Chapter 57

121 12 0
                                    

Renrem's POV

Its been 2 months past, and everything will be easy and good for me. Mas lalo akong napalapit kay Ella without noticing it before. Palagi kaming sabay kumakain, palagi ko syang hinahatid sunod mula sa apartment niya. Nameet na din niya ang family ko na never ko pang ginawa sa iba kong secretary.

Yahh, Ella was so different from them...

Akala nga ng lahat ay may something saming dalawa, lalo na sa office namin.

"Malapit na ba tayo?", tanong ni Ella na nasa passenger seat.

"Malapit na don't be impatient hahaha", biro ko.

Papunta kasi kami ngayon sa church. Its been one year and a months since yung last na punta ko dito. Pero nakabalik nako last last week at ngayoj ay isasama ko si Ella.

"We're here", saad ko habang papasok kami sa ground ng church.

"Ang lawak at ang laki pala dito", aniya.

"Private school kasi toh that's why malaki ang area", explain ko.

Pinatay ko ang makina ng sasakyan at bumaba. Agad akong nagtungo sa kabilang pintuan para pagbuksan siya at alalayan.

"Thank you", saad niya at nginitian ko sya bilang tugon.

Naglakad kami patungo sa mismong church, ay nakasalubong namin ang pinsan kong si Aira.

"Nandun na sila papa?", tanong ko at tango lamang ang tinugon niya sabay lakad ulit.

Hindi na kasi katulad ng dati ang samin ni Aira ever since nung nangyari na yun. Naging malayo ang loob sakin ni Aira, oo nakakapanibago but still ginawa ko naman lahat just to tame her. Pero malaki talaga ang galit niya sakin, hindi ko alam kung bakit o sa anong dahilan maliban nalang sa niloko ko sa Mika. Lahat sila nakamove on na pero siya hindi pa.

"Sino yun?", tanong sakin ni Ella.

"She's my cousin, Aira", tipid kong sagot.

"Is she in bad mood or both of you are not in good?", aniya.

"Maybe both", saad ko.

Nagtaas balikat nalang siya. Naging tahimik kami simula ng makapasok sa church.

Nang matapos ng service ay isa-isang nagsilabas ang mga tao. At sa paglabas na iyon ay nakita ko ang mga taong naging parte narin ng buhay ko. Kausap nina Papa, tita at tito ang mga magulang at kapatid ni Mika.

Wala parin silang pinagbago kahit kailan...

Dahil nandun sila ay wala nakong nagawa kundi lumapit na rin sa kinaroroonan nila kasama si Ella.

"Wala bang balita sa kaniya?", narinig kong saad ni Papa.

I know he referring to Mika...

"She was in good hand now", nakangiting saad ng mama ni Mika.

"May boyfriend na ba siya sa America?", tanong ni tita.

Ayokong makinig sa kanila but still I want to know her situation in States...

"She had a fiance", saad ng papa ni Mika.

Well! Nauna pa siya sakin...

"Oh nanjan ka pala", turo sakin ni Jay.

Alam kong nananadya lang toh kasi kanina pa niya ako nakikita.

"Renrem..", puna ng mama ni Mika.

"Hmm Ma-tita, tito hello po"

Muntik nakong madulas sa sasabihin ko, shit!

"May kasama kang binibini", saad ng papa ni Mika.

"Girlfriend mo?", tanong ng mama ni Mika.

"Nako hindi po heheheh", pagtutol ni Ella.

"Secretary po ako ni sir Renrem", dugtong niya.

A mini pain?!

"Ahh nice to meet you iha", bati sa kaniya ng mama ni Mika.

"Ma, pa?", saad ni Renz na kakadating lang kasama si Aira.

"Oh bakit?", saad ng mama ni Mika.

"Tumawag si ate kanina ara mangamusta", saad nito.

Bakit parang na-excite ako? Shit Mika!

"Asan na?", tanong ng papa ni Mika.

"Binaba din agad ni ate kasi nasa church din sila", sagot ni Renz.

"Kelan ba balak umuwi ni Mika dito?", tanong ni Tita.

"Kami man ay gusto na namin siyang umuwi, pero wala kaming magawa", sagot ng mama ni Mika.

Masakit padin ba o dahil may bago na siya kaya di siya bumabalik?

Hindi na naman ako mang- gugulo, she have her own now hahayan ko na siyang maging masaya.

Pero anong gagawin ko kapag nagkita kami? Anong magiging reaksyon ko?

Haissst mahirap din pala!

Can I Hold You Again? [Under Editing]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang