Chapter 27

4.3K 70 4
                                    

"There is nothing you can do anymore because my staff is now going to France to pick up the children!"that's words makes me weak and miserable.

Hindi ko alam kung paano pa ako nakakatayo ng matuwid sa loob ng opisina niya pagkatapos ng lahat ng mga narinig ko. Napahagulgol na rin ako sa pag-iyak at hinarapan siya ng puno nang galit, pagkamuhi, at takot.

"H-hindi mo pwedeng kunin ang mga anak..ko!"sigaw ko at nilapitan siya upang bigyan siya ng mag-asawang sampal ngunit sa kabila ng iyon ay ngumisi lang siya.

"Anak mo lang? They are also my children."

Umiling-iling ako."M-matagal mo na silang itinakwil bilang anak kaya pabayaan mo na sila sa akin."

"Pabayaan?!"hablot niya sa braso ko at nanlilisik ang mga mata niya."Hindi ko na sila maaaring pabayaan dahil alam kong sa akin lang sila magkakaroon ng ka-ginhawaan sa buhay.. Na hinding-hindi niyo na maibibigay pa sa kanila sa oras na bumagsak na nang tuluyan ang kumpanya ni Rodjun!"at marahas akong binitawan.

Napaawang ng bahagya ang bibig ko sa sinambit niya."So tama pala ang hinala ko?"sambit ko at pinunasan ang mukha.

Biglang kumunot ang noo niya."Na ikaw ang may pakana kung bakit bigla na lang bumagsak ang kumpanya ni Rodjun, Am I right?"

Nang uuyam siyang natawa at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Konti na lang maglalapat na ang mga labi namin sa isa't isa."I do not know what you are saying, Misis Ortega!"mapait niyang sagot, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa swivel chair at prenteng sumandal dito.

Nakatungo siya na tila may malalim na iniisip.

"Ngayon, ikaw na naman ang tumatanggi? Alam kong may kinalaman ka sa paglugi ng kumpanya niya."pag-aakusa ko dahilan upang mag abot ulit ang mga paningin namin.

"Why don't you asked first your loving husband before you acuse me!"he said frustration.

Bigla akong natahimik. He is right. Pero minsan ko nang tinanong si Rodjun tungkol doon ngunit ayaw man niyang sabihin sa akin ang dahilan. Asawa naman niya ako pero bakit ganon? Mas pinili pa niyang itago sa akin ang problema niya. Pakiramdam ko, wala siyang tiwala sa akin kaya ayaw niyang sabihin ang problema nito.

"Change topic."

Napabalik ako sa tamang huwisyo ng muling magsalita si Blaire at magkasalikop ngayon ang mga kamay niya habang nakapatong naman sa mesa ang mga siko at mariing nakatingin sa akin.

Nakipaglabanan ako ng titigan sa kaniya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. Kinabahan ako sa paraan ng paninitig niya.

"You want the twins to stay by your side, right?"he asked.

Parang may bumara sa lalamunan ko at hirap ako sa paglunok.

"Yes or no?"dugtong nito.

Mariin akong napatango."Y-yes."sagot ko."I want them by my side. So please, don't take them away from me."nilabanan ko ang pagbabara ng lalamunan ko upang hindi ako mapiyok.

"Then give me five reason."he said.

Kumunot ang noo ko."Para saan pa?"singhal ko. Ang kapal ng mukha niya. Bakit ako ang tinatanong niya ng ganito?

'Sis, wala ka nang magagawa pa kung makikipag-areglo ka pa sa kaniya. Kaya niyang gawin ang lahat. Isang pitik lang ng demonyong iyan, eh nasa kamay na niya ang mga ito.'

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now