Chapter 10

5.2K 95 2
                                    

Sa loob nang van, doon ko lang nilabas ang kaninang nagbabadyang mga luha. Hindi ko rin pinapahalata sa dalawa na umiiyak ako.

Iniisip ko pa rin kung sino ang nagpadala nang pera kay mama. Kaninu kaya galing yon? Nasa halagang 50,000 daw iyon at sa laki nang pera ay parang ang hirap-hirap paghirapan iyon.

Nakarating kami sa mansiyon at inayos ko na rin ang pinamili ko sa silid. Naligo muna ako bago ulit ako bumaba.

"Buti nga sa kaniya."

"Wala nang ginawa ang babaeng yon kundi ang maging piling reyna dito. Eh, samantalang katulong din naman siya dito."

Nagtataka akong lumapit kina ate Juvy at ate Susan nang marinig ko silang nag uusap sa kitchen.

"Sino pong pinag uusapan niyo, ate?"tanong ko sa kanila, nakatalikod sila sa akin kaya pareho silang humarap. Nakangiti sila at kaagad akong dinaluhan.

"Sino pa? Edi si Alwina."may halong saya sa tono nang pananalita ni ate Juvy.

"Bakit po? Ano po bang nangyari kay Alwina?"

"Wala na. Pinalayas na siya ni, Sir. Kaya magsaya ka dahil wala na siya dito."natutuwang sagot niya. Tumingin pa ako kay ate Susan na may malawak na ngiti.

"Gusto ko man pong magsaya ngunit nakokonsensiya din po ako."sabi ko, kaagad napawi ang tuwa sa kanilang mga mukha. Kunot noong tumingin sa akin si ate Susan at si ate Juvy naman ay nakasimangot.

"Gaga ka talaga.. Bakit nakokonsensiya ka pa sa impaktang yon? Wala naman ginawang maganda yun sayo."pagsusungit ni ate Juvy.

"Bakit hindi ka magpakaplastic minsan, Camille, para naman hindi ka nila inaabuso nang ganyan."pangaral ni ate Susan. Nakikita ko sa kanilang dalawa ang katauhan nila Jinky at Trina, sila lang din kasi ang palagi kong nakakausap dito, pati na rin si Aling Mona. Miss ko na rin ang dalawang 'yon. Kamusta na kaya sila?

Sana naman payagan na ako ni Sir Blaire na gumamit nang cellphone.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang maging alipin ni Sir Blaire sa mga araw na lumilipas. Nakakapagod ngunit hindi ako nagrereklamo sa kaniya. Isang linggo nanaman ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi na nasundan ang pagdalaw ko sa bahay. Nag iipon na rin ako para sa nalalapit na graduation ni Carlo sa 4th year highschool. Nangako ako sa kanila na ibibili ko sila nang mga gusto nila basta pagbutihan lang nila sa pag aaral.

"Hija, pinapatawag ka ni Blaire."tumayo ako sa pagkakahiga nang marinig ko si Aling Mona sa labas nang aking silid.

"Bakit daw po?"tanong ko sa kaniya pagkabukas sa pinto.

"Aba'y ewan ko sa batang iyon."kibit balikat niya."Sige na, hija, puntahan mo na siya at ako'y magluluto pa."

"Sige po."

Sinara ko ulit ang pintuan pagkaalis ni Aling Mona. Nagsuklay lang ako bago lumabas.

Dumiretso ako sa may elevator para puntahan siya sa kaniyang opisina. Doon ko kasi siya laging pinupuntahan kapag kailangan niya ang serbisyo ko. Hindi na kasi nasundan ang pagpasok ko sa kaniyang silid nung unang araw na nakita ko siyang naka topless lang. At hanggang ngayon ay namumula ang mukha ko. Ewan ko ba, kapag pumapasok sa isip ko ang expose na expose niyang pangangatawan ay umiinit na lang ang pakiramdam ko.

Naka aircon naman dito pero ang dali-dali kong mag init.

"I'll give you one week to go home."seryoso niyang sambit, nakasandal siya sa kaniyang swivel chair atsaka siya naka cross arms.

Napapalakpak ang tenga ko nang sabihin niya iyon."Talaga po, Sir?"natutuwang tanong ko.

He just nodded at me."And here is your phone."nilahad niya sa harapan ko ang matagal ko nang hinihintay na makuha sa kaniya.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now