Chapter 38

4.1K 74 16
                                    

One week before the wedding. Preparado na ang lahat. Sila Tita Belle-Mommy ni Rodjun ang tumulong sa amin para mapabilis ang lahat.

They were excited to attend their son and I's wedding while I was walking down the aisle. Hindi ko alam kung isa din ba ako sa nae-excite sa paparating na wedding. Parang may kulang. Malaki. Siguro dahil wala ang mga anak ko sa mismong araw ng kasal ko.

Gusto kong makausap si Blaire kahit sandali ko lang sana makasama ang mga bata. Pagkatapos hinding-hindi na ako manggugulo pa. Ako na ang magpapaubaya. Alam kong hinding hindi ako mapapatawad ng mga anak ko sa ginawa ko.

Napakasakit but I have to give up. I wiped my tears fell down on my cheeks.

Nandito ako sa tapat ng Alcantara Corp. Hindi na ako nagpaalam pa kay Rodjun dahil ayokong mag alala pa siya kaya naman naglakas loob akong pumuntang mag isa dito kahit na alam kong wala na akong mapapala sa huli.

Kailangan ko lang maging matapang sa harapan ni Blaire.

Naglakad ako papunta sa entrance door kung saan may bantay na nakatayo. Hindi ka talaga makakapasok ng basta-basta dito hangga't wala kang I.D.

"I.D, Ma'am."anang bantay. Hindi siya pamilyar sa akin at medyo bata pa ang itsura kumpara sa mga nauna.

Mabilis kong kinuha ang I.D ko at ipinakita sa kaniya. Tumango siya at pinapasok na ako.

Pagkapasok ko ay tila isang panaginip lang ang lahat. Wala pa rin pagbabago at nandito nanaman ako't nakaapak sa teritoryo ng demonyo.. Mapait akong napangiti at biglang kumirot ang puso.

Hindi ko akalaing mahuhulog ako sa bitay ng isang demonyo.

"Can I talk to Mr. Blaire Alcantara?"pormal kong tanong sa matandang babae at siguradong siya ang bagong sekretarya ni Blaire dahil nakaupo siya sa dati kong table.

Himala at hindi na puro sexy at bata ang nakuha niyang secretary ngayon? Sa bagay, may Kaorine na siya at siguradong mag aaway lang sila kung mga bata pa ang maabutan ng kaniyang girlfriend na nakaupo dito.

"Sorry, Ma'am, but he doesn't want to be disturbed now."aniya.

"Kahit sandali lang po.. Kailangan ko lang siyang makausap, Miss."

Umiling siya.

"Hindi talaga pwede, Ma'am, nasa meeting pa siya. If you want you can wait him on there."sabay turo niya sa bench.

"Ano po bang oras siya matatapos?"tanong ko ulit.

Tumingin siya sa pambisig niyang relo at muling bumaling sa akin.

"Mga 30 minutes pa."

Tumango at ngumiti. "Sige po, salamat."

"Sige po."she nod.

Umupo ako sa may bench at doon na lang naghintay.. Panaka-naka naman ang bawat sulyap sa akin ng secretary at ang ibang mga empleyado. May mga bagong itsura sa paningin ko at iilan na lang din ang nakatrabaho ko noon na nandito pa rin.

Naalala ko tuloy sila Trina at Jinky. Siguradong may sarili na rin silang mga pamilya. Gusto ko man silang imbitahin sa kasal ay wala akong contact sa kanila at hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin ngayon.

Tumingin ako sa phone ko para tignan ang time. Lampas 30 minutes na pero wala pa rin si Blaire.

Tumayo ako at muling lumapit sa secretary.

"Miss, hindi pa po ba siya tapos?"bumaling siya sa akin mula sa pagpipindot niya sa laptop.

"Baka hindi pa po, Ma'am."sagot niya.

Say That You Love Me (Completed)Where stories live. Discover now