Chapter 46

5.5K 88 9
                                    

Pagbaba namin sa mahaba at ekslusibong hagdanan ay dumiretso kami sa dining room. Rinig na rinig ko na ang mga katuwaan sa loob. Bumungad kaagad sa amin ang nagraramihang mga pagkain sa malaking hapag. I can't help but to smile.

Tinawag nila kami ng mapansin ang presensya namin. Puro puri din ang naabutan ko dahil sa ayos ko at kung paano bumagay ang suot ko.

"Jusko, anak. Ikaw ba talaga yan?"hindi makapaniwalang tanong ni Mama at sinipat pa ang kabuuan ko. Napapailing na lang ako't natatawa sa mga reaction nila about sa itsura ko.

"Opo, Ma."I chuckled.

Umupo kami at manghang mangha pa rin sila hanggang ngayon. Parang ngayon lang ulit nila ako nakitang ganito ha? Ang triplets naman ay nasa mga maids, binabantayan.

"You look really goddess, Cams."puri ni Rodjun na nasa harapan ko, katabi niya si Rochelle at ang panganay nilang kapatid.

Pinamulahan ako ng mukha. Hindi dahil sa papuri ni Rodjun kundi ang pang aasar nila Rochelle at Carmela sa amin.

"Uyy, inlove na naman."ani nila.

Natatawa si Rodjun sa mga ito at ginatungan pa niya. "Why? I'm still inlove with her."he said.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

Damn! Rodj.

"Bat di mo pinaglaban, kuya?"biglang tanong ni Carlo na nagpantig sa aking mga tenga.

Oh gosh! Saan ba mauuwi ang mga tanungan na ito?

Natahimik bigla ang mga ito. Pati na rin sila Mama at sila tito at tita na kanina'y busy pa sa pakikipag usap.

Siniko ni Cheska si Carlo dahil siya ang katabi nito. Kibit balikat lang ang isinagot niya na parang wala man sa kaniya ang sinabi.

"Umayos ka."banta pa ni Cheska.

"Jusmiyo Marimar Pulgoso! May Sergio na si Ate Camille, e."basag ni Carmela sa katahimikan habang natatawa.

Napahinga ako ng maluwag ng magsitawanan din sila. Nakalimutan na rin nila ang mainit na tanong ni Carlo at bumalik sa masayang pakikipagkwentuhan. Nararamdanan ko rin ang panaka-nakang tingin ni Rodjun sa akin pero nauuwi rin iyon sa friendly smile sa tuwing nagpapang abot kami. Nagdevorce na kami at pareho namin iyon ginusto. Wala pa kaming malalim na napag-uusap ng kami lang dalawa kahit devorce na kami sa papel.

Hours had passed. Sa sobrang busy sa pag uusap ay hindi na namin namalayan na papagabi na pala. Nandito pa rin silang lahat. Hindi ko rin alam kung dito din ba sila matutulog. Although, marami namang guest room dito at alam naman ni tita na nandito sila sa mansion.

Nandito kaming lahat sa living room, nanonood ng comedy movies. Puro tawanan lang kami dahil sa mga bida'ng tila may mga saltik.

I turned to Rodjun as he sat next to me.

Ngiting-ngiti siyang nakatitig sa akin.

"What?"nagtataka kong tanong sa kaniya. He just shook his head and more smiled at me.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay dahil sa inaakto niya.

"I just think if tama ba ang naging desisyon ko.."

"Huh? What do you mean?"nalilitong tanong ko.

"If it was right I set you free.."aniya sa malungkot na tono na tama lang na ako ang nakakarinig.

Lumingon ako sa mga kasama naming nanonood at tutok na tutok pa sa TV.. I sighed before I looked back at him again.

"R-rodj."mahinang usal ko. "K-kung may sasabihin ka, pwedeng sa labas na lang?"

Say That You Love Me (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu