Chapter 28

4.1K 68 3
                                    

"Mamma, kanino po house to?"tanong ni Cahlix, dalawang araw na silang nakauwi galing France at sa bahay muna sila nagpalipas. Hindi ko pa din sinasabi sa magulang ko o maski kay Rodjun na may kasunduang naganap sa aming dalawa ni Blaire.

Nakalabas na rin sa kulungan si Carlo dahil inuurong na nila ang kaso. And I know si Blaire ang may gawa non.

"Mamma, are you okay po?"tanong ni Scarlet habang buhat-buhat ko.

I smiled."Of course, baby."sabay halik sa pisngi niya.

"Hey, you are finally here."nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko na naman ang baritonong boses na nagmumula sa may likuran namin.

Alam kong papunta siya ngayon dito.

"Who are you?"rinig kong tanong ni Cahlix sa kaniya. Gosh! Ito na ba ang tamang panahon upang magkakilala silang tatlo?

Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa kaba.

"Silly. Nagmana ka talaga sa akin."natatawang sambit ni Blaire, dahan dahan akong lumingon sa kanila at nakita ko na nakaluhod ito sa harapan ni Cahlix. Hindi ko maiwasang pagmasdan silang dalawa, para lang silang nananalamin sa isa't isa. Magkamukhang-magkamukha nga talaga sila.

"Why are you handsome like me po? And you look familiar po sa akin. Have we met na po ba before?"puno nang pagkuryosidad na tanong ni Cahlix dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. Blaire laughed and I can now see the real pleasure I just saw.. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya at dahil iyon sa mga bata.

"Daddy."nabaling ang atensyon naming lahat sa buhat-buhat kong si Scarlet nang bigkasin nito ang salitang 'Daddy' na ngayon ko lang narinig mula noon pa. Tanging dada lang ang mga binibigkas niya sa tuwing nakikita niya si Rodjun simula nang matuto itong magsalita. But why now? She called Blaire daddy as if she already knew something.

Dapat ba akong matuwa?

"Are you Scarlet?"tanong ni Blaire sa anak ko.

"Yes po. I'm Scarlet Claire po, daddy."at bakit parang hindi man lang ito nahiya? Napahagikhik si Blaire at lumapit sa amin upang buhatin si Scarlet.

"Can I?"paalam niya sa akin, napatango ako at ibinigay sa kaniya si Scarlet."Hi, baby. How did you know that I'm your—"

"Ah, tama!"biglang sambit ni Cahlix na tila may naalala. Nakangiti itong malawak at nakatingalang nakatingin kay Blaire. Anong nasa isip ng mga anak ko? Alam na ba nila na ang lalaking kasama namin ngayon ay ang totoo nilang ama?

'That's great. Hindi mo na kailangan ipaliwanag pa sa kanila ang tungkol sa kanilang ama.'

Pero alam kong hindi mawawala ang katanungan sa kanilang isipan kung bakit ngayon ko lang ipinakilala sa kanila ang totoo nilang ama.

"Hey, buddy, what's wrong?"malambing niyang tanong kay Cahlix at pati ito ay binuhat. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita kong magkasama na silang tatlo. They are look good together. Iba pa rin pala talaga ang saya sa mata ng mga bata kapag kasama na ang totoo nilang ama.

"We look triplets po, daddy."ani Cahlix. Oh, pati siya nakiki daddy na rin.

"Yes, we are."nakangiting sagot nito sa mga bata.

"Goodmornig, lo— Oh, my gosh! Who are they?"sigaw nang matinis na boses na pamilyar na pamilyar sa pandinig ko. At hindi nga ako nagkakamali, siya ang babaeng nakabangga ko sa convenience store.

"Hey, love. Goodmorning too."bati sa kaniya ni Blaire at nilapitan ito habang hawak ang dalawang bata. Nakaramdam ako ng inis nang makita kong naghalikan sila sa mismong harapan ng mga anak ko. Wala ba silang privacy? Bakit kailangan pa nilang gawin iyon sa harapan ng mga bata? Ano na lang ang sasabihin nila?

Say That You Love Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon