Chapter 84

99 16 0
                                    

Renrem's POV

Madaling madali na pumasok si Mika sa loob ng ospital at agad na tinungo ang front desk upang hanapin kung nasaan ang silid ni Heaven.
Nang makausap niya ang isang nurse at malaman ang kwarto ni Heaven ay agad naman itong tumakbo patungo roon. Habang kami ay nakasunod lamang sa kaniya. Kasabay ng pagtakbo niya ang pagbuhos din ng luha niya.

After niya kasing makatanggap ng tawag mula kay Shawn ay nalaman nito na sinugod si Heaven sa ospital.

"Hello ma"

"Umuwi kana muna anak"

"Huh? Bakit? May nangyare ba?"

"Si Heaven sinugod namin sa ospital"

Biglang nanlambot ang tuhod ni Mika at napa upo sa kama.

"Anong nangyare ma? Papunta nako jan"

"Hihintayin ka namin dito"

Hindi pa namin nalaman ang dahilan kaya't heto kami kasama ni Mika dito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at kaba ng malamang nasa ospital si Heaven. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon at hindi ako mapakali.

Pumasok si Mika sa isang kwarto at napahinto nalang kami sa pinto ng kwarto.

"Ma anong nangyare kay Heaven?", umiiyak na tanong ni Mika habang nakahawak sa kamay ni Heaven.

"Anak pasensya na", umiiyak na sagot ng mama ni Mika.

"Heaven anak, nandito na si mommy okay? Have a rest sweetie", saad ni Mika habang hinihimas ang buhok ni Heaven.

"Habang naghahanda kami ng mama mo para sana sa lunch hindi namin napansin na umakyat si Heaven para abutin yung lalagyanan ng cupcake, at nahulog siya", saad ng mama ni Shawn.

Gusto kong magalit sa hindi mawaring dahilan...

"Anong sabi ng doctor?", tanong ni Mika.

"She needs a blood transfusion, masyado daw mataas ang pinaglaglagan niya at tumama ang ulo niya", saad ng mama ni Shawn.

Biglang rumagasa muli ang mga luha sa mata ni Mika. I want to hug her pero wala akong magawa.

I'm sorry, Mika...

"W-where's Shawn?", tanong nito.

"On the way na daw sila iha", sagot ng mama ni Shawn.

Napalitan ng lungkot ang inis na naramdaman ko...

"Anak bibili muna kami ng makaka kain sa baba", saad ng mama ni Mika tyaka lumabas kasama ang mama ni Shawn.

Nang makalabas sila ay napansin kong ako at si Mika nalang pala ang natitira sa kwarto.

Napatingin ako sa kaniya at naalala ang nangyare nung gabing kasama ko siya. Oo lasing ako that time pero hindi pa nadadala ng ala ang pag iisip ko. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya pero hindi pa ngayon ang oras para dun.

Kusang lumapit ang sarili ko sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.

"Gagaling din siya, pangako", wala sa sarili kong saad.

Nabigla ako ng niyakap ang Mika tyaka patuloy na umiyak.

"Hindi ko siya da-pat hinayaang mag isa, dapat nasa tabi lang niya ako", umiiyak niyang saad.

Niyakap ko siya pabalik bilang tugon sa kaniya.

"Wala kang kasalanan okay? Aksidente yun at walang may gusto", saad sabay himas sa buhok niya.

"Sorry naging pabaya akong ina"

Her words give me a mini heart ache. Is she saying sorry to me for a reason, or I just assume?

"Don's say sorry, everything will be okay. Si Shawn ang kailangan niya for the blood transfusion then Heaven needs a rest for while tapos okay na siya ulit", pagko-comfort kk na lalong naging dahilan pag iyak niya.

While saying those words, na si Shawn ang kailangan ni Heaven, sh*t pakiramdam ko mawawasak ang puso ko.

Sana ako nalang ang kailanganin mo Mika, sana ako nalang ang ama ni Heaven, sana tama ang hinala ko...

Kung mabibigyan pa ako ng chance kahit isa lang, hinding- hindi ko na sasayangin yun ulit. Kukunin kita ulit at ipagdadamot sa lahat kasi akin kalang, akin ka naman talaga.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now