Chapter 17

131 24 0
                                    

Chy's POV

"kyahhh ilang araw nalang graduation na natin huhuhu", hirit ko sa mga kaibigan ko.

"kaya nga eh, akalain mo after ng lahat ng pagsisikap natin gagraduate na tayo", sabay ni Janna.

"ano may plano na ba kayo? Magbabakasyon ba muna kayo o diretso hanap na ng trabaho?", tanong ni Shawn.

"basta ako, bakasyon muna bago another hirap. Magtatravel muna ako ng ilang lugar sa bansa then work na", masaya kong sagot.

"ako work na haisst. Kailangan eh", ani Janna.

"ako pahinga muna ng ilang months din hanap trabaho", saad ni Shawn.

"eh ikaw naman gurl, anong plano mo Mika?", sabay kalabit ko kay Mika na kanina pa walang imik.

"ha? Ako? Diko pa sure", wala sa sarili nyang sagot.

Last month pa ganito tong babae na toh tas ayaw magsasabi sakin. Nakakatampo kaya, kaibigan nya ako tapos walang sinasabi haisst.

"Tara magtravel muna", saad ni Shawn.

"Kala mo naman papayagan yan ng kanyang jowabels na hindi yun kasama", pagtataray ko.

"edi hanap trabaho", sabat ni Janna.

"nako prinsesa yan. Hindi yan pagtatrabahuhin ng jowa nya", kontra ko.

Nako alam ko na agad takbo ng buhay ni Mika. Graduate nga ng Nursing pero magtataong bahay dahil kay Renrem. As if naman kasi payag yun na mahirapan si Mika.

Uwian na namin at aayain ko si Mika mag-mall dahil gusto ko rin syang kausapin sa mga bagay-bagay, kahit na alam kong imposible dahil kay Renrem na taga sundo nya.

"uyy bess tara sa mall", aya ko.

"sige", walang paligoy-ligoy na pag-sang ayon nya.

Whoaaa himala!

Kaysa tanungin ko pa kung bakit agad syang pumayag ay hindi nalang. Baka magbago pa isip.

"Wala kang sundo?", tanong ko habang naglalakad palabas ng room.

No respond!

"hindi ba magagalit si Renrem?"

Kibit balikat respond...

Yahh I feel something wrong na, kating- kati nako magtanong eh.

AT THE MALL...
After a minutes ay nakarating din kami sa mall.

"tara National Book Store", aya ko na alam kong di nya kayang tanggihan.

Nag-nod naman sya bilang sagot. Since last month once in a blue moon ko nalang syang makita na naka-ngiti, minsan pilit pa. Tapos I observe na madalas syang lata at wala sa mood, pakiramdam ko tuloy ibang tao tong kasama ko eh. Hindi ganito si Mika, sobrang masayahin sya at full of energy. Pero bakit ganito na sya bigla. Ano na naman kayang ginawa nung letcheng boyfriend nito.

Nang makarating kami sa National Book Store ay kahit papano ay nakita kong umaliwalas ang mukha ni Mika ng bahagya, nang mapadpad kami sa shelves ng mga wattpad books.

Yeahh wattpad books can change her mood! Si Mika nga...

"pili kana, I'll treat you", saad ko na pinagtaka nya.

"Thanks bess pero di naman kailangan eh", peke nitong ngiti.

"Gaga may kapalit yan", pagbibiro ko sabay tawa.

"kapalit?!", taka nyang tanong.

"bibilhan kita ng limang libro basta ngingiti ka habang kasama mo ako", saad ko na kinabago ng reaksyon nya.

Yumuko sya at tila nawala ang aliwalas.

"dali, baka magbago ang isip ko", biro ko.

"nagugutom nako tara kumain", saad nya sabay angat ng ulo nya at ngiti sakin.

Nakakatakot yung mga ngiti nya. Smiles between pain and hurt... Anong problema mo Mika?!

Nagnod ako at bigla nya akong hinila palabas dun at nagtungo kami sa Mcdo. Umorder kami ng common food nya, sundae, fries, burger at softdrinks. Kumakain na kami ngayon, time ko na din para magtanong.

"bess ayos kalang ba? Last month ko pa napapansin na may kakaiba sayo. Dahil ba toh kay Renrem", lakas loob kong saad na kinabigla nya.

"Umm oo naman noh ayos lang ako. Tyaka okay kami", pilit nyang ngiti.

"hindi ako naniniwala bess. Parang hindi na ikaw yung Mika na kilala ko, yung palaging masaya at nakangiti"

"ayos lang ako trust me", saad nya tyaka hawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa mata nya at kita ko ang pamumuo ng mga luha dun at ang pagkagat nya sa labi nya.

Yeahh she's a great pretender I know!

"kaibigan mo ko at sabay na tayong lumaki. Ngayon mo pa ba ako pagsisinungalingan ha", pilit ko.

"Bess di ako nagsisinungaling sayo, ano kaba ha hahaha", pilit nyang tawa.

Di ko sya kayang pilitin kung talagang ayaw nya. Mahirap basahin si Mika pero madali syang mahuli.

Nang natapos kami kumain ay babalik na kami sa National Book Store. Napahinto ako sa paglalakad dahil may nakita akong isang pamilyar na tao.

Si Renrem... Together with some girl huh!

"oh bat kapa nakatayo jan, tara na", aya ni Mika.

Kailangan tong makita ni Mika, ayoko syang masaktan pero di pwedeng ganito.

"bes si Renrem ba yun?", sabay turo ko sa direksyon ng isang kainan.

Napatingin naman sya dun at tila nagbago ang reaksyon nya. Kitang- kita namin kung pano yapusin si Renrem ng baboy na higad na yun. Tangina kaibigan ko pa talaga niloloko nya kingina sya. Tumingin ako kay Mika at kita ko sa mga mata nya na gusto nyang umiyak at magwala doon.

"ano Mika hindi ba natin sila lalapitan at kukumprontahin yang malandi mong bf at baboy nyang kabet", galit kong saad kay Mika habang hawak ang kamay nyang nanginginig.

"tara na Chy uwi na tayo", nakangiti nyang saad sakin.

Wtf!

"Mika kitang-kita na natin na maharot yang si Renrem. Dika ba magagalit sa kanya", sabay yugyog ko sa balikat nya.

"ano kaba hahah customer nya yun. Diba may shop sya, dun yun", pagdadahilan nya.

"kinginaa Mika may customer ba na nangyayakap at nanghahalik ha"

"tara na Mika uwi na tayo. Tutulungan ko pa si mama sa tindahan", aya nito.

"Mika", sigaw ko sa kanya na kinagulat nya.

"kung ayaw mo, ako ang pupunta sa kanya at sasampal sa kanya ng maraming beses", galit kong saad.

"tara na", sabay hila nya sakin palayo dun.

"Mika ano ba?!", irita kong pigil sa kanya.

"sa bahay nyo. Dun tayo mag- usap", saad nya na medyo kinagaan ng loob ko.

"sige", may diing kong sagot.

Tangina kumukulo dugo ko sa lalaking yun. Ang kapal ng mukhang magloko, eh ang swerte- swerte na nya sa kaibigan ko p*kyu sya bente.

Can I Hold You Again? [Under Editing]Where stories live. Discover now