Chapter 8

5K 98 9
                                    

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mong yan?"tanong ni mama habang tinutulungan ako sa pag iimpake ng mga gamit na dadalhin ko. Konti lang naman ang ibabalot ko. Hapon na nang makauwi ako sa bahay kanina.

"Opo, ma."sagot ko. Wala naman akong magagawa kung aayaw ako. Tinanggap ko na lang ang nais ni Sir Blaire dahil ayokong madamay pa ang pamilya ko sa galit niya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto niya akong pinapahirapan nang ganito. Bina-blackmail pa niya ako.

"Ate, nandun na po yung magsusundo sayong van."sulpot ni Carlo na nasa bungad nang pintuan ng aking kwarto. Yun na siguro ang sinasabi ni Sir Blaire na magsusundo sa akin.

Tumayo na ako pagkatapos naming magbalot-balot. Pumasok si papa dito kasama si Carmela.

"Anak, mag iingat ka."payo ni papa sa akin, tumango ako at nilapitan siya para yakapin. Ayokong iwan sila dito.

"Pa, ingatan niyo po ang sarili ninyo. Wag na wag po kayong kakain nang pinagbabawal sa iyo nang doctor ah?"bulong ko kay papa habang ang baba ko ay nakapatong sa kaniyang balikat.

"Anak, hindi mo na ako kailangan pagsabihan pa, alam kong magagalit lang kayo sa akin."aniya sa natatawang boses. Gusto kong maiyak ngunit hindi dito. Hindi sa harapan nila. Ayokong maging mahina sa mga mata nila. Hanggat kaya ko, kakayanin ko. I will never give up for them.

"Ma,"humarap naman ako kay mama, alam kong nalulungkot siya dahil ayaw niyang magkahiwalay kami. Gusto ni mama na lagi lang kaming buo at doon pa lang ay panatag na siya. What else kung wala na ako sa tabi nila? I'm very sure mag-aalala nanaman siya sa kalagayan ko. Ayaw nga niya akong umalis ngunit kinumbinsi ko talaga siya. Buti na lang napapayag ko siya nang sabihin kong si Sir Blaire pa rin ang magiging amo ko. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoong kwento baka lalo silang mag alala sa'kin at hindi na ako paalisin.

"Camille, anak.. Ingatan mo ang sarili mo doon ah? Alam kong magiging maayos ang sarili mo doon dahil ang anak pa rin ni Mr. Arthuro ang magiging amo mo."mapait akong napangiti sa sinabi ni mama.

'Kung alam niyo lang, ma..' Gusto kong sabihin sa kaniya yan para matauhan sila kung sino ang kinikilala nilang mabait. Yes, mabait ang pagkakakilala nila papa at mama kay Sir Blaire dahil minsan na silang nagkaharapan nung nabubuhay pa si Mr. Arthuro.

"Opo, mama."sagot ko at niyakap din siya.

"Group hug naman diyan oh!"sigaw ni Carmela.

"Group hug!"sang ayon nila papa at Carlo. Natatawa na lang ako sa kakulitan nila. Mamimiss ko sila.

Pagkatapos. Marami pang binilin si mama at papa sa akin. Sila Carlo at Carmela naman ay puro kalokohan ang sinasabi sa akin. Kesyo magpadala raw ako nang maraming chocolates para sa kanila dahil mag aabroad na raw ako. At syempre nakisakay na lang ako sa kanilang mga kalokohan.

Kinakabahan ako habang nakasakay na sa grey na van. May dalawang lalaking naka itim ang lahat nang kanilang suot. Base sa itsura nila ay isa sila sa mga bodyguards ni Sir Blaire. Malalaki kasi ang pangangatawan nila at matatapang ang itsura. Sapukin ka lang baka makatulog ka na.

Kanina ko pa gustong magtanong sa kanila kung pwede ba kaming dumaan muna sa opisina ni Rodjun para makausap siya at ibigay ang resignation letter ko. Pero inuunahan ako nang kaba at takot. Tsaka na lang siguro kapag nagkita kami or kaya naman ay tawagan ko na lang siya.

Oo, tama.. Tawagan ko na lang siya.

Kinuha ko ang cellphone sa loob nang bag ko at hinanap ang pangalan ni Rodjun sa contacts. Hindi ko pa napipindot ang call nang may umagaw na sa cellphone na hawak ko.

"Sabi ni boss, hindi ka daw pwedeng gumamit nang phone hangga't wala siyang sinasabi."parang robot na sabi nung nasa passenger seat na umagaw sa phone ko.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now