Chapter 13

4.4K 81 1
                                    

"Ma, pasensya na po kung hindi na po ako makakauwi, medyo madami pa po kasi akong ginagawa dito."malungkot kong sambit sa kabilang linya. Ngayon na ang araw nang pagtatapos ni Carlo at ilang minuto na lang ay mag uumpisa na ang ceremony nila.

[Ayos lang, anak. Sasabihin ko na lang sa kapatid mo. Basta ingatan mo ang sarili mo diyan..]ani mama. Napangiti ako at marahan na tumango.

"Opo, ma.. Kayo din po diyan nila papa at nang mga kapatid ko. Uhm, wag po kayong mag alala, ma, makakauwi din ako."pinanatili kong buo ang boses ko kahit pa'y may bumubukol na sa lalamunan ko.

[Naiintindihan kita, anak. Sabihin mo lang sa'kin kung nahihirapan ka na diyan ah? Ako mismo ang susundo para sayo.]mariin kong iniipit ang mga labi ko at tumingala sa may kisame dahil sa pag iinit nang mga mata ko.
[Anak, ayos ka lang ba?]may halong pag aalang tanong ni mama.

Huminga ako nang malalim para hindi mahalata ang emosyong lalabas sa'kin."Oo naman po, ma.. Ayos na ayos po ako, lalo na makakapagtapos na rin si Carlo nang high school. Hindi ko pa pala sila nabibili nang mga shoes."

[Hay naku, anak. Wag ka nang magsayang pa nang pera mo. May bagong sapatos na ang mga kapatid mo.]

"Ma, dapat ako na lang po ang bumili para sa kanila at itinago mo na lang po sana yung pinambili niyo."

[Anak, Camille, hindi naman ako ang bumili ng mga sapatos nila.]kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. Hindi siya ang bumili? Eh, sino?

"Sino pong bumili, ma?"kuryosong tanong ko.

[Sabi daw niya kaibigan mo siya. At Rodjun Ortega daw ang pangalan niya.. Madalas nga siyang nagpupunta dito dahil gusto ka daw niyang makita at makausap ng personal.]

Si Rodjun? Bakit wala man lang siyang sinasabi sa akin na pumupunta siya sa bahay? Nagtetext naman siya sa akin ah? Hindi kaya siya din ang nagpadala ng pera kay mama? Pero bakit kailangan niyang gawin pa iyon?

"Ma, tawag na lang po ako sa inyo mamaya."paalam ko na kay mama na kaagad din niyang sinang-ayunan. Ang number naman ni Rodjun ang tinawagan ko.

[Yes, goodmorning beautiful.]pambungad niya at alam kong malawak nanaman ang ngisi nito.

"Rodj, bakit hindi mo sinasabi sa'kin na pumupunta ka sa bahay?"may konting pagtatampong tanong ko. Narinig ko nanaman ang mala-anghel niyang pagtawa at ang pagbuntong hininga niya.

[Hindi mo rin naman sinasabi sa'kin na kay Blaire ka na ulit nagtatrabaho. Alam mo naman umaasa pa rin akong babalik ka sa kumpanya ko at hanggang ngayon wala pa rin akong ina-hire na secretary.]nahihimigin ko rin ang tampo sa kaniyang boses. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi maguilty.

Hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kaniya na nasa mansiyon ako ni Sir Blaire at nagtatrabaho bilang slave at hindi bilang secretary niya.

"Pasensya na.."yan lang ang lumabas sa bibig ko.

[Asan ka ba? Akala ko ba nagtatrabaho ka pa rin sa kaniya? Eh, bakit hindi kita nakikita sa kumpanya niya? Iba na rin ang nasa pwesto mo.]aniya.[And I already ask of Trina and Jinky kung nasaan ka ba but they said nasa ibang posisyon ka na raw nagtatrabaho.. I do not understand, Cams.]naguguluhan niyang sambit sabay buntong hininga.

Pinagsabihan ko na kasi sila Trina at Jinky na wag na wag nilang babanggitin ang trabaho ko bilang slave ni Sir Blaire at kung saan man ako naroroon, once na magtanong sa kanila si Rodjun.

Alam kong hindi magdadalawang isip ang lalaking yon kapag nalaman niyang nandito ako sa mansiyon ni Sir Blaire at baka kung ano pang isipin ni Sir Blaire kapag pinuntahan pa ako dito ni Rodjun. Si mama naman—hindi ko alam kung sinabi niya ba kung asan ako ngayon. Pero kung sinabi naman niya baka hindi na magtanong si Rodjun kung nasaan ako, diba? Kahit papaano ay lumuwag na rin ang pakiramdam ko.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now