawn.

"Jusko! Salamat naman kung ganun", kalmadong sambit ng mommy ni Shawn.

"Doc, yung babae po kamusta?", tanong ng papa ni Mika.

"May tama ang pasyente sa tuhod na may kalaliman, ngunit mas malala ang naging tama nito sa balikat na malapit sa kaniyang puso at naging sanhi upang tamaan ang ilang ugat niya at maraming dugo ang nawala mula sa pasyente. Unconscious padin siya hanggang ngayon at hindi ko masasabi kung kailan siya magigising", saad ng doktor na nagpabagsak sa mundo naming lahat.

"Ang nasa itaas nalang ang makakapagligtas sa kaniya", dagdag pa nito.

Jusko! Napabuting tao ni Mika bakit kailangan pang sa kaniya ito mangyari?!

Pumasok silang lahat sa loob maliban sa akin. Hindi ko kayang makita na nasa ganung kalagayan si Mika. Mahina na kung mahina pero hindi kaya ng kalooban ko.

Napasandal ako sa may pader tyaka dahan- dahang napa- upo, hindi ko namamalayan na humahagulgol na pala ako.

"Lord, pwedeng ako nalang, please. Wag na si Mika, wala naman siyang ginawang masama sa kahit na sino. Lord ako nalang, sobrang dami kong naging kasalanan sa kaniya, sa inyo"

Nakadukdok ako sa dalawang tuhod ko habang magkahawak ang dalawang kamay at magkalapit ang mga palad na tila nagdadasal.

"Hindi ito deserve ni Mika, hindi niya deserve mahirapan at masaktan", hagulgol ko.

Wala na akong pakialam sa mga taong dumadaan at nakatingin sa akin. Makita nila akong umiiyak, ayos lang. Pagtawanan nila ako kasi ang hina ko, wala akong pakialam. Walang halaga sa akin ang iisipin ng lahat dahil si Mika lang ang tanging iniisip ko.

Mika lumaban ka pakiusap! Kahit sa huling pagkakataon lumaban ka para sa sarili mo...

Kasabay ng paghikbi ko ang naririnig kong iyakan nila sa loob.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now