Chapter 34

3.7K 70 1
                                    

"Mom."tawag ni Blaire sa atensyon ng kaniyang ina at nilapitan ito upang halikan siya sa pisngi.

Mabilis na nag iba ang expression niya ng kay Blaire siya natuon at sa mga bata.

"Oh my gosh! Sila na ba, hijo? My grandson and my grand daughter?"tanong niya at mangiyak-iyak pang lumuhod upang mapantayan ang mga bata.

"Yes, Mom.. He is Cahlix and she is Scarlet.. Kids, she's your lola Beatrice."pakilala ni Blaire.

Masunurin naman tumango ang mga bata at nagmano kay Ma'am Beatrice bilang paggalang. Doon palang napangiti na ako.

Napaawang ang bibig ng ina ni Blaire at kalaunan napa hagikhik. Niyakap niya ang mga bata at pinaghahalikan sa mukha.

I heard Blaire's chuckled.

"Ang ganda niyo po, Lola."puri ni Cahlix sa lola nila. Mas natuwa ang Ginang.

"Thankyou, Cahlix, but you can call me, Mommy-la.. Same with you, Scarlet."baling din niya sa anak kong si Scarlet na kanina pa nakatitig sa kaniya. Parang hindi makapaniwalang may lola ulit siya/sila.

"Yes po, Mommy-la."magiliw nilang sagot at muling niyakap ito.

Muling bumalik ang kaba ko ng mabaling ulit ang atensyon ni Ma'am Beatrice sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay at palihim umirap na hindi naman napansin ni Blaire.

"Mom, she is Camille, mother of my children."ani Blaire habang nakalapat ang isa niyang kamay sa likuran ko. "And, Cams, she is my Mom Beatrice."

"M-magandang hapon po."bati ko at minabuting wag manginig ang kamay ng ilahad ko ito sa kaniyang harapan.

"Ah, hijo, how are you? You're more handsome, huh?"baling niya kay Blaire na hindi man lang pinansin ang paglalahad ko ng kamay.

I just closed my mouth and withdrew my hand.

Nagpaalam na rin si Blaire upang pumunta sa silid na pags-stay-in namin after nilang magkamustahang mag ina.

Pansin ko talagang ayaw ni Ma'am Beatrice sa akin at ang pandidiri niya sa tuwing tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Kung hindi lang namin kasama ang mga bata ay baka umuwi na akong mag isa at bumalik kung saan talaga ako nararapat.

"Are you okay?"tanong niya ng mapansin ang pananahimik ko sa kama.

Nasa loob kami ng sarili niyang kwarto at kami lang dalawa. May sarili kasing silid ang mga bata dahil iyon ang gusto ni Ma'am Beatrice at ni Blaire.

Binalingan ko siya at huli na ng mapansin kong naka topless lang siya't basa pa ang buhok. Halatang kakagaling lang sa pagligo.

Umiwas ako ng tingin dahil sa init ng pakiramdam ko. Nakaka attract kasi ang mala-V-line at ang 8 pack abs niya. Tila nang aakit na lapitan at hawakan ko sila. Damn!

Hindi ko naman first time makita ang kabuuan niya pero iba pa rin pala talaga kapag nakaladlad pa sa harapan mo at basang basa pa. Napakainit!

I need water!

"Take a bath too."aniya at ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala siya sa akin. As in sobrang lapit. Isang hakbang na lang magdidikit na ang mga balat namin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Jusko lord! Sana mapatawad niyo pa po ako sa mga pagkakasala ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at ang pagbend ng knees niya upang maglevel-up ang mga mukha namin. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makatingin sa kaniya ng maayos. I can smell his masculine body wash and he looks more attractive now.

Say That You Love Me (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin