Chapter 45

4.8K 89 9
                                    

"Kaorine,"tawag ko sa babaeng nakatayo mula sa harapan ng company nila Blaire. Malalim ang iniisip nito habang himas-himas ang kaniyang tiyan.

Nang matauhan siya ay humarap siya sa akin. May bahid ng gulat sa mukha.

"What are you doing here?"nagtatakang tanong nito.

Tumingin muna ako sa paligid at wala naman gaanong tao. Nagpunta ako rito dahil gusto ni tita Beatrice na magpasyal ako sa opisina ni Blaire kahit sandali lang para hindi raw ako mangulila lalo sa kaniyang anak. Hindi pa rin nagigising si Blaire hanggang ngayon at hindi rin ako tumitigil na ipagdasal siya sa araw araw. Ganon din ang mga anak namin.

Naniniwala akong magigising din siya. Hindi na rin ako makapaghintay na sabihin sa kaniya na magkakaroon ulit kami ng mga babies. Hindi lang dalawa but three more.

Umayos ako ng tayo. "Nandito ako upang dumalaw sa opi–"

"Bakit? Multo ka ba?"kumunot ang noo ko sa pagpipilosopo niya.

"What?"kunot noong tanong ko.

She chuckled. "Hoy! Ang landi mo talaga ano? You know may asawa na si Blaire–"

"Oh fuck that! Ikaw ang malandi."putol ko sa kaniya.

Wala pa rin palang pinagbago ang ugali.

She clenched her jaw. Masama niya akong tinignan pero nakipaglaban pa rin ako ng titigan sa kaniya.

Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin yon. Oo, inaamin ko naman na naging ganon ako pero wala pa rin siyang karapatan na sabihin ulit iyon sa akin. Samantalang siya sinasabi niya na may asawa na si Blaire kahit wala naman talaga.

"How dare you to say that!"nanggigigil niyang sambit.

Kung kinakailangan ko ulit lumaban ay gagawin ko pero nangangamba ako sa maaring mangyari sa parehong dinadala namin.

"Hindi ba totoo? Ginagamit mo ang apelyido ni Blaire para ano? Para masabing naikasal ka na sa kaniya?"bulgar ko.

Napamaang siya at hindi kaagad nakapagsalita. Ngumisi ako na nagpatiim bagang sa kaniya.

"Ikinasal kami at magkakaroon pa ng anak. He loves me and I love him too so much!"sigaw niya.

"Talaga? E bakit nandito ka? Samantalang ang sinasabi mong asawa mo kuno ay nasa Italy.. nakahilata pa rin sa hospital. So ano? Asawa ka pa rin bang naituring? Ni hindi mo nga siya binabantayan doon tapos bumalik ka rito na may malaking umbok sa tiyan?"ani ko.

Napalunok siya at umiwas ng tingin sa akin. Bumaba ang mga mata ko sa malaki niyang tiyan.

"At sigurado ka bang kay B-blaire yan?"tanong ko while looking at her big belly. Kinakabahan man ako pero mas pinapatatag ko lang ang sarili na wag matibag at panghinaan ng loob.

Muli siyang humarap sa akin. Bigla siyang umiyak na ikinagulat ko. He approached me and held my hands.

"P-please.. I-I need Blaire. I need him for my child."pagmamakaawa niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa pero hindi naman pwede ang sinabi niya.

Inagaw ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. "I'm sorry but we need Blaire too. Kailangan din siya ng mga anak ko at ng mga pinagbubuntis ko ngayon."

Napaawanyg siya. Umiling-iling pa ito na tila hindi makapaniwala sa huli kong sinabi.

"W-what do you mean?"bumaba ang mga mata niya sa tiyan ko. "S-si Blaire ba ang ama?"she cried even more in front of me.

I bit my lower lip and stroked my big belly.

"Y-yes."I nod.

Umatras siya at bigla na lang umalis ng may sakit na nararamdaman.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now